Fifteen

333 6 0
                                    

 

Patricia Marie Solon's

"Lo...Logan?" Agad akong tumayo at naglakad palabas ng bahay. Nagtungo ako sa poolside.

"Correct." 

"Hala. Pasensya ka na kung hindi kita agad nakilala ha? Ikaw naman kasi, may pa 'guess who-guess who' ka pang nalalaman eh okay na sana kung sinabi mo na lang agad ang pangalan mo."

"Should I say sorry?" 

"Hala! Huwag na no. Ito naman... Hindi ka naman mabiro." Umupo ako sa bench sa ilalim ng punong nakatayo sa may gilid ng pool, "Ay oo nga pala, maniningil ka na?"

"Hindi sana. Mangungumusta lang ako... pero if you insist."

Nag-ilaw naman ang aking mukha. Akala ko pa naman, forever na akong magkakaroon ng utang na loob sa lalaking 'to! Excuse me, kapag nagkautang kayo malalaman niyo rin ang nararamdamn ko ngayon. Nakakatrauma kaya!

"Talaga? So paano kita mababayaran?"

Ilang segundo ring katahimikan lang ang narinig ko sa kabilang linya. Wow, speechless?? Buhay pa ba ang lalaking to... "Logan? Yuhoo~ Buhay ka pa? Magsalita ka naman dyan para masigurado kong hindi ka pa deads. Hindi ka pa pwedeng mamatay, may utang pa ako sayo."

Bumuntong-hininga naman siya sa kabilang linya. Hala! Buhay nga! Buhay pa siya! 

"Three hours."

Nawala naman ang ngiti sa labi ko at napalitan ito ng pagkunot ng noo, "Three hours? Anong three hours?"

Buntong hininga ulit. Yung totoo, gaano ba kalaki ang problema ng lalaking to't panay lang ang pagbuga ng hangin sa kawalan? Grabi naman kung makabuntong hininga to... "You and me. Three hours."

Maaring maghintay habang ipinuproseso pa ng utak ni pm ang mensahe'ng iyon ni logan.

Teka? Anong sabi niya? Siya at ako, tatlong oras. Siya at ako sa loob ng tatlong oras... Siya at ako sa loob ng tatlong oras!? Bastos tong lalaking 'to ah?! Akala ko pa naman ang bait niya! Akala ko pa naman totoo yung mga pinapakita niyang kabaitan sakin! Akala mo kung sinong santo eh kagaya lang naman pala siya ng karamihan sa mga lalaki! Talagang sasabog ang utak at ang butsi ko sa lalaking 'to eh! Anong akala niya sakin!? Cheap? Na porke't gwapo't sikat siya ay mabilis akong madadala sa kanya!? HA! Asa! Kahit ilang falling star pa ang mahulog, hinding-hindi niya ako mahahawakan!

"Aba'y tarantado ka pala eh! Anong gusto mo!? Ha? Eh kung pagtatadyakan kita sa loob ng tatlong oras na 'yan!? Akala ko pa naman totoo yang kabaitan mo! Peste! Eh ang haliparot mo naman pala eh! Hoy! Anong akala mo sakin, cheap? Puta? Eh kung ganon, PAKYU! Pasensya pero kahit mamatay ka man o maglupasay ka sa harap ko ay hinding-hindi mo ako matitikman!"

Katahimikan. Wala, wala na. So totoo ngang yun lang talaga ang habol niya!? Sana naniwala na lang ako kay Kathie! Tsk! Pinagsisisihan ko tuloy'ng siya pa ang nahingan ko ng tulong!

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Where stories live. Discover now