Sixty-Eight

116 1 0
                                    


Patricia Marie S. Longworth's

"L'World Convention is a Conspiracy, says Beuncheon Laurente." Sa baba nito ay ang larawan naming dalawa ni EJ na tumatakbo. What the... Binagsak ko ang diyaryo sa mesa. "Aba't putangina talaga 'yong lalaking 'yon!" Pinasadahan ko ng kamay ang buhok, "Gumawa talaga siya ng issue ha?"

"Oh kalma lang," Ani Brenda, "Wag mo masyadong isipin 'yang bagay na 'yan alam mo naman kung anong epekto ng init ng ulo mo sa aming lahat."

Sinamaan ko siya ng tingin, "Hindi ka nakakatulong."

"Nagsasabi lang ako ng totoo," Uminom siya ng juice, "Kapag 'yang ulo mo nag-init, didistansya na agad kami kasi baka kako mabugahan kami ng apoy mo."

"What are you saying? I don't get hysterical when I'm not in the mood."

"Talaga?" Tinuro niya ako ng tinidor, "Naaalala mo nung na-delay ang isang shipment ng material para sa isang construction niyo overseas? Galit na galit ka no'n. Hindi ka na nagsasalita at sa tuwing may nakikita kang mali sa mga dokumento binibigyan mo lang ng death glare ang mga empleyado mo na para bang lalapain mo sila ng buhay. At, eto, tanda mo nung hindi mo nagustuhan ang quality ng report sa isang department na ilang beses mong pinagawa ulit hanggang sa nagresign ang team leader ng department na 'yon?"

Natahimik ako. Well, I was trained to make excellent outputs kaya hindi niyo 'ko masisisng perfectionist ako.

"So ipagpipilitan mo pa ba talagang hindi ka terror?"

"Hindi nga-teka, ba't ba natin pinag-uusapan 'yan?" Marahas kong tinuhog ang omelette ng tinidor, "Kailangan nating isipin 'tong problemang ginawa ni Butch. Malaking dagok 'to sa kompanya kapag hinayaan natin 'to."

"May naisip kang counterattack?" Tinaas niya ang kilay.

I shrugged, "I guess we'll have to stay silent for now. Let's act cool. Siguro magre-release ako ng official statement if ever lalala ang issue."

"And what if, hypothetically, this gets out of hand?"

"Magsasampa ako ng kaso." Bumuntong-hininga ako, "And I'll make sure the Laurentes will go down."

***

Pagkarating naming dalawa ni Brenda sa opisina sinalubong kami agad ng sandamakmak na trabaho kaya naghiwalay na muna kami. She went to her office and I went to mine. You could say that whenever we're in the office, we're not best friends but mere workers, which means I'll do what I have in my power to receive excellent outputs from her even if it means I have to scold her a lot of times.

*Knock! Knock!*

"Come in." I ordered, not looking up.

"Ms Longworth, Mrs Javier is here to see you." My secretary politely said.

Kumunot ang noo ko. As far as I know wala namang naka-schedule na meeting with any of the Javiers today so what is she doing here? "Let her in." I said saka binalik ang atensyon sa pinipirmahang dokumento.

A few seconds later the door creaked and the sound of a heel hitting the carpeted floor made me instinctively look up. "Hello Patricia," She stopped a few steps from my desk.

Binitawan ko ang ballpen at ibinaling ang buong atenyson sa kanya, "Madame B."

Ngumiti siya ng matamlay. "I wasn't sure kung papapasukin ako sa opisina mo but I still tried. I'm glad I'm not banned here."

I smiled a little. "Why would I ban my business partners?"

Awkward silence. Tumingin siya sa 'kin ng ilang segundo bago humakbang palapit, "Can I sit down?"

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Where stories live. Discover now