Thirteen

311 6 0
                                    

***

 

Patricia Marie Solon’s

 

Nagising ako mga alas onse ‘y media ng umaga. Matamlay akong nagtungo sa banyo para maghilamos at gawin ang mga nakaugaliang milagro ko tuwing umaga. Pinusod ko ang buhok dahil medyo nakaramdam ako ng init. Hindi naman sa nag-iinarte ako, kayo ba naman ang manirahan sa isang full airconditioned na bahay ng ilang linggo, siyempre talagang maninibago ang katawan niyo.

Badtrip na badtrip talaga ako sa nangyari sa pagitan namin ni Kuya Butch. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Magsasaya ba ako dahil okay na kami ni Nanay o mababadtrip dahil sa away naming dalawa. 

Nagkamot ako ng tiyan at lumabas na ng kwarto. Nagtungo ako sa kusina at naghagilap kung anong pwedeng kainin.

Pinakbet at tuyo ang ulam namin kagabi. Sana may natira pang tuyo, paborito ko pa naman ‘yon. Naglakad ako patungong ref at kinuha ang 1.5 L Coke na may lamang tubig.

“Lalalala~” Naghum ako habang nilalagyan ng tubig ang baso, ininom ko ito at ibinalik ang bote sa loob ng pridyider. Inilagay ko ang baso sa lababo at nag-inat, hinila ko ang panty ko dahil medyo naipit ito sa gitna ng puwet ko. Hehe. Alam ko ginagawa niyo rin ‘yan sa inyo. Huwag kayong tumawa.

"Should I laugh or be discouraged?"

“Ay *toot!* ng kabayo!” Sigaw ko sabay lingon sa lalaking nakasandal sa may pintuan ng kusina.

Tumawa lang siya nang tumawa sa naging reaksyon ko. Ako nama’y hindi na maipinta ang mukha dahil sa hiya. Bakit ba nandito itong lalaking ‘to at siong nagpapasok sa kanya dito sa pamamahay namin? Sa lahat ba naman ng pwedeng makakita, itong walang’yang ‘to pa? Peste!

Tawa pa rin siya ng tawa naluluha na nga siya eh, "That one was epic. I didn’t know girls would do that in a very… awkward way."

Kung nakakapatay lang ang tingin ko ngayon malamang inilibing na ‘tong lalaking ‘to.

"Ba-bakit ka nandito?" Nanggagalaiti ako sa galit pero dahil sa hiya’y hindi ko ito maibuhos. Bakit ko pa kasi hinila ang panty ko?

"I would be very embarrassed if I were you." Ngumingisi pa rin ang kumag. 

Puch-- Hiyang-hiya na nga ako, dinidiin pa ng kumag na 'to! Sa galit, kinuha ko ulit ang bote ng tubig sa ref at hinagis ito sa kanya.

"Puta ka, halika dito at papatayin kita!” Hinugot ko ang kutsilyong nakalatag sa counter at hinabol habol si Joselito. 

"Hey, you put that down,” Sabi niya sabay takbo paikot sa mesa, “That’s dangerous.”

Pinandilatan ko siya, "Tumahimik ka, sasaksakin ko yang bunganga mo!

Tumawa siya pero hindi naman siya humihinto sa paglalakad palayo sa ‘kin, "Nananaksak ka ba talaga kapag nahihiya?"

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Where stories live. Discover now