Seven

349 5 0
                                    

Patricia Marie Solon's

 

"Gusto niyo po ba ng kape?" Nakangiting tanong ko sa lolo ni EJ.

Pakyu talaga Joselito! Kung bakit naman kasi ang gago mo! Akala tuloy ng mga nilang may kung anong ginagawa tayo! Bwiset talaga! Nakakaimbyerna!

"No, It's okay. Just call your maids and let them prepare it for us. I want to talk to the both of you." Sabi ni lolo sabay upo sa couch.

Peste. Walang maid si Joselito.

"A...ah yun na nga po, wala po kasi kaming maid dito. Napagdesisyunan po kasi namin na huwag na lang pong maghire. Kaya ko naman po ang trabaho dito." 

Halos manginig na ako sa kalagayan ko ngayon. Aba! Baka mabuko pa ako nito! Diyosko talaga, kinakabahan na ako. 

"Why? Nasaan na ba si EJ? I want to talk to him. You should hire a maid, you're his wife not his maid for Pete's sake."

"A...Ah, tatawagin ko lang po." Ngumiti ako at nagmadaling naglakad paakyat sa kwarto ng tadpole na 'yon.

***

Letseng Joselito 'yon! Umakyat ba naman agad sa taas pagkatapos nung nangyari sa sala? Peste yun eh, iniwan ba ako sa ere. 

Hindi na ako kumatok. Bahala siya, problema niya 'to tapos ako pa 'yung pinapoproblema niya sa baba? Sapokin ko kaya para matauhan 'tong lalaking 'to.

"Joselito!" tawag ko sa kanya. Hindi naman siguro rinig sa baba 'yung boses ko 'no?

Nasaan na ba ang lalaki'ng 'yon? Bakit wala sa kwarto niya? Letse naman kasi eh, wala akong panahon na makipag-kulitan o kung ano man sa lalaki'ng yun ngayon! Crucil ang sitwasyon ngayon.

Namewang ako, sabay tingin-tingin sa pasikot-sikot ng kwarto niya. 

"Joselito, kapag hindi ka talaga lumabas. Papatayin kita!" Pabulong kong tawag.

Hindi ko na naisip, basta-basta na lang ako'ng pumasok sa banyo at nakumpirma ko ngang nandoon siya. Aba at may gana pa siyang maligo sa mga nangyayari ha? Paken 'to ah. 

Kumuha ako ng tuwalya at inihagis ko sa loob kung saan siya naliligo.

"What the hell?" sigaw niya, nabigla siguro.

"Bibilang ako ng sampu, kapag hindi ka pa lumabas 'jan puputulin ko 'yang ari mo!" Namewang ako habang nakatingin sa reflection niya.

"What do you think you're doing?"

"Hoy Joselito! Nasa baba ang lolo mo tapos naliligo ka lang dito? Baliw ka? Lumabas ka na 'jan at magbihis, samahan mo ako sa baba. Magpapanggap na tayo!"

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt