Seventy

131 5 0
                                    


Patricia Marie S. Longworth's POV:

Nagising akong nasa loob na ng kwarto ko. Brenda's on my side talking to someone over the phone. Umupo ako sa dulo ng kama at hinimas ang aking ulo.

"Pakisabi na lang sa kanilang wala siya sa office ngayon." She cut the line and pushed the phone in her pocket. Lumingon siya sa 'kin only to find out na gising na pala ako, "Diyos ko Lukaret, ba't hindi mo 'ko tinawag?"

Sinamaan ko siya ng tingin, "Ang oa mo, kung maka-react ka naman diyan parang mamamatay na ako."

"Eh sa ginulat mo ba naman ako kanina, bigla ka na lang nahimatay." Umupo siya sa tabi ko, "Ano bang nangyari? May ginawa ba sa 'yo si Butch? Sinaktan ka ba niya? Sabihin mo sa 'kin at reresbakan ko ang ulol na 'yon, gago siya."

Naalala ko ang nangyari kanina. Hindi ko inakalang magbi-breakdown ako ng ganun. Kalkulado ko naman ang mga galaw ko at pinlano ko na ang mga sasabihin ko bago pa man kami pumasok sa opisina.

Napatingin ako sa sariling kamay.

Right, he touched me... and that was when some frightening scenes from the past started resurfacing. Iyon ang hindi ko nakalkula, hindi ko inasahang hahawakan niya ako. I should've kept my distance. If I stayed somewhere out of his reach then maybe... maybe hindi niya ako mahahalikan. When he kissed me, it's like bumalik sa 'kin lahat ng pinagdaanan ko and those are the least favourable things I wanted to feel again.

"Patricia!"

Napapitlag ako matapos hampasin ni Brenda ang aking likod. "H—Ha?"

"Sabi ko sinaktan ka ba ni Butch?"

"Hindi..." Umiling ako, "Hindi niya ako sinaktan."

"Eh so anong nangyari? Hindi ka naman mahihimatay ng gano'n kung walang nangyari eh. Ta's ang sabi pa ng sekretarya mo sa 'kin may narinig siyang nabasag sa loob ng opisina mo at, totoo nga, dahil may basag na vase sa loob. Patricia Marie magsabi ka ng totoo, 'wag kang magsinungaling sa 'kin."

Sinapo ko ang ulo at marahan itong hinimas. "Kinausap niya lang ako."

"Tapos?"

"Humingi siya ng tawad."

She looks curious, "At anong sinabi mo?"

"Tinapon ko ang vase." Nahihilo na naman ako kaya pumikit ako saglit.

"And nahimatay ka na after that?"

Umiling ako, dumilat, at tumingin sa kanya. "Lumapit siya sa 'kin at nagpumilit na patawarin ko siya. Pero hindi ko kaya... hindi ko pa kaya kaya umiwas ako. Sinabi kong umalis na siya pero hinawakan niya ako," Tumingin ako sa aking palad. "Then bigla kong naalala ang pagkuyog ng mga tao sa 'kin. Yung pakiramdam at yung sakit parang naramdaman ko ulit Lukaret. Para akong nakulong, hindi ako makakilos..."

Hindi siya nagsalita, hinintay niya ang idudgtong ko.

"And then he kissed me," I heaved a frustrated sigh. "That was when it felt like I was finally trapped and that the only escape was to feel nothing and then nawalan na ako ng ulirat."

"Hinalikan ka niya?" Nanlaki ang mga mata niya, magkahalong gulat at galit. "Hinalikan ka ng hayop na 'yon?"

Tumango ako.

"Hayop siya..." Bigla siyang tumayo, "Hayop talaga—

Hinawakan ko ang kanyang pulso para pigilan siyang makaalis, "Don't. Kasalanan ko naman eh. I let my guard down."

"Hindi Lukaret eh," Umiling siya ng paulit-ulit, "Hindi na okay. Alam kong may pinaplano na naman siya. 'Wag kang maniwala sa lahat ng mga pinapakita niya sa 'yo."

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon