Sixty-Four

125 5 0
                                    

***

Patricia Marie S. Longworth's

Nabigla ako sa ginawa niya. Sobrang bilis kasi ng mga pangyayari. Sa loob lang ng ilang segundo nakarating na siya sa harap ko. I didn't know he was that fast. Namalayan ko na lang na kinabig niya ako at niyakap ng mahigpit.

I should've pushed him pero pinigil ko muna ang sarili't hinayaan siya. Hinintay kong mabuhay ulit ang pakiramdam na 'yon, na baka sa pamamagitan ng yakap niya, may maramdaman na ako ulit.

Pero lumipas ang ilang segundo, hindi ko pa rin iyon naramdaman. Hindi bumilis ang tibok ng puso ko, wala ring nagsiliparang paru-paro sa aking tiyan, at hindi huminto ang mundo ko nang hatakin niya ako palapit. I just didn't feel the spark when he touched me. I expected it will come through him, I guess I expected too much.

Bumuntong-hininga ako saka siya marahang tinulak, "Let me go Mr Javier." I demanded calmly.

Hindi siya sumagot.

"I said let me go," Tumaas ng kaunti ang boses ko, "You're hurting me."

Suddenly, bumitaw siya sa yakap at tinitigan ako. The look on his face made it easier for me to understand what's going on in his mind, "I've been waiting for you."

Nagkatitigan kami.

Oh come on, bulalas ng utak ko. What is he talking about? He's been waiting for me? And he thinks I'd be foolish to believe that? Kahit sabihin niya pang mahal niya pa rin ako hanggang ngayon it wouldn't make any difference. Akala niya ba walang magbabago sa loob ng limang taon?

I looked straight to his eyes and smirked, "Why would you wait for me? It's not like may dapat pa tayong pag-usapan."

Natahimik siya. Pansin kong napaawang ang kanyang labi matapos marinig ang sinabi ko.

I chuckled saka tinapik ang kanyang braso, "Did you think I came back for you?" I made an apologetic smile, "No, I didn't. I wasn't even planning to talk to you in the first place... to any of you." Humakbang ako't nilagpasan siya, "Well it's a pleasure bumping into you but I have to go. Goodbye Mr Javier--"

Pero mabilis niyang hinawakan ang braso ko. I stopped on my track at tumingin sa nakahawak niyang kamay, "Will you please let me go?"

"No." His deep and raspy voice surprised me quite a bit. It's been so long since the last time I heard it.

"You have to," Pinantayan ko ang tingin niya, "Or else—"

"...or else what?" He cut me midsentence.

Or else ano nga ba? Ano nga ba ang gagawin ko kapag hindi niya ako binitawan?

"Bitawan mo 'ko," Sabi ko na lang sabay hakbang palayo, "Huwag mo akong hahawakan."

"You can't run away from me Patring," Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa 'kin, "I won't lose you again."

I glanced at him, giving him a quizzical look. "But you already lost me," I said, "You lost me when you chose Christine."

Nanlaki ang mga mata niya. Bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat. Ngayon magugulat siya? Ngayon pa ba talaga kami maggulatan dito? What's the matter EJ, cat got your tongue?

Hindi naglaon, nagawa ko ring tanggalin ang kamay niya sa aking braso. Nagsimula akong maglakad palayo, placing the hoodie back over my head.

"Sa tingin mo ba siya ang pinili ko?"

Bumuntong-hininga ako't huminto sa paglalakad. He's not going to let this go, is he? Well fine, if he wants to, I can give him the proper closure tonight. Para matapos na ang agendang ito, nakakasawa na eh.

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Where stories live. Discover now