Chapter 17

2.3K 40 1
                                    

Kasalukuyang nakasalampak sa sahig ang dalagang si Jewel habang patuloy na naglalandas ang mga luha sa kanyang mga magagandang mata, hawak hawak niya ang isang bagay na sumasampal sa pagmumukha niyang buntis siya.

Hindi makapaniwala si Jewel na magbubunga ang kawalanghiyaan na ginawa sa kanya ng asawa, hindi niya lubos maisip kung paano niya ito tatanggapin sa oras na maisilang ito dahil ipapaalala lang nito sa kanya ang masakit at masalimuot na pangyayari sa buhay niya.

Nasa gano'ng kalagayan siya ng magbukas ang pintuan ng cr at iniluwa nito ang kaibigang si Cain na bakas ang pag aalala ng makita siya na nasa gano'ng kalagayan.

Mabilis siyang nilapitan ni Cain at niyakap ng mahigpit. "What happen Jew? Why are you crying? May sakit ba sayo?" tanong nito

Ngunit walang lakas ng loob ang dalaga para sagutin ang binata. Hindi na ulit umimik pa ang binata at hinayaan na lang muna ito.

Pagkatapos ng ilang minuto ay iginaya niya ang dalaga pabalik sa kwarto nito at inihiga sa kama. "Just take a rest Jew." wika niya at nilagyan ng kumot ang dalaga at tumayo na

"C-cain." tawag ng dalaga

"Sleep, you need to have rest. Magluluto ako ng tanghalian natin okay? Don't stress yourself." nakangiting wika nito

Tumango naman ang dalaga bilang tugon dito.

Nang makalabas na ang kaibigan ay napabuntong hininga na lang si Jewel habang hawak hawak ang maliit niya pang tiyan, 'I'm sorry Cain, hindi ko pa alam kung paano sasabihin sayo.'- bulong niya sa sarili.

Alam niyang hindi niya maitatago ang bagay na 'yon dahil mahahalata din ng kanyang kaibiyan ito pag tumagal. Sa ngayon hindi pa ito halata dahil maliit lang naman siyang babae kaya hindi mo mapapansin na buntis ito. Hindi niya lang alam kung paano niya sasabihin ito sa kaibigan dahil ayaw niyang mag alala ito sa kanya. Masyado ng maraming naitulong sa kanya si Cain na pati sarili niyang buhay at trabaho ay napapabayaan niya na, kaya ayaw niya na itong dagdagan pa.

Unti-unti niya ng ipinikit ang kanyang mga mata para makatulog at hindi muna maisip ang lahat ng mga nangyayari sa kanya.

Cain POV

Nasa kusina na ako para ihanda lahat ng mga kakailanganin ko sa pagluluto ng tanghalian namin, maaga akong umalis kanina dahil nakipagkita ako sa isang kaibigan ko na dito nakatira sa Canada.

Laking gulat ko kanina ng makauwi ako na hindi ko makita ang kahit anino ni Jewel, hinalughog ko na lahat ng sulok sa condo pero wala akong makitang Jewel, naalala kung hindi ko pa pala na check anf comfort room kaya dali-dali akong pumasok doon ng hindu kumakatok dahil sa sobrang pag aalala. Nadatnan ko siyang umiiyak at ng tinanong ko naman kung ano ang problema ay hindi siya sumasagot kata hindi ko na lang muna pinilit pa.

Habang naghihiwa ako ng manok ay biglang tumunog ang phone ko, kinuha ko ito sa bulsa ko para tingnan kung sino ang tumatawag.

Monique Calling .....

"Oh bakit napatawag ka? Miss mo naman ako agad." biro ko dito pagkasagot ko

"Letse ka talaga! Medyo mahangin ha, konting hiya naman! Gusto ko lang itanong ulit kung kailan ko makikita ang sinasabi mong kaibigan na dito titira sa Canada? Excited na kasi ako." sabi niya

"Masama ang pakiramdam niya ngayon kaya baka ipagpaliban muna natin ang pagkikita niyo." sagot ko.

"Hmp! Ang daya mo! Pinapaexcite mo lang yata ako eh. Teka, kaibigan mo ba talaga yan o baka naman girlfriend mo!" pag aakusa nito

Napahagalpak naman siya ng tawa. "Bakit nagseselos kaba? saad niya

"Hoy ang kapal talaga ng mukha mo! Ako magseselos? Sa ganda kung 'to?"

Mas lalo siyang natawa sa tinuran ng kausap." Huwag kana mag denie alam ko naman na crush mo ako." pang aalaska niya pa

"Alam mo Cain ang epal mo!" bakas sa boses nito ang inis

"Kaibigan ko nga lang kasi, hindi ako pumapatol sa may asawa na." kako

"Huh? You mean may asawa na siya? I mean married na?"

"Oo nga! Paulit ulit ka naman, sinabi ko na nga na kasal." anas ko

"Eh bakit nandito siya sa Canada? Nasaan ang asawa niya? Bakit ikaw ang kasama?" sunod sunod na tanong nito

"Mahabang kwento, basta huwag kang magbabanggit ng tungkol diyan pag kasama siya okay?"

"Okay okay I get it. Ano nga ulit ang pangalan ng kaibigan mo?"

"Jewel." maiksing sagot ko

Saglit na napatigil ang kausap niya at hindi nakapagsalita ng mabanggit niya ang pangalan ni Jewel.

"Hey! Nandiyan kapa ba?" tanong nito

"Ah O-oo may kinuha lang ako."

"So iset na lang natin next time? Pag okay na pakiramdam niya." kako

"Sure sure no problem."

"Gonna end this call nique, magluluto pa kasi ako. See you around." sabi ko at sabay baba ng tawag.

Sa kabilang dako naman ay may isang babae na nakatayo sa veranda, hanggang ngayon aty hindi mawala sa isip niya ang sinabi ng kaibigan. Katatapos niya lang itong tawagan para tanungin kung kailan sila ulit magkikita kasama ang sinasabi nitong kaibigan.

Halos manlamig siya ng banggitin nito ang pangalan ng sinasabing kaibigan. Jewel, halos buhusan siya ng malamig na tubig ng marinig ang pangalan na 'yan.

Hindi siya mapapakali hanggat hindi nakikita ang Jewel na 'yan. Gusto niyang makasiguro kung iisa lang ba ang Jewel na kilala niya o iba.

'Daven tulungan mo ako love, Hindi ko alam kung ano ang gagawin kung ang Jewel na makakaharap ko ay ang Jewel na kilala natin. Hindi ko alam kung paano siya pakikitunguhan pag nagkataon.- bulong nito sa isip

It's 12nn ng magising si Jewel kaya bumangon na ito para tingnan ang kaibigan at isa pa nakakaramdam na rin siya ng gutom.

Paglabas niya sa kwarto ay nadatnan niya si Cain na prenteng nakaupo sa sofa at nanonood ng tv. Saglit na napalingon ito sa kinaroroonan niya.

"Gising kana pala. Halika kumain na tayo, hinihintay talaga kitangagising."

"Ilang oras akong nakatulog? Bakit hindi mo ako ginising? Sana nauna kana kumain." sabi ko

"Nah ah! Diba sabi ko sayo kailangan mo magpahinga kaya hindi kita ginising."

Umupo naman siya sa lamesa kaharap ng kaibigan. "Anong nangyari sa pakikipagkita mo sa kaibigan mo?" tanong nito habang naglalagay ng kanina sa kanyang plato.

"Ayon nagkita din kami, mabuti na lang at hindi siya busy." sagot nito

"Matagal na din ba siyang nakatira dito?"

"Ilang tao na rin, nagtayo kasi siya rito ng botique kaya malimit na rin siya kung makauwi sa Pilipinas." sagot nito

"Pinay din pala siya?" gulat na tanong ko

"Oo, nameet ko siya 2 years ako."

Tumango tango naman siya at nagpatuloy na sila sa pagkain.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon