Fourteen

282 7 0
                                    

 Patricia Marie Solon's

"Ma'am PM! Ipagluluto ko na po ba kayo!?" Sigaw ni Kathie mula sa kusina.

Kailangan ba talagang sumigaw? Hindi umabot ng isang bundok ang distansya namin ah? Haay~ Nakakaasar na... "Mamaya na lang. Busog pa naman ako eh. Nagbreakfast na ako kanina."

"Eh ma'am, lilinisin ko na po ba ang kwarto niyo!?"

"Nalinis ko na."

"Eh, maliligo na po ba kayo? Ihahanda ko po ang tubig."

Mukha ba akong hindi naligo? Kakaligo ko lang eh! "Tapos na ako."

"Eh ma'am meryenda po?"

"Huwag na. Salamat." Ngiti kay Kathie na siyang nasa gilid na ng sofa.

"Eh--"

"KATHIE!" Lingon sa kanya, "Okay lang ako! Salamat talaga pero okay lang talaga ako. So chill! Relax lang, hindi naman ako lumpo para gawin mo lahat ng bagay para sakin!"

Naiistress ako sa babaeng to eh! Nong isang linggo pa akong kinukulit! Tsk! Tanong dito, tanong dyan! Pinagsisisihan ko tuloy na naging maid namin siya! Grabe... Hindi ko kinakaya ang bunganga ng babaeng 'to! Parang "g" lang sa salitang "lasagna"! Pointless!

Buntong-hininga.

 "Alam mo ba yung salitang chill!?"

"Oo naman po! Chill is defined as--"

"Oh tama na! Hindi ko na kaya. Magpahinga ka na lang! Okay na ako... Alam kong alam mo ang salitang yun!" Sapo sa noo. Kailan ba ako masasanay sa mga tao dito! Pinaparusahan talaga ako ni Lord!

***

Binuksan ko ang TV at nanood na lang ng Showtime. Hindi ko na lang pinansin si Kathie na panay naman ang kanta sa kusina! Tss! Panginoon, patnubayan niyo ang batang 'yan. Hindi niya po alam na sintunado siya!

Tumingin ako ulit sa TV at nakita ko si Joselitong lumabas sa stage. Aba! Balik trabaho na talaga siya! Halos hindi ko na siya nakikita eh! Dumadating siya, tulog na ako. Pagkagising ko naman, wala na siya. Ang saya nga eh! Sana hindi na matapos!

Bumalik na si EJ sa trabaho pagkatapos nga ng three-week vacation niya. Akalain mong nagbabakasyon pala ang mokong na 'yon!? Buong akala ko nag-eemo lang yun eh! Bakasyon ba 'yun para sa kanya!? Mukhang hindi para sakin eh! Minsan nakikita ko siyang nagiguest sa mga variety shows at talk shows para ipromote ang upcoming movie niya at ang teleserye kung saan isa siya sa mga bida. Kainis lang! Sana ginawa siyang kontrabida, nakakainis kasi yung mukha niya!

...at eto naman po ako, nagpapakasasa sa bahay na halos oras-oras kong nilalasap. Kain dito, sayaw doon, kanta diyan, nganga doon! Sarap ng buhay~ Ito yung trabahong gusto ko! Nakaupo ka lang pero may sweldo ka pang katumbas ng 70 000 PESOS! Grabi lang! Nagbubuhay mayaman talaga ako ngayon.

Busy ako sa panonood ng Fairly Odd Parents nang biglang may nagdoorbell. Binuksan naman agad ito ni Kathie. Tumayo ako at sumunod sa kanya at bumungad sakin ang pangit na pagmumukha ni Alfred at ang isang...jokla?

Tumaas ang kilay ko at napalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Sino ang lalaking binabae na ito!?

Napansin siguro ng baklang naguguluhan ako sa mga nangyayari kaya lumapit siya sakin at bigla akong niyakap! Ano 'to!? FC lang?

"Oh my God! Ikaw ang uber mysterious girlalush ni Fafa Eden!?"

Napanganga ako sa sinabi niya at tumango na rin kalaunan. "S...Sino ka?"

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Where stories live. Discover now