Ten

392 8 0
                                    

"Kuya Butch?" Agad kong tinakpan ang bibig. Pinagtitinginan ako ng mga tao, medyo napalakas kasi ang boses ko eh.

"PM?" Tila gulat na gulat din si Kuya nang makita ako. 

"Anong ginagawa mo rito?" Usisa ko.

"Aba'y nagtatrabaho," Tinapunan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa,"Ikaw anong ginagawa mo rito? Saan ka ba nagpupupunta? Hindi ka nagparamdam sa 'kin pagkatapos ng operasyon ni nanay ah? Ano bang pumasok diyan sa kukote mo at hindi mo man lang ako tinawagan?"

"Eh kasi kuya-- ano..." Napakamot ako sa ulo. Hindi ko alam ang isasagot sa kanya.

Tumingin-tingin ako sa mga tao, yung iba pinagtitinginan na kami. Hinila ko si Kuya Butch palayo at nagpunta kami sa isang sulok ng restaurant. Malayo sa tingin ng mga tao.

"Ano?" Sabay taas ng kanyang kilay, "Sasagot ka ba?"

"Eh kasi kuya, mahirap iexplain. Mahabang kwentuhan ang kailangan at alam kong magagalit ka kaya saka na natin pag-usapan, okay? Uuwi ako kina nanay sa susunod na linggo. Bumisita ka na lang doon." Sinapo ko na lang ang aking noo habang nagpapaliwanag sa kanya. Hindi ko keri ang pressure kasi mga te.

"So totoo ngang may ikagagalit ako sa sitwasyon? Alam mo bang alalang-alala na si nanay dahil hindi ka man lang tumawag sa kanya? Ni hindi ka man lang niya nakita pagkagising niya." Kunot-noong bulyaw niya.

"Pasensya na kuya. Ang hirap kasi ng sitwasyon eh, saka na lang ako magpapaliwanag kapag may oras na ako." Tumingin ako sa table ni EJ. Nakatingin siya sa kanyang relos. Hinihintay siguro ako.

"PM, ang raming oras ngayon, patapos na ang duty ko makakapag-usap tayo ng maayos. Hintayin mo na lang ako sa labas." Tumingin sa akin si kuya.

"Kuya hindi talaga pwede eh, nagmamadali ako. Sa susunod na linggo talaga. Pramis yan..." Naglakad na ako palayo.

"Teka PM--"

Pasensya na talaga kuya. Kailangan ko nang umalis.

"Excuse me waiter..." Narinig kong tawag ng isang costumer kay Kuya. Salamat naman. Makakatakas pa ako!

***

"Bakit ang tagal mo?" Kumunot ang noo ni EJ nang makita niya ako.

"Pasensya na." Umupo ako sa tabi niya, "May nakita kasi akong kakilala, ayun napatanong kung anong ginagawa ko dito. Muntikan na nga akong mabuking eh." Bulong ko.

"Bakit? Malalaman din naman ng mga taong engaged ka na? Bakit kailangan mo pang itago?" Tanong niya ulit.

Nahinto ako sa sinabi niya. Oo nga pala, malalaman nga naman pala ng mga tao ang engagement namin.

"So...sorry. Akala ko kasi..." Namula ako.

"Kalimutan mo na." Bumaling ang tingin niya sa damit ko. " Anong nangyari sa damit mo?"

Agad naman akong napatingin sa damit ko. Shiz, may mantsa pala to ng juice kanina. "Ah yan? Wala... Natapunan ng juice kanina." Yumuko ako at hinawakan ang aking damit, "Maliit lang naman tsaka wala yan."

"Anong wala?" Humarap siya kay Madam na siya namang panay pakikipag-usap sa cellphone niya. "Ma, mauna ka na lang sa venue. May kailangan lang kaming daanan ni PM."

Tinakpan ni Madam ang kanyang cellphone at marahang tumango at giniya kaming umalis na.

Nakatingin lang ako kay EJ habang hinila niya ako patayo at palabas ng restaurant. "Saan tayo pupunta?"

Hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko, "You need to change your clothes."

"Okay na ako. Huwag na EJ." Tinangka kong hablutin ang aking kamay.

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang