Chapter 42

1.3K 19 0
                                    

Cain POV

Kasalukuyang nakaupo si Cain sa isang restaurant kaharap ang isang babae, nakatanggap siya ng mensahe mula dito na may kailangan siyang malaman noong una ay hindi niya ito pinansin dahil wala siyang planong bigyan ng panahon 'yon pero ang ipinagtataka niya ay kung paano nito nakuha ang kanyang numero. Ilang beses itong paulit ulit na nagpadala ng mensahe at isa roon ay nakakuha ng kanyang atensyon na nakalagay sa mensahe na may  alam ito sa nangyari noon sa kanyang kaibigan na si Jewel kaya hindi siya nagdalawang isip na makipagkita dito.

Nandito siya ngayon kaharap ang isang babae, base sa itsura at pananamit nito ay mukhang galing din ito sa mayamang pamilya.

"Mabuti naman at pinaunlakan mo ang imbitasyon ko," panimula ng babaeng kahapon

"Who are you? Anong alam mo?" diretsong tanong ng binata

Natawa naman ang babae dahil dito. "Nagmamadali ka naman yatang malaman, handa kana bang masaktan sa matutuklasan mo Cain?"

"Sino kaba talaga? Hindi ako nakikipaglokohan sayo, kaya kung wala kang sasabihin na matino ay aalis na ako," aniya sabay tayo

Pero bago pa siya makaalis ay biglang nagsalita ulit ang babae na nakapagpatigil sa kanya. "Ayaw mo bang malaman ang totoo tungkol sa nangyari kay Thunder kaya nagawa niya 'yon kay Jewel? Ayaw mo bang malaman kung sino ang may kagagawan nun?"

Agad na bumalik sa pagkakaupo si Cain. "Anong alam mo?"

"Gaano mo kakilala si Monique?" tanong nito

"Huwag mong dinadamay ang girlfriend ko dito," pagbabanta ng binata

"Chill, wala pa akong sinasabi. Hindi ako tanga na makikipagkita sayo ng walang alam at alas na dala."

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin," nawawalan na ng pasensiya ang binata dahil sa daming paligoy ligoy ng kausap.

Agad na may kinuha ang babae sa kanyang bag ang isang litrato. "You see this? This is Alexa, she is one of the ex fling of your friend who happen to be the husband of Jewel. Alam mo naman na siguro ang nangyari ilang taon ng nakalilipas. Siya ang lagay ng gamot sa inumin ni Thunder kaya niya nagawa ang bagay na 'yon. At alam mo ba kung sino ang may kagagawan nun o nag utos kay Alexa?"

"Sino?" tanong ni Cain, gustong gusto niyang malaman ang katotohanan sa nangyari ilang taon ng nakalilipas.

"Si Monique," maiksing sagot ng babae.

"Don't play games with me woman!" galit na turan nito

"And why would I? Sa tingin mo ba nakikipaglaro ako sayo? Com'on Cain, alam kung hindi ka basta basta maniniwala sa sasabihin ko. Tingnan mo ito," sabi ng babae at may inabot sa kanya.

"See? Alexa and Monique are cousins, 'nasa harap mo na ang patunay. Siya ang nag utos kay Alexa na sirain ang pagsasama ni Thunder at Jewel dahil gusto niyang makapaghiganti sa nangyari kay Daven."

Ilang beses na napailing si Cain dahil hindi siya makapaniwala na ang babaeng minahal niya ang may kagagawan kung bakit nasira ang pagsasama ng mga kaibigan niya, ang babaeng sobra niyang pinagkatiwalaan ang dahilan kung bakit nagdusa at muntik ng mabaliw si Jewel.

