Eighty-One

140 6 0
                                    


***

Olivia's POV:

"Hahayaan na lang ba natin siya?" Tanong sa 'kin ni Bart. "Nag-aalala ako para kay Patricia."

"Uuwi rin siya, may tiwala ako kay Patricia."

"May tiwala din naman ako sa anak natin Olivia." Saad niya, "Pero hindi mo maiaalis sa 'king matakot para sa kanya. Ayokong maulit ang nangyari noon."

Matagal bago ako nakasagot. Batid ko talagang labis siyang nag-aalala kay PM. "Ibigay muna natin 'to sa kanya." Huminga ako ng malalim at hinawakan ang kanyang kamay. "Malaki na siya, alam niya na kung anong ginagawa niya."

"I doubt that." Untag niya sabay tingin sa malayo, "Ibabalik ko siya sa New York. Call me strict. Call me overly-attached. I'm bringing her back and I'll make sure he won't see him again."

"Bart—

"What if something happens to her again? Paano kung kuyugin na naman siya ng mga tao ang this time mas malala pa ang mangyari sa kanya?" Ininom niya ang natitirang alak sa baso bago huminga ng malalim. "I have never been a true father to her Olivia and you know how much I regretted doing nothing."

"Alam ko." Sagot ko naman. "Naiintindihan ko naman ang gusto mong mangyari, siyempre ako rin, gusto ko ring masigurong hindi na masasaktan si Patricia pero-- siguro sa ngayon-- ibigay na muna natin 'to sa kanya. Malaki na siya, sigurado akong alam niya na ang kanyang ginagawa. Bigyan natin siya ng panahon para pag-isipan ang lahat. Magtiwala lang tayo sa kanya Bart."

Bumuntong-hininga siya at marahas na kinamot ang ulo. "Ang sakit Olivia... ang sakit-sakit tingnan na nangyari 'yon sa anak natin. May tiwala ako sa kanya, na malakas siya, na alam niya kung ano ang kanyang ginagawa. Ang problema ay ang anak ni Bee." Natahimik siya saglit saka tumayo, "Hindi ko mapapatawad ang lalaking 'yon kapag may nangyari na naman kay Patricia."

Natahimik ako at napaisip. Tama si Bart, walang kasiguraduhan ang magiging buhay ng anak namin kung babalik siya kay EJ. Hindi si EJ ang lalaki para kay Patricia at alam kong mare-realize niya rin ito pagdating ng panahon. Babalik siya sa 'min at sasama siya sa New York.

Bumuntong-hininga ako at tumayo. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Huminahon ka muna. Magiging okay din ang lahat." Ngumiti ako't hinawakan ang kanyang pisngi, "Maaayos din natin 'to. Babalik tayo sa New York kasama siya."

"How?" Kumunot ang kanyang noo, "Paano natin maibabalik ang kanyang loob sa 'tin when you know she's madly in love with that man?"

"She will... eventually." Ngumiti ako ng matamlay, "For now we'll let her be, forcing her won't lead us anywhere."

*Ding! Dong!*

Lumingon kami sa may pintuan. Napatingin ako kay Bart sabay ngumiti, "Baka siya na 'yan." Hinawakan ko saglit ang kanyang balikat. "Huwag kang mag-alala, maaayos din natin 'to." Nagtungo ako sa pintuan. Binuksan ko ito sa pag-aakalang si Patricia ang nasa labas pero laking gulat ko nang dalawang pulis ang aking nakita.

"Magandang gabi po sa inyo." Bati sa 'kin ng matangkad na pulis, "Sgt. Dominguez po." Inalok niya ang kamay at madali ko naman itong tinanggap.

"Sgt. Kalumpag po." Inalok niya rin ang kamay, "Magandang gabi po sa inyo Ginang Longworth."

Kumunot ang aking noo. Bakit may pulis? Anong meron? Anong nangyari? "Anong maipaglilingko ko sa inyo?"

Nagkatinginan ang dalawa, tila ba nagtutulakan kung sino ang magsasalita. Maya-maya, lumapit si Bart sa aking likuran at hinawakan ang aking balikat. "Anong nangyayari rito?" Tinaasan niya ng kilay ang dalawang pulis. "May problema ba?"

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon