Forty Eight

120 3 0
                                    

 

Patricia Marie Solon’s:

“Oh ayan,” Itinulak ko ang dala sa kanya.

Tumingin siya rito, “What’s this?”

Pinandilatan ko siya, “Pagkain, hindi mo kita?”

Sinamaan niya ako ng tingin. “I meant why you are giving this to me.”

Iniwas ko ang tingin, “Nagtatanong ka pa… para saan ba ang pagkain? Di ba kinakain ‘yan? Ginagamit mo ba ang utak mo?”

“Pfft… Hahahaha!”

Ayan na naman ang pambubwisit niya. Anong nakakatawa sa sitwasyon? Sinamaan ko siya ng tingin, “Bakit ka tumatawa? Akala mo nasisiyahan ako!?”

Pero hindi siya tumigil at ginulo-gulo pa ang buhok ko, “You’re so cute when you’re embarrassed, Patring. Why can’t you just say that you’re starting to act like a wife?”

Tinapik ko palayo ang kamay niya at inayos ang buhok, “Tumahimik ka nga! Pinagluto lang kita dahil baka hindi ka na nakakakain sa set… yun lang ‘yon.”

Ngumiti siya ta’s ipinakita sa ‘kin ang bigay kong baon, “I’ll eat this.”

“Aba’y dapat lang, maaga akong nagising para lutuin ‘yan!” Bulyaw ko, “Umalis ka na nga, magtrabaho ka na’t umuwi ka ng maaga. Mag-ingat kang damuho ka!”

Alam niyo yung ngiting nakakalaglag ng panty. Ganyan ang ngiti niya ngayon, grabe lang, “Yeah, I will.”

Sa hiya, tinulak ko siya papasok ng service vehicle at marahas na sinara ang pinto.

Ahk! Nakakahiya ‘yon! Paksheeeeet~

Umarangkada na ang sasakyan, sinundan lang namin ito ng tingin bago tumalikod papasok ng bahay.

“Gusto niyo po ba talagang kainin ni Sir ‘yon, Miss?” Tanong ni Kathie sa ‘kin.

“Si—siyempre,” Saad ko, “Pinaghirapan ko kaya ‘yon.”

“Ha? Sigurado po ba kayo? So ibig sabihin okay lang po sa inyong ipakita ni Sir sa show ang pagkain na ‘yon? Sa pagkakaalam ko nasunog ‘yon kanina dahil busy ka sa pakikipaglandian kay—“

“Isa Kathie,” Pinandilatan ko siya, “At saka, hindi naman ‘yon sunog, eh! Tan lang ‘yon, tan! At bakit mo ba ako sinisisi? Ako na nga itong nahirapan kanina… akala mo madaling magconcentrate habang niyayakap ng nilalang na ‘yon. Palit kaya tayo, tingnan natin kung hindi ka mauubusan ng dugo!”

“Ah, sa bagay,” Napahawak pa siya sa baba na para bang nag-iisip, “Pero serysong usapan, Miss. Okay lang po ba talaga sa inyong ipakita sa buong bansa ang niluto mo?”

Napakunot ang noo ko, “Ha, bakit mo ba ako tinatanong niyan?”

“Ha? Nakalimutan niyo na po ba?” Inihilig niya ang ulo, “Si Sir Ej ang guest ngayon sa ‘Star for a Day’, ibig sabihin, buong araw siyang i-cocover.”

Star for a Day? Di ba ‘yan yung show kung saan sinusundan ng camera ang isang artista sa loob ng isang araw para i-share sa mundo kung ano ang araw-araw na ginagawa niya?

Nanlamig ako’t mabilis na bumalik sa labas ng bahay.

“Teka, Miss, saan po kayo pupunta?” Tanong niya sabay habol.

“Hahabulin ko ang kotse, babawiin ko ‘yung bwisit na pagkaing ‘yon!” Sigaw ko sabay bukas ng gate.

“Ha? Nahihibang ka na ba? Kanina pa nakaalis ang van, feel mo naman si Darna ka. Kaya mong lumipad, kaya mo?”

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Where stories live. Discover now