Chapter 75

633 6 0
                                    

Thunder POV

Kasalukuyan na akong nasa opisina, pinirmahan ko lang ang mga naiwan kahapon para matapos na at makauwi na ako ng maaga. Gusto kung bumawi sa asawa ko dahil hindi ko na siya nabibigyan ng oras nitong mga nakaraang linggo.

Sa totoo lang gusto ko ng sabihin sa kanya ang totoo pero sa tuwing kasama ko na siya ay naduduwag ako lalo na no'ng sinagot niya ang tanong ko kagabi mas lalo akong nahirapan na sabihin sa kanya. Ayaw kung mawala ng tuluyan ang mag ina ko at masira ang pamilya ko.

Nakausap ko na din ang binayaran ko para alamin ang tungko kay Jhazzy at sa anak niya pero sa sunod na linggo pa daw niya makakalap ng buo ang lahat ng impormasyon na kailangan ko, kating kati na akong malaman ang totoo dahil hanggang hindi 'yon lumalabas ay hindi matatahimik ang buhay ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng magbukas ang pinto at pumasok si Dark, masasabi ko na ang laki na din ng pinagbago ng kaibigan ko na ito. Hindi na kami katulad ng dati na halos magpatayan dahil sa pagkakaroon ng kompetensiyon sa business, ngayon ay masasabi ko na maayos na talaga kami bilang magkaibigan at hindi rival.

"What brings you here?" tanong ko sa kanya.

"Wala naman, binisita lang kita dahil ramdam kung stress ka. At dahil nasa ibang bansa pa naman si Cain kaya ako na lang ang nagpunta dito." sagot niya naman.

"At kailan ka pa natuto na hindi magfocus sa pagtatrabaho na dati halos hindi mo maiwan ang kompanya mo." biro ko dito.

"Ngayon lang, mahirap din maging masyadong mayaman, sikat at pogi." mayabang na turan nito.

"Ulol! Kung katulad lang tayo ng dati sigurado akong hindi ka lalabas ng opisina mo ngayon sa kakaisip kung paano ako hahadlangan." ani ko.

"Noon 'yon at iba naman na ngayon. Magkaibigan tayo kaya dapat nagtutulungan lang, nakakapagod ka kaya maging rival." natatawang anas nito.

Binato ko naman siya ng papel, kahit kailangan talaga ang kahanginan niyang taglay ay hindi mawawala. Mabuti na lang at natatagalan ito ni Calliyah, sabagay mabunganga din naman ang babaeng 'yon.

"Maiba ako pre, kamusta na pala 'yong isang problema mo?" tanong niya.

Alam niya ang tungkol sa problema ko, wala kasi dito si Cain kaya siya ang nasabihan ko. No'ng una ay nagulat din siya sa nalaman at hindi makapaniwala. Kilala nila ako hindi ako basta basta makakabuntis ng kung sino lang na babae, kahit na hindi maganda ang pagsasama namin ni Jewel noon ay sigurado akong wala akong na anakan na iba.

"Ang sabi ng binayaan ko ay baka sa sunod na linggo niya pa mabigay ang kailangan ko pati ang result ng DNA." sagot ko naman sa kanya.

"Sana lang maayos mo na 'yan bago pa malaman ni Jewel, sigurado akong malaking gulo 'yan kapag nagkataon."

"Iyan ang ayaw kung mangyari, kaya nga pinahalungkat ko talaga ang buhay ng babaeng 'yon para malaman ko kung sino talaga ang tunay na ama ng anak niya." kako sa kanya.

"Ang tapang din ng babae na 'yon para ipaako sa'yo ang anak niya noh, akala niya yata ay maniniwala kana dahil lang sa dinala niyang DNA test."

"Kahit ilang dan pa ang ilapag niya sa akin ay hindi ako maniniwala dahil alam ko sa sarili ko na wala akong anak sa labas. Oras na malaman ko na niloloko ako ng babaeng 'yan ay may pagkakalagyan siya sa akin. Pinagbibigyan ko lang siya ngayon dahil sa bata." ani ko.

Hindi din nagtagal ay nagpaalam na din ito dahil biglang tumawag si Jade sa kanya mukhang nagpapasundo.

Natapos ko din ang pagpirma ng mga papeles ng biglang tumunog ang telepono ko at nakita ko ang pangalan ni Jhazzy sa screen. Ano na naman kaya ang kailangan ng babae na ito?

"Hello?" walang gana kung bungad sa kanya.

"Thunder, I need you! Nandito kami sa hospital ng anak mo ngayon, pumunta ka dito."

"What? Anong nangyari? Saang hospital?" tanong ko.

Pagkasabi niya sa akin ay pinatay ko na agad ang tawag at lumabas na sa opisina ko. Mag aalas dose pa lang naman ng tanghali kaya maaga pa. Hapon pa naman kami aalis ng asawa ko.

Mabilis akong nagmaneho papunta sa sinabing hospital ni Jhazzy, pagkarating ko do' ay dumiretso agad ako sa room na sinabi niya. Naabutan ko siya na nakaupo sa gilid ng kama habang nakahiga naman at natutulog ang kanyang anak.

"What happen?" tanong ko.

Napatingin naman siya sa akin. "Kanina kasi ang sabi niya ay sobrang sakit ng tiyan niya kay nataranta ako at dinala na agd siya dito dahil iyak siya ng iyak. Ang sabi ng doctor ay hindi lang siya natunawan, binigyan na din siya ng gamot at mamaya pag gising niya ay kailangan niya lang kumain." paliwanag nito sa akin.

"Ano ba kasi ang pinapakain mo sa bata at hindi siya natunawan? Next time siguraduhin mo na safe ang kinakain niya para hindi na maulit ang ganitong pangyayari." wika ko sa kanya.

"Pwede bang bantayan mo muna siya? Pag nagising siya nandiyan na ang pagkain sa mesa, may pupuntahan lang ako saglit." anas niya.

Tumango naman ako. "Be sure na bumalik ka agad dahil may importante akong pupuntahan." ani ko sa kanya at umupo nasa upuan malapit sa kama ng bata.

Jhazzy POV

Bago ako lumabas ng hospital ay kinuha ko ang phone ko at pinicturan si Thunder na nakatingin sa anak ko, isa ito sa gagamitin ko laban sa kanyang asawa. Halos isang buwan na simula ng nakakasama namin si Thunder at hindi ako papayag na habang buhay na lang kami itinatago ng anak ko.

Nakapag isip isip na ako, ngayon na ang oras para simulan ko na ang nabuo kung plano. Pagod na akong magtago at gusto ko naman ay maging legal hindi lang kay Thunder kung hindi pati sa mata ng ibang tao.

Alam ko na kapag nalaman ng asawa ni Thunder ang tungkol sa anak ko ay magkakagulo silang dalawa at kapag nangyari 'yon at iwan ni Jewel ang asawa niya ay ako na ang papalit sa kanyang pwesto. Ako na ang magiging Mrs. Alcantara.

Umalis na ako ng tuluyan sa hospital at sumakay sa kotse ko, pupunta muna ako sa mall dahil may bibilhin lang saglit.

'Malapit na din tayong magkita Jewel.' - bulong niya sa kanyang sarili.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon