Thirty-Eight

344 9 0
                                    

 

Patricia Marie Solon’s

“Happy monthsary.” Bati niya pagkabukas ko ng pinto ng kwarto.

Abot tainga ang ngiti ko nang makita ang mukha ng lalaking may hawak na bulaklak.

Kalahating-taon ko na bilang pretend-wife ni Joselito at unang monthsary naman namin ngayon bilang magboyfriend at girlfriend. Masaya ako dahil parang dahan-dahan ang naging proseso ng relasyon namin. Hindi pinipilit at minamadali, yung parang chill lang.

Pero huwag kayong mag-expect na porke’t kami na, eh, wala na yung mga away namin. Nandyan pa rin naman, madalas nga kaming hindi magkasundo sa ilang bagay. Wala din naman masyadong nagbago sa ‘min. Magkahiwalay pa rin kaming matulog, inaaway ko pa rin siya, binubwisit niya pa rin ako. Yung mga usual na eksenang madadatnan niyo sa bahay.

Pero alam ng Diyos na abot-langit ang saya ko ngayon.

Hinila niya ako at mahigpit na niyakap, “Are you ready for tonight?”

Inamoy ko ang bulaklak na ibinigay niya bago ngumiti, “Kailangan pa ba talagang pumunta ako?”

Tumango siya, “I need my wife and girlfriend to support me.”

Napangiti ako. Enebeyen, kinikilig na naman ako. Itong lalaking ‘to eh, ang galing talagang manloko.

“Paniguradong tatanungin ako ng press tungkol sa issue,” Napabuntong-hininga ako.

Hindi pa rin namamatay ang issueng “rental wife” raw ako. Napagdesisyonan kasi ni Madam at Bullet na huwag na lang itong pansinin at huwag na lang munang magsasalita hanggang sa lumipas ang chismis, pero, isang buwan na ang nakalipas at buhay na buhay pa rin ito. Siguro dahil hindi kami nagsasalita kaya mas tumindi ito. Pinapaiwas kasi ako ni Bullet sa camera at kabilin-bilinang hindi sasagutin ang mga tanong tungkol sa naturang issue.

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap ni Ej, “Are you scared?”

Umiling ako, “Hindi naman, nag-aalala lang ako na baka makaapekto ito sa pamilya mo at sa ‘yo.”

Ngumiti siya at tinitigan ako ng mabuti, “Be more concern of yourself. It’s you who’s facing a huge risk compared to us.”

“Pero—“

Umiling siya, “Don’t worry, I’ll be by your side all the time.”

Tumingin ako sa kanya at ngumiti, “Salamat.”

“Don’t thank me yet, wala pa akong nagagawa.” Saad niya sabay hawi ng ilang hibla ng buhok sa mukha ko.

Niyakap ko siya ng mahigpit bilang tugon.

“Get ready,” Bulong niya, “Your make-up artist is on the way.”

Tumango ako at nagsimula nang maghanda.

Premier night ngayon ng pelikula niya at base sa mga nababasa ko sa internet, inaabangan ito ng mga tao dahil sa ilang mga rason. Una, maganda ang plot nito. Pangalawa, si Ej at ang sikat na aktres na si Jessa ang bida. At pangatlo, hinihintay ng mga tao ang paglantad ko matapos ang isang buwang pananahimik.

Ibig sabihin, pagpipyestahan na naman ako ng mga tao nito. Tae, hindi ba pwedeng magpunta ako dun ng tahimik, na walang mga taong titingin sa ‘kin?

Bumuntong-hininga ako sabay bukas ng shower para maligo.

Masaya naman talaga ako para kay Joselito pero hindi maiwasang sumama ang loob ko dahil sa issueng kumakalat.

Pagkatapos kong maligo’y nag-ayos na ako ng sarili at bumaba na. Nadatnan ko ang bago kong make-up artist na nakaupo sa sofa.

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Where stories live. Discover now