Chapter 92

882 11 0
                                    

Dumating na ang araw ng kabuwanan ni Jewel kaya mas lalong tumutok dito si Thunder, halo halo ang nararamdaman niya ngayong dahil lalabas na ang anak niya sa mga araw ba ito kaya halos lahat ay excited. Nasa sofa si Thunder ngayon sa kakabasa ng mga dokumento sa ipinasa sa kanya ng sekretarya nito. Hindi na kasi siya pumapasok sa opisina dahil sa kanyang asawa.

Habang nagbabasa siya ay nakarinig siya ng malakas na sigaw na galing sa kanilang kwarto kaya mabilis siyang tumayo at tinungo ang ito dahil nando'n ang kanyang asawa.

Pagpasok niya sa kwarto ay hindi niya ito makita kaya dumiretso siya sa banyo at nakitang niyang namimilipit ito sa sakit. "Whta happen hon?" tanong niya.

"M-manganganak na yata ako!" naiiyak na sadd nito,

"What? As in now?" pagtatanong pa ni Thunder.

"Tangina mo talaga kahit kailan! Manganganak na nga ako kaya dalhin mo na ako sa hospital you idiot!" sigaw ni Jewel dito.

Do'n lang yata natauhan si Thunder at mabilis na binuhat ang kanyang asawa, halata pa dito ang pagkakataranta daho, ramdam ni Jewel ang panginginig nito. Ng makababa sila ay mabuti na lang at nando'n lang din ang driver nila kaya mabilis na sumakay ang dalawa at agad naman na nagdriver ito.

"Hold on hon, makakarating din tayo." pagpapagaan niya sa loob ng asawa dahil iyak na ito ng iyak,

Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman ng asawa pero nakaksigurado siyang nasasaktan ito.

Ng makarating sila sa hospital ay naging mabilis ang mga doctor sa pag asikaso kay Jewel dahil na din sa sigaw ni Thunder, mabilis itong ipinasok agad sa delivery room. Tinawagan niya na din ang kanyang mga kaibigan at mga magulang para ipaalam ang nangyari.

Naghihintay lang si Thunder sa labas ng magbukas ang pinto at lumabas ang doctor. "Mr Alcantara? Sumama po muna kayo sa loob para kahit papaano ay makatulong sa misis niyo." ans nito sa kanya.

Kinuha niya naman ang ibinigay sa kanya ng doctor at mailis na isinuot ito at sabay na silang pumasok sa loob ng delivery room. Nakita niya agad ang kanyang asawa na nakahiga sa hospital bed at animo'y nahihirapan sa panganganak.

"Okay Mrs. Alcantara nandito na si Sir para kahit papaano ay mawala ang kaba mo." anunsiyo ng doctor.

Mahigpit naman ang pagkakahawak ni Jewel kay Thunder na halos ramdam na nto ang sakit na pinagdadaanan ng kanyang asawa.

"Okay ready again. Mrs. Alcantara pagbilang ko ng tatlo iire mo lang." utos ng doctor ay 'yon naman ang ginawa ni Jewel.

Halos nagtagal sila dahil hirap na hirap ito sa pagpapalabas ng kanilang anak. "Ahhhhhhhh!!" malakas na sigaw ni Jewel.

"One last push Jewel." wiak ng doctor.

"Kaya mo 'yan hon, konti na lang." bulalas naman ni Thunder.

"Hayop ka talaga Thunder! Last na talaga 'to at hindi kana makakaisa! Ang sakit! Ahhhhh."

"Huwag gano'n hon, dalawa pa lang nga sila." turan naman ni Thunder na ikinatawa ng mga kasama nila sa loob.

At ng huling pag ire ni Jewel ay lumabas din ang kanilang anak, agad na nawalan ng malay ang dalaga dahil na din sa pagod.

"Congrats Mr. Alcantara, it's a healthy and gorgeous baby girl!" nakangiting anas ng doctor na nagpatulo ng kanyang luha habang hawak hawak ang kapapanganak lang nilang sanggol. Mabilis niyang nilapitan ang kanyang asawa at hinalikan ito sa noo kahit na tulog ito.

