Nineteen

211 7 0
                                    

 

 “Ahh! Sunugin ang mga alipin!” Napabalikwas ako ng bangon.

Luminga-linga ako sa paligid. Nasaan ako?

Nakahiga ako sa isang magarang bed sa loob ng isang magarang kwarto. Sa pagkakatanda ko, sa skwaters ako nakatira at gawa lang sa plywood ang kwarto ko. Sa sahig ako natutulog at hindi sa isang magarbong kama.

“Miss PM!”

Lutang akong lumingon dun sa tumawag sakin. May maid ako? Kailan ko pa na-afford maghire ang maid?

“Wala akong pampasweldo sayo.” Sabi ko sabay kusot ng mata.

Hinawakan ako sa braso nung babae at niyugyog.

“Miss PM! Bumangon na po kayo. Nasa baba na po si Bullet at hindi po maganda ang timpla niya.” Sabi niya habang patuloy pa rin akong niyuyogyog.

Teka… Bullet?

Sino nga ba ulit ‘yan?

Bullet… hmm… Bullet.

Napapilantik ako ng daliri.

Alam ko na! Siya yung manager ko. Naalala ko na, inihire ako ni madam na magpanggap bilang asawa ng isang artistang bisugo at tumira ako sa bahay na ito, si Bullet ang handler ko at siya ang mag-aayos sakin sa pekeng engagement namin ni hipon.

Humagikhik ako, “Hihi. Engagement nga pala ngayon.”

Engagement.

Namilog ang mga mata ko. Tila nabuhay agad ang dugo ko.

Anak ng tinapa!

Napabalikwas ako ng bangon at tumingin sa alarm clock.

9:35 am

Patay na naman ako kay Bullet!

Kasing bilis ng kidlat kong nagawa lahat ng milagro sa banyo. Tumakbo ako pababa at bumungad sakin ang nakabusangot na mukha ni Bullet. Ah! Kakainin na ako ng buhay ng matabang ‘to!

Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sakin, “Anong oras ang call time?”

Napayuko ako at nilaro-laro ang aking mga daliri, “8:30 ng umaga Bullet.”

Ngumiti siya at hinaplos ang buhok ko, “At anong oras na ngayon Patricia Marie?”

Bumaling ako kay Kathie tapos bumulong, “Anong oras na Kathie?”

“10:16 am na po Miss PM.” Bulong naman sakin ni Kathie matapos tumingin sa wallclock tapos yumuko rin siya katabi ko.

“10:16 na Bullet.” Sagot ko naman sa kanya.

“Tama! 10:16 na! Lagpas isang oras na tayong late sa schedule natin! At alam mo kung anong ibig sabihin niyan?” Tinuro niya ako. Grabe, lumalaki na naman ang butas ng ilong niya. Mabuti na lang at walang kulangot kaya hindi masyadong kadiri tignan.

Umiling kaming dalawa ni Kathie. Teka, bakit nakikisali ang batang ‘to samin?

“Hindi mo alam! Palibhasa wala ka naman kasing alam sa lahat ng bagay! Alas tres ang call time mo sa venue. Ang dami-dami pa nating kailangan gawin at mas pinili mong gumising ng matagal?”

Napakamot na lang ako sa ulo. Ano bang idadahilan ko? Kasi naman eh…

Kasalanan ng malanding ‘yon!

May palandi-landi pa siyang nalalaman kagabi! Alam niya bang alas tres na ako ng umaga nakatulog dahil, bwisiy, gising na gising ang diwa ko dahil sa trauma.

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Where stories live. Discover now