Sixty-Nine

128 3 0
                                    


Olivia Longworth's POV (Nanay)


"Are you sure you're going to talk to her alone?" Hinawakan ni Bart ang kamay ko, "Hindi ba kayo magsasabunutan?"

Natawa ako, "Hindi kami ganyan. Hindi ganyan si Bernadette."

"Kilalang-kilala mo talaga siya." Ngumiti siya, "Hindi mo pa rin ba siya handang patawarin?"

Hindi ako nakasagot. Hindi ako sigurado kung handa na ba akong patawarin si Bernadette. Sa tuwing nakikita ko kasi ang mga balita tungkol sa partnership namin at ng mga Javier hindi ko mapigilang magduda. Paano kung parte na naman ito ng mga plano niya? Paano kung hindi ko talaga lubusang kilala ang matalik kong kaibigan, na hindi na siya ang Bernadette na kilala ko noon.

"I'll just go." Hinalikan ko siya sabay binuksan ang pinto ng sasakyan, "I'll see you later."

"Okay bye. Call me after your talk." Ngumiti siya bago sinara ang sasakyan.

I smiled as I walked towards the door. Pagkapasok ko, may nag-usher sa 'kin patungo sa table ni Bernadette. Malayo pa lang natanaw ko na siya. Nakadungaw siya sa glass wall at mukhang nagmumuni-muni. Napalunok ako't lumapit. "Sorry I'm late."

Agad siyang lumingon, ngumiti, at tumayo. "Viang. Narito ka."

"Sinabi kong pupunta ako, tumutupad ako sa usapan." Umupo ako sa kanyang tapat, "Ano bang kailangan mo?"

"Viang naman kung makatanong ka naman sa 'kin parang ibang tao ako—

"Bernadette 'wag kang magpaka-ipokrita." Nagtagis ang aking bagang, "wag kang umasta na parang walang nangyari."

Nagulat siya sa narinig. Lahat ng excitement sa kanyang mukha ay naglaho na parang bula. For a second nakaramdam ako ng guilt pero pinilit winaglit ko ito agad dahil unang-una galit na galit pa rin ako sa kanya hanggang ngayon.

Pinatong niya ang mga kamay sa mesa. "Olivia gusto ko lang humingi ng tawad."

"Ngayon ka pa hihingi ng tawad?" Kinuyom ko ang palad, "Limang taon na ang lumipas at ngayon ka lang hihingi ng tawad? Alam mo ba kung anong ginawa mo? Ginamit mo ang anak ko. Pinapasok mo siya sa magulong mundo mo. Wala siyang kaalam-alam sa pinaplano mo Bee... kamuntikan nang masiraan ng bait ang anak ko."

"Hindi ko sinasadya. Hindi ko naman alam na magkakagano'n Viang--

"Hindi mo sinasadya? Hindi mo sinasadyang planuhin na idamay ang anak ko sa gulo mo. Sino bang niloloko mo rito?" Tinabisan ko siya ng tingin, "Okay lang sana kung ako eh. Kung sana sa 'kin ka humingi ng tulong... baka hindi tayo magkakaganito. Kung sana lumapit ka lang at sinabi sa 'kin ang lahat ng dinadala mo."

"Viang hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Walang-wala na ako, ni hindi ko na alam kung saan ako patungo." Naiiyak siyang tumingin sa 'kin, "Kung wala si Ricky masisiraan na ako ng bait. Galit na galit ako, gusto kong pabagsakin si Papa pero hindi ko naman alam kung nasa'n kayo. Wala akong ibang naisip."

Ako naman ang natahimik. Tumingin ako sa labas at huminga ng malalim. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Hindi ko rin alam kung paano siya titingnan. Natatakot ako na baka bibigay ako kapag tiningnan ko pa siya ng matagal.

"Patawarin mo 'ko Viang. Patawarin mo 'ko sa nagawa ko. Hindi ko talaga intensyong saktan si Patricia. Siya lang talaga ang nakikita kong paraan para makalapit sa inyo, para makahingi ng tulong sa inyo." Dumaloy ang mga luha sa kanyang pisngi. "Parang anak na rin ang turing ko sa kanya at maniwala ka, minahal siya ng totoo ng anak ko. Mahal na mahal siya ni EJ. At first kontrata lang ang lahat, Patricia was in it because of you... because she wanted to help you more than anything... but it started to get real; my son fell in love with her in no time at bilang ina kitang-kita ko how genuine their intentions are. So please believe me when I say we didn't hurt her on purpose. I wanted to protect here more than anything."

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Where stories live. Discover now