Chapter 74

594 11 0
                                    

Jewel POV

Isang buwan na naman ang lumipas at ang masasabi ko ay naging maayos na ang pagsasama naming mag anak maliban na lang sa asawa ko na madalas malalim ang iniisip at isa pa ay madalas din itong umaalis kahit pa wala siyang pasok sa trabaho.

Nahuhuli ko din siya minsan na may kausap sa phone na parang galit o kaya naiinis sa kanyang kausap at kapag tinatanong ko naman siya ay madalas niya lang isagot ay sa trabaho kaya hindi ko na inuulit ulit pa kahit ang totoo ay nagtataka ako.

At ngayon ay nasa kwarto kami at tahimik na naman siyang nakaupo lang sa may mini sala namin dito, nilapit ko siya at tinanong. "Are you okay?"

Tumingin naman ito sa akin. "Okay lang ako." maiksing sagot niya.

"Ilang linggo ko ng napapansin na parang stress ka o may problema, pwede mo naman sabihin sa akin 'yon." ani ko.

"Wala 'to hon, masyado lang maraming trabaho sa kompanya kaya ganito."

"Saan ka nga pala nagpunta kahapon? Dumaan ako sa opisina mo pero wala ka do'n at ang sabi naman ng sekretarya mo ay hindi ka pumasok." wika ko.

Nakita ko naman ang pag awang ng kanyang labi. "Ah ano kasi, may inasikaso lang ako sa isang kliyente kaya hindi na ako pumunta sa kompanya."

"Gano'n ba? Huwag mong masyadong pinapagod ang sarili baka mamaya magkasakit ka niyan." bilin ko sa kanya.

Ngumiti naman it at niyakap ako ng mahigpit. "Kahit magkasakit ako ay nandiyan ka naman para lagaan ako." mahinang sambit niya.

"Mas maganda pa din ang walang sakit." pilit ko.

"Oo na sabi mo eh, ahm hon can I ask you something?"

Napakalas naman ako sa kanyang yakap. "What is it?"

"What if may nalama ka na hindi ko sinabi sa'yo o may nagawa akong mali are you willing to forgive me?" seryosong turan nito.

Napatitig ako sa kanya. "Anong klaseng tanong 'yan? Bakit ang seryoso mo. Syempre kasi asawa kita maliban na lang kung may iba kang babae at nagkaanak ka sa iba." natatawang saad ko.

Nakita kung napayuko ito na wari'y may iniisip. "Oy sigurado ka bang okay ka lang? Nagbibiro lang ako hon alam ko naman na hindi mangyayari ang bagay na 'yon." dagdag ko pa.

Sumandal naman ito sa balikat ko. "love you hon, always remember that. Kahit anong mangyari ay mahal na mahal ko kayo ni Storm."

"At lagi mo ding tatandaan na mahal na mahal ka namin ng anak mo." sagot ko naman sa kanya.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang mga sinasabi ni Thunder, bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa kanya, una sa mga kinikilos niya nitong mga nakaraang linggo at ngayon naman sa mga tanong niya.

Minsan gusto ko na lang isipin na may problema talaga ang asawa ko na hindi niya sinasabi sa akin, ayaw ko naman na siyang pilitin dahil baka maging dahilan lang sa pagkakaroon namin ng hindi pagkakaunawaan. Alam ko naman na sasabihin niya din sa akin 'yan kapag handa na siya.

Mayamaya pa ay niyaya na niya akong matulog pero kahit hanggang sa paghiga namin ay hindi pa din mawala sa isip ko ang mga tanong ni Thunder para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawang ibuka ang kanyang bibig. Hanggang sa tuluyan na din akong dinalaw ng antok.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil ipagluluto ko pa ng almusal si Thunder dahil may pasok pa ito sa opisina at wala ngayon ang katulong namin dahil umuwi ito sa kanila at may sakit ang kanyang nanay. Samantalang ang anak naming si Storm ay wala dito at nasa bahay ng mga magulang ko.

Bumangon na ako at kumuha ng damit sa cabinet, gusto ko munang maligo. Saglit lang naman ako sa banyo at lumabas na din nagsuot lang ako ng simpleng tshirt at pagtapos ay bumaba na ako at dumiretso sa kusina para magluto ng almusal. Pinili ko lang ang madaling lutuin para hindi na ako magahol pa sa oras.

Habang nagluluto ako ay may naramdaman akong yumakap sa akin, hindi ko na titingnan kung sino ito dahil amoy pa lang ayaw alam ko na asawa ko ito.

Nilingon ko siya at ngumiti. "Gising kana pala." anas ko.

"Kakagising ko lang at hindi kita nakita sa kwarto kaya bumaba na lang ako dahil alam ko naman na nandito ka sa kusina."

"Ang mabuti pa ay maligo kana para pagkatapos nito ay makakain na tayo." saad ko.

"Mayamaya hon, kakain na lang muna ako at maaga pa naman."

Oh sige maupo kana muna diyan at tatapusin ko lang ito. Malapit na din naman itong maluto." ani ko sa kanya.

Hinalikan niya muna ako sandali sa labi at umupo na sa hapagkainan.

Hindi din nagtagal ay natapos na ako sa pagluluto kaya hinain ko na 'yon sa mesa at saka pinagtimpla ng kape.

"Maaga ka ba uuwi mamaya?" tanong ko sa kanya.

"Oo saglit lang naman ako sa opisina may mga pipirmahan lang ako tapos uuwi na ako. Magbihis ka din hon at aalis tayo pag uwi ko."

"Is it a date?" biro ko.

"As you say so, natural wala naman si Storm dito at malimit tayong nakakaalis na dalawa."

"Sabi mo 'yan ah, libre mo ako." anas ko

"You can buy anything you want. Pambawi ko na din sa'yo kasi pakiramdam ko ay nawalan ako ng oras sa'yo nitong mga nakaraang linggo."

"Awww so sweet of you. I know naman na busy ka sa work kaya naiintindihan ko naman 'yon. Huwag mo na isipin ang bagay na 'yan." wika ko sa kanya.

Ngumiti naman ito sa akin at kumain na kami.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon