Fifty

168 3 0
                                    

 

Patricia Marie Solon’s

Hindi ko nagawang buksan ang pinto.

Kanina pa ako nakatayo sa tapat nito pero hindi ko maikot-ikot ang siradura.

Kinuyom ko ang palad. Natatakot ako. Baka tuluyang masira ang lahat sa oras na pumasok ako.

“Pm,” Huminto si Logan sa gilid ko, “Huwag ka munang pumasok.”

Hindi ako makapag-salita. Nanginginig ang kamao ko sa galit.

Pak!

Agad namula ang pisnging dinapuan ng palad ko.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi upang pigilan ang nagbabadyang paglabas ng emosyon. Ang sakit-sakit ng ginawa sa ‘kin ni Logan at hindi ko alam kung paano ito sasabihin sa kanya. Hindi ko alam kung paano ipararating sa kanya ang galit ko.

Dahan-dahan siyang lumingon sa ‘kin.

“Pinagkatiwalaan kita,” Anas ko sabay kuyom ng palad, “Tinulungan kita tapos ito ang igaganti mo sa ‘kin!?”

Hindi siya sumagot, bagkus ay tumungo siya’t sinubukang ikubli ang mukha.

“Niloko mo ‘ko!” Sinapak-sapak ko ang dibdib niya pero hindi niya ako pinigilan, wala siyang ginawa kundi tanggapin ang mga hampas ko, “Anong klase kang kaibigan, ha!?”

Napasandal siya sa pader at hinawakan ng mahigpit ang dalawang kamay ko.

“Bakit mo ‘to ginawa sa ‘kin Logan?” Inihilig ko ang ulo para tingnan siya ng mabuti, “Mahal na mahal ko ang pinsan mo. Bakit mo ginawa sa ‘kin ‘to? Sinadya mo bang kaibiganin ako para gawin ‘to? Ano, sumagot ka! Sumagot ka!”

“Mahal niya pa rin si Ej.” Pabulong niyang sabi, “Mahal na mahal niya pa rin ang pinsan ko. Alam mo ba ‘yon?”

“Pero ikakasal na kami!” Halos dumagundong ang boses ko sa buong hallway, “Bakit mo pa sisirain ‘to? Bakit mo pa sila hinayaang magkita ulit? Ikakasal na kami, eh.”

“Ha, sa tingin mo ikaw lang ang nasasaktan?” Tumingala siya at tiningnan ako, umiiyak siya. Pero mabilis niya itong pinunasan, “You don’t have to tell me I’m no good, I already know that. Let’s just hand this to them. He’s going to come back if he really loves you.”

Nabalisa ako sa narinig. Paano kung hindi na bumalik si Ej sa ‘kin?

Hindi. Hindi mangyayari ‘yan.

Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili. Nang sigurado akong huminahon na ako’y tiningnan ko siya, “Bakit mo ‘to ginawa?”

“She’s dying, Pm.” Puno ng lungkot ang mga mata niya, hindi kalauna’y ngumiti siya ng pilit, “And because I love her.”

Kinuyom ko ang kamao, “So hahayaan mo na lang masira ang relasyon namin ni Ej para sa sarili mong kaligayahan?”

“Do I look like I’m happy?”

Natahimik ako.

“I’m doing this in order to make her happy.” Tinuro niya ang direksyon ng kwarto, “Alam mo bang araw-araw siyang nasasaktan sa tuwing nakikita ka? Gusto ka niyang yakapin because she wanted to hug him indirectly, it was her dying wish to talk to him again even if it’s just for an hour. She wanted to apologize, to make it up to him, to tell him how she never stopped loving him all these years.”

Nakita ko ang pagtagis ng bagang niya.

“I witnessed all that,” Dagdag niya, “I witnessed how she cried whenever she sees him on TV. How jealous she was when she saw your engagement ring. I witnessed that and it hurts a whole lot, Pm. It hurts becaue I know that I’m not enough to make her happy. I’m not the man she wants to be with.”

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Where stories live. Discover now