Chapter 69

778 14 2
                                    

Thunder POV

Kanina pa ako pabalik balik sa labas ng ER, hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ang doctor matapos ko itong makausap kanina. Hindi ko na alam ang gagawin ko pakiramdam ko ay nawala bigla ang alak sa katawan ko.

Maya maya pa ay dumating sina Dark at Cain na halos tinakasan din yata ng alak sa katawan.

"Anong nangyari?" tanong ni Dark habang si Dark ay tinapik naman ang balikat ko.

"Hindi ko alam, basta sumakay na lang siya sa kotse kaya sinundan ko siya tapos nakita ko na lang na bumangga siya sa isang truck," paliwanag ko.

"Tiwala lang pre, malakas si Jewel hindi niya kayo iiwan ni Storm." pagpapalakas loob ni Dark sa akin.

Maya maya pa ay nagbukas ang ER at lumabas dito ang doctor na kausap ko kanina. Sabat kaming tatlo na lumapit dito. "Doc. kamusta na ang asawa ko?" tanong ko.

"She is stable for now Mr. Alcantara, hindi pa natin masasabi na maayos na ang lahat dahil hindi pa siya nagigising. Magcoconduct pa kami ng maraming mga test sa kanya para makasigurado tayo."

Tumango naman si Thunder.

"Nasaan na si Jewel?" tanong naman ni Dark.

"Ililipat na siya namin sa private room para mas makapagpahinga ng maayos," anas ng doctor.

Agad naman na sumunod silang tatlo sa kwarto kung inilipat ang dalaga. Mag uumaga na pero hindi man lang makaramdam ng antok si Killian, nanatili lang siya na nakaupo sa gilid ng kama ng kanyang asawa, samantalang sina Dark at Cain naman ay nakatulog na sa gilid sa kabilang kama.

"I'm sorry hon, kung hindi dahil sa akin hindi sana nangyari ito sayo. Sana naman pag gising mo ay hayaan mo akong mag explain sa'yo. Ayoko magkasira tayo ng dahil lang sa ganito. Alam ko sa sarili ko na hindi ko ginusto ang nangyari. Kaya please, magpagaling ka agad." pagkakausap ni Thunder sa kanyang asawa habang hawak hawak ang kamay nito, hanggang sa hindi niya na namalayan ang pagbigat ng kanyang talukap.

Kinabukasan ay nagising si Thunder dahil sa ingay na nagmumula sa kwarto, at ng tiningnan niya ay nakita niya si Calli na nakaupo katabi ng kanyang asawa na si Dark samantalang si Cain naman at umiinom ng kape.

"Tingnan mo nagising si Thunder ng dahil sa kaingayan mo Calli," paninisi ni Cain sa dalaga.

Tumaas naman ang kilay ni Calli. "Anong ako? Ang hina ng boses ko kaya huwag mong isisi sa akin," wika nito at maya maya pa ay bumaling ito kay Thunder.

"At ikaw damuho ka! Ano na namang kagaguhan ang ginawa mo sa kaibigan ko? Kasal na nga kayo eh," saad niya habang nakapamewang.

"Ano kana naman babe, ang ingay mo naman baka mamaya magising si Jewel pagalitan ka niyan. At sinabi ko naman sa'yo ang nangyari." pigil ni Dark sa asawa.

"At sino ba ang babaeng 'yon? Kapag makita ko 'yon kakalbuhin ko talaga siya." inis na bulalas ni Calli.

Natawa naman si Cain habang umiinom ng kape. "No need to do that Calli, dahil tinanggal na siya ni Thunder." singit nito.

"Aba dapat lang, ganyan na nga nangyari sa asawa niya natural na tanggalin niya." bulalas pa i Calli.

"Oh kalma, umuusok na naman 'yang ilong mo," pang aasar ni Cain.

"Isa ka pang damuho ka! Nasaan ba si Monique? Dapat inaalagaan ka niya ng mabuti eh, mukhang kinulang ka sa aruga." singhal ng dalaga.

Natawa naman silang lahat maliban sa akin na tahimik lang na nakatingin sa aking asawa na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Napansin naman ito ni Dark kaya tumayo ito at lumapit sa akin.

"You okay?" He asked at tinapik nito ang balikat ni Thunder.

Napatingin naman ang binata sa kanya at tumayo. "Okay lang naman ako, pero mas magiging okay ako kapag nagising na si Jewel." sagot ko

"Everything is a messed," mahinang dagdag ko.

"Don't say that pre, everything will be alright. Magigising din si Jewel at magiging maayos din kayo ulit."

Maya maya pa ay napansin nila ang paggalaw ng daliri ni Jewel kaya napatingin sila dito.

"Hon?" pagtawag ko sa asawa ko.

Unti unti naman itong nagmulat ng kanyang mga mata, pati sina Calli at Cain ay lumapit na din sa amin.

"Bes! Thanks God at nagising kana. Akala ko magpapahinga kapa ng matagal eh, sasabunutan talaga kita." bulalas ni Calli

Pero tahimik lang si Jewel at hindi ito nagsasalita.

"Nasaan ako? Sino kayo? mahinang sambit ni Jewel na ikinagulat nilang lahat.

"Hoy bruha huwag mo kaming biruin ng ganyan, baka masampal kita." wika ni Calli

Ngunit tumahimik lang ulit ang dalaga kaya tinawag na ni Cain at doctor para sabihing gising na ito.

Maya maya ay pumasok na ang doctor kasama ang isang nurse. Isinuri nila si Jewel at maya maya pa ay may itinurok sila dito kaya nawalan ito ulit ng malay.

"Doc. bakit gano'n? Bakit hindi niya kami nakikilala?" si Dark na ang nagtanong dahil mukhang wala pa rin sa sarili si Thunder simula ng magising si Jewel

"We expect this to happen, natural lang ito lalo na't nabangga siya. Pero hindi din ito magtatagal at baka mamaya pag gising niya ulit ay babalik na sa normal lahat at kung hindi man ay baka sa susunod na mga araw pa." paliwanag ng doctor.

"W-wala ba 'yong masamang epekto sa kanya?" tanong ko ng bumalik na ako sa tamang ulirat.

"Wala naman Mr. Alcantara, lahat naman ng ginawa naming test sa asawa mo ay normal naman ang mga result kaya wala kang dapat na ipag alala" sagot ng doctor.

Nakahinga naman sila ng maluwag dahil dito, ang akala nila ay tuluyan na itong nagkaamnesia at nakalimutan na sila.

"Aalis na ako dahil may pasyente pa ako sa kabila, tawagin niyo na lang ako ulit kapag nagising na siya." pagpapaalam ng doctor at lumabas na kasama ang nurse.

"Kinabahan ako do'n ah, akala ko talaga totoong ng nakalimutan tayo ni Jewel." bulalas ni Cain.

"Ano pa ako? Akala ko nagbibiro lang siya," segunda naman ni Calli.

"Let's just think positive na bumalik na ang lahat sa normal kapag nagising na ulit si Jewel." wika naman ni Dark.

Tumango naman silang lahat maliban sa akin na nakafocus lang ang tingin sa asawa ko.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon