Seventeen

226 8 0
                                    

 

“Ulitin mo!”

Pangsampung akyat at baba ko na 'to sa staircase pero hanggang ngayo'y hindi pa rin nakukontento si Bullet sa ginagawa ko. Ang sakit na nga nung paa ko eh! Nagchin-up ako ulit sabay tingin sa baklang nakatayo sa gitna ng ballroom. Grabe, so parang pakikiligin lang namin yung mga taong dadalo? Hindi talaga masaya ang engagement party nato.

"Bullet! Parang-awa mo na! Pwedeng break muna?" Saad ko sa kanya nung makarating ako sa gitna. Pinagdaop ko pa yung mga palad ko.

Tatanggi sana siya kaso tumunog yung cellphone niya. Kung sino man ang tumatawag ay nagpapasalamat ako! Sinagip niya ang mga naghihingalong paa ko! Huhuhu! Mabilis akong umupo sa stool sa gilid at hinubad yung heels. Pinalit ko yung tsinelas na dala-dala ko kanina. Always ready talaga ako... Mahal ko yung mga paa ko eh.

"H...Hi po!" Nagulat ako nang may biglang lumapit sakin. Tumingin ako at nakita kong nakasuot sila ng uniform kagaya ng suot nung mga trabahante.

“Uy… Hello po.” Ngumiti ako sa kanila habang hinihimas-himas yung paa ko, “Ano po bang maipaglilingkod ko sa inyo?” Mga teenagers lang tong kausap ko ngayon pero basi nga sa rulebook ni Bullet, RULE # 7- Kung sino man ang lalapit sayo, respetohin mo. (pwera kay EJ)

“Hala Hannah, ang bait niya!” Bulong nung isa. Naririnig ko naman siguro mga bata no? Anong purpose ng takip-takip sa taenga?

“Oo nga! Mabuti na lang talaga lumapit tayo.” Sabi nung isa.

“Kayo po ba talaga yung fiancee ni Eden?”

Sana nga hindi na lang ako, eh. Kainin sana ng lupa ang bisugong iyon.

Tumango ako tapos ngumiti, “Oo, haha! Mukhang hindi no?”

“Ay hindi naman po. Sinisiguro lang po namin kung kayo nga po kasi magpapapicture sana kami eh.” Sabi nung Hannah sabay pakita sakin ng cellphone niya, “Ako po kasi yung president ng isa sa mga fans club ni sir Eden, siya po si Nash, vice president namin. Actually, one of the reasons kung bakit nagvolunteer kami sa pagtulong sa paghahanda ng engagement niyo ay dahil gusto ka po naming Makita at makausap.”

“Opo! Gustong-gusto ka po kasi naming makilala eh! Naku po! Ang ganda niyo naman po pala! Tapos ang puti niyo pa!” Sabi nung Nash.

Wow! May ganun pala talaga? Pati fans club may president tsaka may vice-president? Sobrang dami na ba talaga ng freetime nila? Bilib na ako sa mga batang to… Pero wag ka~ Maputi daw ako! So umepekto talaga yung glutang pinainom at itinurok sakin ni Bullet, “Naku! Gluta lang ‘to. Pero salamat sa compliment. Umupo kayo dito oh (sabay lahad nung bakanteng upuan sa gilid ko) magchikahan muna tayo.”

Nagkatinginan silang dalawa at sabay na ngumiti ng pagkalaki-laki! Nag-unahan pa silang makaupo sa tabi ko, “Okay lang po ba Ma’am? Nakakahiya naman po sa inyo.” Hannah.

“Naku! Huwag na kayong mahiya. Dapat nga ako yung mahiya eh. Tsaka huwag niyo na akong tawaging Ma’am no, ate na lang o kaya ateng. Mas komportable ako dun.”

“Wow! Talaga po!?” Puno ng kaligayahan ang mata nung Nash.

“Oo. Ito naman…”

“Ay! Muntik ko nang makalimutan! Pwede po bang magpapicture?” Tanong ni Hanah.

“Sakin? Talaga? Magpapapicture kayo sakin? Hala! Hindi naman ako artista… Bakit kayo magpapapicture sakin?” Tinuro ko ang sarili ko.

“Ate PM. Ang makasama lang sa isang picture ang mapapangasawa ng Idol namin, isang pribeleheyo na po yun.” Ngumiti si Hannah sakin sabay tayo.

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora