Eight

328 8 0
                                    

Matapos ang nangyari do'n sa doorway noong isang araw hindi ko na nakausap si Joselito. Napakabipolar lang eh! Flavored ata ang pag-iisip ng lalaking 'yon. Minsan mapakla,minsan matamis, minsan naman, ang pait. Letse talaga ang lalaking 'yun.

Hindi ko pa rin nakakalimutan 'yung ginawa niyang pagnakaw ng unang halik ko. Napakamanyak niya talaga! Kung naabutan ko lang talaga malamang matagal ko nang naputol ang hiyas ng lalaking 'yun!

"PM. Kalimutan mo na ang nangyaring 'yun! Dapat goodvibes ka lang! Bukas makakauwi ka na sa bahay. Makikita mo na si nanay, si Jopet at Toni! Kaya hindi ka dapat maistress sa lalaking 'yun. Huwag mong pag-aksayahan ng panahon at parte ng precious utak mo ang pagmumukha ng bastos na 'yon. Kasi hindi naman talaga dapat, kalimutan mo na ang ginawa niya at mamuhay ka ng matiwasay. Huwag kang lumapit at huwag mo siyang hahawakan dahil baka mapatay mo pa 'yon! Tsaka kiss lang 'yon! Kiss, kalimutan mo 'yan, hindi naman 'yan importante eh."

Para naman makalimutan ko ang karumaldumal na pangyayaring 'yon. Ini-on ko na lang ang radyo ng cellphone kong mumurahin at naghanap ng station na may magandang mga kanta. "Ayun!"

Nagsimula akong magluto habang nakikinig ng mga music. Ang sarap kasi sa feeling kapag may ginagawa ka tapos my kasamang music, nakakarockstar lang tapos parang ang gaan lang ng feeling. Goodvibes lang!

"Bring the beat in~!" 

"Honey! Honey!~" Nagimula na akong madala sa kanta. Hindi ko alam pero sakit ko na talaga 'to, parang nawawala ako sa sarili kong mundo. Adik lang eh! "I can see the stars all the way from here. Can't you see the glow on the window pane. I can see the sun whenever you're near. Everytime you touch me I just melt away~."

Ginamit kong microphone ang sandok na ginamit ko pantimpla ng niluluto. Eh sa concert na 'to eh! Todo na talaga 'to! Nilakasan ko pa ang volume at sumayaw-sayaw na sa saliw ng musika. "Now everybody asks me why I'm smiling out  from ear to ear...but I know... nothing's perfect but it's worth it after fighting all my tears... and finally you put me first!"

Pinusod ko ang buhok ko habang sumasayaw, medyo pinagpapawisan na rin kasi ako sa kakasayaw pero okay lang. Maliligo na lang ako mamaya, pero infairness ha kahit nakashorts at nakasleeveless lang ako parang naiinitan ako. Baka naman siguro sa kakasayaw ko. Okay na rin, pampatanggal fats. 

"Baby it's you! You're the one I love. You're the one I need. You're the only one I see. Come on baby it's you! You're the one that gives you're all! You're the one I can always call! When I need you make everything stop! Finally you put my love on top! Ooh~! Come on baby! You put my love on top, top, top, top, top. You put my love on top~!"

Kahit na hingal na hingal na ako sa kakakanta. Alam ko namang nasisiyahan ako. Kuha ko kasi 'yung kanta. Gusto ko rin ito dahil sa beat, minsan nga sinasabi sa akin ni Brenda na maging singer na lang sa bar dahil kung ikukumpara naman daw sa mga regular na kumaknta doon, wala daw sila sa akin. Naniwala naman ako? Uto-uto 'yun, if I know. Oha, 'if I know' 'yan. English!

Patuloy pa rin ako sa pagkanta at pagsabay sa saliw ng musika. Nakakadala kasi ang tunog na para bang gusto kong magwala. Gusto kong mawala lahat ang stress ko. Sa mga utang, sa problema, sa hirap at lalong-lalo na sa EJ na 'yon. Ang sarap sa feeling, nakakawala nga talaga ng stress 'tong ginagawa ko. Matagal-tagal na rin kasi nung huli kong magawa ang ganito. Busy eh.

Grabi ang taas na ng pyesa. Hindi ko na halos maabot. Siguro kung may nakikinig lang sa akin sasabihin niyang sintunado ako. Eh sa hinihingal na rin kasi ako eh, nawawalan na ako ng hangin kakawala ko dito. Tulog pa naman siguro si EJ kaya malamang wala siyang naririnig ngayon. Tsaka pakealam ko ba sa kanya? Bahay niya nga 'to, buhay ko naman 'to. Walang basagan ng trip!

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Where stories live. Discover now