"Lilinisin lang po namin ang bata at ililipat sa private room ang asawa niyo." saad ng doctor at agad naman na tumango si Thunder.

Hindi din naman nagtagal ay nailipat na si Jewel sa bagong kwarto at nado'n na si Thunder para bantayan ang kanyang asawa samantalang ang kanilang anak ay hindi pa dinadala do'n ng doctor.

Bumukas ang pinto at iniluwan no'n ang kanilang mga kaibigan.

"Nasaan ang baby? OMG! Excited na ako." sigaw agad ni Calliyah.

"Lower your voice babe, para ka namang nagt eeskandalo mamaya may mga natutulog ay magising mo pa." saway naman sa kanya ng boyfriend niyang si Dark.

"Inaayusan pa nila at mayamaya nandito na din 'yon." sagot naman ni Thunder.

"Kamusta si Jewel?" tanong naman ni Monique.

"Nakatulog siya agad pagkatapos manganak kaya ayan nagpapahinga pa, magigising din siya mayamaya." sagot ni Thunder.

"Sigurado akong halos isumpa ka ni Jewel no'ng nanganak na siya. At sigurado din kami na halos mahimatay kana sa kaba." natatawang anas ni Cain.

"Yeah! Kahit no'ng nasa bahay pa lang kami ay kinakabahan na ako dahil hindi ko alam ang gagawin at hanggang sa delivery ay kitang kita ko ang hirap niya." ani naman ni Thunder.

"Ganyan siya ng manganak kay Storm lalo na't unang baby niyo 'yon kaya sobra siyang nahirapan dahil nga mana ang anak niyong panganay sa'yo kaya ang tagal lumabas." wika ni Cain.

"Kaya nga, mabuti ngayon at hindi naman gaano nagtagal." mahinang sambit ni Thunder.

Ngkwentuhan lang sila do'n dahi, hindi pa naman nagigising si Jewel at bumukas ang pintuan at iniluwa ang isang nurse na may bitbit na bata. Naglakad ito palapit kay Thunder. "Mr. Alcantara this is your baby now. Babalik na lang kami mamaya para kunin ang pangalan niya." nakangiting anas ng nurse.

Kinuha naman ni Thunder ang kanilang anak at hinaplos pa ang pisngi nito. Hindi niya maiwasan na hindi tumulo ang kanyang mga luha dahil sa saya na nararamdaman dahil ito ang kauna-unahan na nakasama siya ng kanyang asawa sa panganganak.

Sobrang saya naman ng kanyang mga kaibigan habang nakatingin sa kanya dahil halata nila ang saya at pagkasabik ni Thunder. Alam nilang wala ito no'ng naipanganak ang panganay nila kaya naiintindihan nila kung bakit ganito kaemosyonal ang binata ngayon.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nahawakan na din ng mga ito ang bata, tuwang tuwa sila dahil ang ganda nito at parang anghel kahit na tulog. Sigurado silang magiging protective si Thunder dito kapag lumaki na ito at isama mo pa ang kuya niyang si Storm.

Halos ayaw na nilang bitawan ang bata hanggang sa nagising na si Jewel akaya agad na nilapitan ito ni Thunder.

"Mabuti naman at gising kana, may gusto ka bang kainin?" tanong niya dito.

"Gusto ko lang ng tubig hon," nakangiting sagot naman nito.

Kaya kumuha si Thunder ng isang baso at ibinigay nito sa asaw at agad din naman na ininom, pagkatapos ay binigay ni Cain ang kanilang anak para naman makita ni Jewel.

"Our baby is gorgeous like you hon." nakangiting turan ni Thunder.

"Ang cute niya kahit na tulkog siya."

"May naisip kana ba na pangalan niya?" tanong ni Thunder.

"You can name her hon, ako na ang nagpangalan kay Storm and now it's your turn." sagot ng kanyang asawa.

"A-are you sure?" tanong niy pa ulit sa asawa at tumango naman ito.

"I think I will name her Princess Kiara." nakangiting turan ni Thunder.

"That name suit her." nakangiting saad ni Jewel.

"Thank you hon, thank you for giving me a wonderful family." anas ni Thunder,

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon