Seventy-Six

134 4 0
                                    

Hello Miss ShairaValdez,

Thank you for always supporting the story.

-Author

***

Patricia Marie's:

"Stop the game!" Ericka shouted and climbed over the fence. "Stop the—AAAAHHH!" Her footing slipped and she falls face first on the mud. Natahimik ang lahat pero may iialng tumawa. "What are you laughing at!? You ingrates! You disgust me!" She glared at them sabay tayo. "What in the heck's name is this place? I can't believe a place like this exists!" Pinunasan niya ang katawan at mukha at sinigurong hindi siya nagmumukhang tanga bago taas-noong tumingin sa harap. Tumingin siya ng masama sa 'kin sabay pabagsak na humakbang patungo sa kinaroroonan naming dalawa ni EJ.

Tinulak ko si EJ palayo hindi dahil kay Ericka kundi dahil hindi ko na naiintindihan ang nararamdaman ko. Kailangan kong makaalis dito... kailangan kong mag-isip. Kasi kung magpapatuloy pa 'tong ganito, hindi ko na alam ang gagawin. I felt something while he kissed me and that is what I'm afraid of. I'm scared nab aka tuluyan akong mawala sa katinuan at bumalik sa kanya.

Tumayo ako at mabilis na iniwas ang paningin ko. "Excuse me..." Hindi ko inalintana ang maputik kong ayos. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang makalayo muna kay EJ. "I have to go." Humakbang ako palayo.

"Patring wait..." Hinabol ako ni EJ at marahang hinila ang aking braso, "Let's talk..."

"No." Habol-hininga kong sabi sabay lingon sa kanya, nangingilid ang luha sa aking mata. "Leave me alone EJ. Please leave me alone for a while." Dahan-dahan kong binawi ang kamay at naglakad palayo.

"HEY! Hey you..." Tawag sa 'kin ni Ericka, wari ko'y sumusunod siya sa 'kin. "Kinakausap kita Patricia Marie, 'wag mo 'kong talikuran!"

Hindi ko siya pinakinggan. Wala akong panahon sa kanya... wala akong panahon para sa kanilang lahat. Nanghihina ako, hindi ako makapag-isip ng maayos, at gusto ko munang magpahinga.

"Limang taon nga ang lumipas at yumaman ka nga pero ang ugali mo kasing-itim pa rin ng Patricia Marie'ng nakilala ko noon. Bastos ka pa rin!"

Nahinto ako sa paglalakad. I straightened my back, slowly turned, and faced her. My jaw clenched. I gritted my teeth. The people started talking murmuring, some backed away, and some slowly jumped over the fence to stop the fight that might happen.

"Lilingon ka naman pala eh," Ericka smiled slyly, "Gusto mong ipaalam ko sa mga tao rito kung gaano ka kawalang-kuwentang babae? Just say the word and I'll do it PM. The privilege is mine."

Still, hindi ko siya sinagot. Ayokong bumaba sa lebel niya. Wala akong planong makipag-away sa utak-talangkang nilalang na 'yan. Pero unti-unti na talagang nauubos ang pasensya ko. Gustong-gusto ko siyang sabunutan. Gusto ko siyang kalbuhin!

"Gusto mo bang ipaalam ko sa mga tao dito kung paano mo ginamit si EJ? Kung paano mo napaikot ang buong bansa sa drama mo? Kung paano mo kami pinaniwalang napakalinis mo-- na napakabait mo, na totoo ka!" Humakbang siya palapit, "We get it. You got rich. You're filthy rich but that doesn't clean you of all the nasty things you did. Malay namin kung sinong Poncio Pilato ang nilandi mo para makuha ang L'World." She smiled, "Accept tha fact Patricia Marie. Nothing's going to change in you. Marumi ka pa rin. Salot ka pa rin. You're still that dirty little whore who does everything for mone— OUCH!"

EJ pulled her forcefully. Nagulat ako kasi iba na ang nakikita ko sa mga mata niya. Galit na galit siya na nakakatakot tingnan.

Tiningnan niya si Ericka. Ericka shuddered and started crying but EJ didn't give a damn about it. He looked... menacing. Kinuwelyohan niya ang babae at nilapit sa kanya. "If you open that fucking mouth again, I'll kill you." He said without remorse.

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Where stories live. Discover now