Chapter 2

2.6K 53 2
                                    

Kinaumagahan ay tanghali na nagising si Jewel dahil hindi kaggad ito nakatulog ng bumalik siya sa kanyang kwarto matapos nitong puntahan asawa sa silid nito.

Mabilis itong lumabas ng kwarto para tingnan ang asawa kung naroon paba ito o umalis na naman. Napadaan siya sa kwarto nito nang nakarinig ako ng kakaibang ingay na nagmula roon. Naglakad pa ito papalapit sa pintuan para tingnan kung ano ang nangyayari.

"T-thunder! Ahh Ahh, Fuck baby, Yeah that's it! Fuck me harder. Oh shit.." boses ng isang babae

"Ahh fuck shit! Harder please baby, Ugh! Faster faster.. Oh oh.. Ahh.. I'm cu-cumming."

"Oohh scream my name bitch! Let's cum together."

Napasinghap ito sa mga ungol na narinig niya, para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil doon. Habang nakatayo sa harap ng pinutan ng kwarto ng asawa niyang nagpapakasarap kasama ang ibang babae.

Parang pinupunit pira-piraso ang puso niya dahil sa ginagawa ng asawa nito, pati ba naman sa kanilang bahay na mag asawa ay magdadala ito ng babae at dito pa gagawa ng mga kababalaghan.

Nakarinig siya ng mga yapak na nanggaling sa silid at mukhang papalabas na ang mga ito kaya dali dali siyang naglakad pabalik sa kwarto niya para hindi malaman ng asawa na nandoon siya.

Nagkunware siyang palabas din ng kwarto niya at saktong nakasalubong niya ang dalawa na papalabas din.

Tiningnan lang siya ng babae habang nakakapit ito sa braso ng asawa na mukhang walang pakialam kung nasa harapan siya nito.

"Sino siya baby? Katulong mo?" tanong ng babae sa asawa niya

"Don't mind her, she's just a maid." sagot ng asawa nito

"Oh I see," ngising turan ng babae na parang nang aasar

"Oh ano pang tinitingin tingin mo? Umalis ka sa harap namin, hindi 'yong haharang harang ka diyan." sigaw ng babae sabay wakli sa kanya

Napaurong siya dahil sa ginawa nito, gustuhin niya mang magsalita o gumanti dito pero hindi niya magawa dahil alam niyang sa oras na gawin niya ito ay mananagot siya sa asawa.

Nagpatuloy lang sa pagbaba ang dalawa na parang hangin lang siya sa mga paningin nito. Himbis na sundan niya ang mga ito ay hindi niya ginawa bagkus ay bumalik na lang ito sa kanyang kwarto at agad na humiga sa kanyang kama.

Napatingin siya sa paligid ng kanyang silid ng mapansin niya ang mga litrato nilang dalawa na magkasama nung ikinasal sila. Makikita sa mga kuhang litrato na sobrang saya niya ng mga araw na yun samantalang ang asawa niya ay walang emosyon naman.

Nagsimula na namang manubig ang kanyang mga mata na kanina niya pa pinipigilang tumulo habang kaharap ang asawa at babae nito.

Kahit masakit na thunder, kakayanin ko pa. Titiisin ko ang lahat ng ito dahil mahal kita.'- turan ng isip niya

Naniniwala ang dalaga na tulad ng iba magkakaroon din sila ng happy ending. Kaya hangga't kaya niya ay ipaglalaban niya kung ano ang sa kanya. Mahal niya ang asawa at gagawin niya ang lahat para mahalin din siya nito.

Maya maya pa ay biglang kumulo ang tiyan niya, naalala niyang hindi pa pala siya nakakain simula non'g magising siya. Ayaw niya kasing bumaba at baka maabutan niya pa doon ang babaeng kasama ng asawa.

Nanatili pa siya ng ilang minuto bago nagpasyang tumayo at lumabas ng kwarto para makapagluto na. Nang makarating siya sa baba ay walang katao tao na naroon, mukhang umalis ang asawa niya kasama ang babae nito.

Dumiretso na lang siya sa kusina at nagsimulang magluto para makakain na rin. Pagkatapos niyang kumain ay naglinis siya ng buong bahay dahil wala naman siyang gagawin. Hapon na ng matapos ito sa lahat ng mga ginagawa niya at pati na rin ang pagluluto ng hapunan ay nagawa niya na pero wala pa rin ang asawa.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon