Chapter 91

904 9 0
                                    

Thunder POV

Nagtagal pa kami ng halos isang linggo sa Baguio at katulad ng sinabi sa akin ng asawa ko ay gusto niyang si Marga naman ang tulungan ngayon kaya ang ginawa namin nakaraang araw ay ipinapunta din namin dito ang kanyang mga magulang. Hindi makapaniwala ang mga ito na muli nilang masisilayan ang kanilang anak na akala nila ay patay na.

Napag usapan din nila na babalik na si Marga kasama sila at humingi din siya ng pabor na isama si Nanang sa kanila dahil wala na daw itong pamilya at hindi naman nagdalawang isip ang mga ito na sumang ayon dahil malaki ang utang na loob nila kay Nanang sa pagkupkop sa kanilang anak.

At kung tatanungin niyo kung ano na ang nangyari sa amin ni Jewel ay masasabi kung maayos na kami ulit kahit na madalas siyang nagsusunget o mainit ang ulo at naiintindihan ko naman 'yon dahil buntis siya. At ngayon ay nakaayos na ang gamit niya dahil ito na ang araw na uuwi na kami sa bahay namin.

Inilagay ko na sa kotse ang mga gamit para nakahanda na ito habang si Jewel naman ay masayang nakikipag usap pa sa kanila ni Nanang at Marga, sa susunod na araw pa kasi sila aalis dahil may mga kailangan pa silang ayusin. Ibebenta na sana ni Nanang ang kanyang bahay dito pero ang sabi ng mga magulang ni Marga ay gawin na lang itong bahay bakasyunan.

"Paano ba 'yan ate, babalik kana sa pamilya mo. Sa susunod huwag kang layas ng layas ha?" biro ni Marga kay Jewel na siyang ikinatawa namin.

"Ikaw din huwag ng matigas ang ulo mo, tulungan mo sina Tito at Tita dahil sure akong 'yon din ang gusto at ikakasaya ng kuya mo." saad ni Jewel sa kanya.

Lumapit naman ako kay Nanang na nakatayo sa tabi ni Marga habang nakangiti. "Nang salamat sa pagpapatuloy at pag aalaga niyo sa asawa ko." saad ko.

"Wala 'yon, naging masaya nga ako dahil may nakasama kami ni Marga dito at isa pa ay mabait naman ang asawa mo." sagot naman niya.

Ngumiti naman ako at ang asawa ko naman ang lumapiy dito at niyakap si Nanang. "Nang maraming salamat sa pagtanggap sa akin kahit pa no'ng una na hindi niyo pa alam na magkakilala kami ni Marga, masaya po ako na nakilala kayo at alam kung magiging maayos na ang buhay niyo kasama ang pamilya ni Marga." mahinahon na turan ni Jewel.

"Hay naku, pareho talaga kayong mag asawa. Ang pagtulong ay bukal sa loob kaya masaya akong nagawa ko 'yon. Mag iingat kayo sa byahe." sagot naman nito.

Hindi na din kami nagtagal at umalis na para hindi kami abutin ng gabi. Alam na din ng mga magulang ni Jewel na kasama ko na ang anak nila at gusto na nga daw umuwi ng anak naming si Storm sa bahay ang kaso lang ay wala pa kami do'n kaya bukas ko na lang siya susunduin.

FASTFORWARD

It's five month simula ng bumalik nasa ayos ang pamilya ko at mas lalo pa kaming naging masaya dahil na din sa pagbubuntis ni Jewel dagil magkakaroon na ulit ng dagdag sa pamilya namin. Sa loob ng mga buwan na 'yon ay mas tumibay pa ang pagmamahalan namin ng asawa ko kasama ang anak naming si Storm. Ilang bansa na din ang napuntahan namin para magbakasyon at pati ang birthday ni Storm ay nairaos na din namin.

Minsan ay hindi ako nakakapasok sa opisina dahil na din sa pagiging maselan magbuntis ni Jewel, may mga oras kasi na may mga gusto siyang kainin at gusto kung maibigay 'yon sa kanya kaya mas pinipili ko na lang na sa bahay magtrabaho muna pansamantala.

Ang anak naman namin na si Storm ay nagsisimula ng pumasok sa isang private school, hindi naman siya nahihirapan dahil matalino ang anak namin.

Madalas din na bumibisita dito ang mga kaibigan namin kaya kahit papaano ay hindi mabored ang asawa ko.

And as for Jhazzy ay wala na din ito sa Pilipinas at sumama na sa pinsan kung si Dane, pero bago sila umalis ay pinuntahan kami nito para personal na humingi ng sorry. Totoong may nangyari sa amin noong mga panahong hindi pa kami okay pero hindi ako kailanman nagkaanak sa kanya. Ilang taon na din silang magkarelasyon ni Dane hanggang sa mabuntis siya nito. Ang alam ko ay may pinagtalunan silang dalawa kaya umalis ito at isinaman ang kanilang anak.

Kasalukuyan akong nasa opisina ko dito sa bahay dahil may mga nireview akong papeles na sinend sa akin ng sekretarya ko, biglang nagbukas ang pinto at pumasok dito ang nakangiti kung asawa na may dalang isang tray. Tumayo naman ako at sinalubong siya at inalalayan papunta sa mini sofa.

"Ginawan kita ng meryenda alam kung marami kang ginagawa ngayon." anas niya.

"May mga kailangan lang akong basahin for approval kaya tinatapos ko lang ang mga 'yon para masimulan na." sagot ko naman at umupo na.

"Sinabi ko naman kasi sa'yo na pumasok kana sa opisina dahil okay na naman ako at isa pa nandito naman ang mga maid natin eh." nakangusong saad nito.

"Okay lang naman kahit na nandito ako sa bahay, nakakapagtrabaho pa din naman ako at isa pa gust kung makasigurado na maayos ka lang." sagot ko naman.

"Six months pa lang naman itong baby natin kaya okay na okay pa ako. You don't need to worry about me kasi hindi naman ako nag iisa." pilit niya.

Umiling lang ako. "Okay lang ako, pag may mga importante na meeting naman ay pupunta ako." ani ko.

Bumuntong hininga na lang ito at saka tumango. Alam niya naman na hindi niya ako mapipilit sa ganiotong usapin, kahit na ilang beses na namin itong napag usapan may nga araw talagang bumabalik kami sa topic na ito.

"Ikaw ayaw mo kumain?" tanong ko sa kanya.

"Kumain na ako bago pa ako nagpunta dito kaya busog na ako." sagot niya naman.

"Ang daya! Dapat sinabay mo na lang ako." turan ko.

Natawa naman ito at hindi na nagsalita pa kaya ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Masaya na ako sa ganitong pamilya, kasama ko lang ang asawa't anak ko ay kompleto na ang buhay ko. Hindi ko inakala na magiging masaya ako ng ganito, mabuti na lang at swerte ako sa naging asawa ko na kahit naging tarantado ako noon at nasaktan ko siya ng sobra ay mas pinili niyang patawarin ako.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon