Thirty-Three

141 4 0
                                    

“Tell me, did I get your attention?” Naghalo ang kaba at excitement sa kanyang mga mata.

Grabe ang sakit ng dibdib ko na halos hindi na ako makahinga.

“Please tell me Patring.” Ani Joselito.

Iniwas ko ang aking tingin at huminga ng malalim, “Ano ba ‘yang mga sinasabi mo? Nababaliw ka na ba?” Inalis ko ang nakapako niyang mga kamay sa pader at akmang lalayo pero hinila niya ako ulit at ibinalik sa pagkakasandal doon. Napapikit ako sa lakas ng pagkakatulak niya, ang sakit kasi. “Joselito, ano ba?”

“I won’t let you go kung hindi ka aamin.” Yumuko siya upang pantayan ang tingin ko, “Have you come to like me?”

Ano ba ang sasabihin ko? Shit. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanyang gusto ko na siya. Ayoko, hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang feelings ko dahil… dahil… ayoko. Ayokong kainin lahat ng mga sinabi ko.

Pinantayan ko ang kanyang tingin sabay hawi ng bulaklak, “Nababaliw ka na ba? Bakit naman kita magugustuhan?”

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya.

Shit, mas lalong sumakit ang dibdib ko.

“Ikaw na rin ang may sabi sa ‘kin na crucial itong pagpapanggap natin. Sinabi mo sa ‘king dapat lagi nating babantayan ang mga gagawin natin. Concerned lang ako na baka magka-issue pa tayo, ayokong magkaroon ng problema na dadagdag pa sa mga iisipin ko.” Tinulak ko siya palayo, “Hindi kita gusto Joselito, naiintindihan mo? Hindi kita magugustuhan kailanman.”

Nanlumo siya at parang wala sa sariling lumayo sa ‘kin, “Oh, right. I figured.”

“Kaya huwag ka nang umasa na sasagutin kita dahil, prankahan lang, hindi ka makakapasa sa ‘kin sa pag-uugali mong ‘yan.” Sabi ko, “Kaya please, umalis ka na.”

Inihilig niya ang kanyang ulo at matamang tumingin sa ‘kin, “Are you rejecting me?”

Nagulat ako sa tanong niya. Rejection na ba iyong ginawa ko? Malamang.

Throb!

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa matinding sakit. Bakit ba nagrereact ang dibdib ko sa tuwing nagsisinungaling ako? Hindi naman ako ganito dati, eh.

“Oo, basted ka.” Matigas na sabi ko.

“Oh.” Lumingon siya sa ibang direksyon at itinakip ang kanyang palad sa kanyang bibig, “Okay. I understand.”

Napuna ko ang sakit sa mukha niya. Napagrabe ba ang sinabi ko? Hindi ko talaga kasi siya kanyang sagutin, eh. May pumipigil sa akin at hindi ko alam kung ano ‘yon.

Tumingin siya sa dalang rose at inilagay ito sa ibabaw ng center table.

“I’ll go ahead.” Ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin nung lumabas siya ng apartment.

Pagkalabas na pagkalabas niya ng pinto’y bumagsak ako sa sahig. Biglang nanghina ang dalawang tuhod ko. Tama naman ‘yong ginawa ko ‘di ba? Hindi ko siya kailanman kayang sagutin dahil hindi ko kayang… hindi ko kayang masaktan. Takot akong masaktan.

Nakita ko si Brendang pumasok sa eksena at sumandal sa divider sabay halukipkip, “Ano, iiyak-iyak ka diyan matapos mong saktan ‘yong tao?”

Umiiyak? Hindi naman ako umiiyak ah? Bakit naman ako iiyak, eh, alam ko namang ito ang nakakabuti para sa aming dalawa.

Itinaas ko ang aking kamay upang hawakan ang kaliwang mata ko at napagtanto ko ngang may tumutulo sa mga mata ko.

“Hanggang kailan mo ba lolokohin ang sarili mo?” Lumapit siya at tumayo sa harap ko. “Alam mo Pm, nagtatapang-tapangan ka nga pero ikaw naman pala itong duwag. Ano ba ang kinakatakutan mo?  Na baka masaktan ka kung hahayaan mo ang puso mo? Punyeta, eh, natural na ‘yan eh! Kinaya mo nga ang sakit na gawa ng tatay mo, ito pa kaya?”

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Where stories live. Discover now