"At kung sa tingin mo ay mahal ka niya Cain, nagkakamali ka. Parte pa rin 'yon ng plano niya. Nagpanggap siyang interesado sayo para mas lalong mapalapit din kay Jewel at magawa ang gusto niya. Ginamit ka lang niya Cain. Kung ayaw mong maniwala ito ang video recorder, kung saan may kausap siya." dagdag pa nito

Tinanggap ito ni Cain at pinindot ang play botton, narinig niyang may kausap ang kanyang kasintahan sa kabilang linya. At ang nagpawasak sa kanyang puso ang narinig niya mula dito na nagsasabing gagamitin niya lang si Cain para mapalapit kay Jewel.

Halos hindi alam ng binata kung ano ang magiging reaksyon niya dahil sa nalaman at narinig.

Kinuha ng babae ang kanyang bag at tumayo na. "It's up to you now Cain if you will believe what I said to you or not. Basta ako sinabi ko lang ang totoo, para hindi kayo maloko,"  aniya at naglakad na papaalis sa restaurant.

Hindi pa rin makagalaw si Cain at ilang beses na pinikit ang kanyang mga mata habang ang kanyang dalawang kamao ay nagngingitngit sa galit.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin, hindi niya kayang isipin na magagawa ni Monique na makipag usap sa kanila lalo na kay Jewel na animo'y walang ginawang masama dito, na akala mo ay hindi sumira sa buhay nito.

Dali dali siyang tumayo at lumabas sa restaurant, kailangan niyang makausap si Monique, gusto niyang sa bibig nito mismo manggaling ang lahat. Gusto niyang malaman ang totoo.

Margaux POV

Nakasakay na ako sa aking kotse ngayon, labis ang saya na nadarama ko ngayon dahil kitang kita ko ang galit sa mga mata ni Cain dahil sa nalaman.

Poor Monique, dapat lang 'yan sa mga taong walang utang na loob. Matapos ng lahat lahat ay iiwan niya ako sa ere, pwes kung akala niya ganun kadali 'yon ay nagkakamali siya. Mali siya ng taong tinalikuran niya, tingnan natin ngayon kung may mukha pa siyang ihaharap sa boyfriend niya.

Mabilis niyang kinuha ang kanyang telepono at tinawagan si Monique.

"Anong kailangan mo, Marga?" bungad nito

"Anong tanong 'yan Monique? I just want to call you at kamustahin ka, you know matagal na rin nung huli tayong nagkita." saad niya

"Huwag mo akong lokohin Marga, kilala kita! Bakit ka tumawag?"

"Chill, Hahahaha! Masyado naman mainit ang ulo mo. Gusto ko lang ipaalala sayo na malapit na ang araw, at alam mo kung ano 'yon. Huwag kang magkakamali na hindi sumunod sa usapan Monique." aniya

"Ilang beses ko ng sinabi sayo Marga na ayoko na makialam sa mga plano mo, labas na ako doon. Ayoko madamay!"

"Matagal ka nang damay dito Monique, sa simula pa lang na pumayag kang tulungan ako ay kasali kana. Let me tell you this, gusto mo bang malaman ni Cain ang lahat? Na ikaw ang nag utos sa pinsan mong si  Alexa para sirain ang samahan nina Thunder at Jewel? Ano kaya ang magiging reaksyon niya pag nalaman na ang taong minahal niya ay ang dahilan kung bakit nagdusa ang kaibigan niya na tinuturing niyang kapatid?" pagbabanta nito sa kanya

"Bakit natahimik ka yata? Sinabi ko na sayo na masama akong kaaway Monique, kaya kung ayaw mong mawala sayo ang pinakaiingatan mo ay sumunod ka sa plano." dagdag nito at ibinaba na ang tawag ng hindi man lang hinintay ang sagot ng kausap

Sumilay ang matagumpay na ngiti sa labi ng dalagang si Margaux, inaakala niya na naaayon ang lahat sa kanyang kagustuhan at plano. Una na doon ay ang sirain ang relasyon nina Cain at Monique na mukhang nagawa niya naman ng maayos.

'I told you Monique, mahirap akong kalaban at alam ko na hindi na kita magagamit ngayon.'- aniya sa isip niya at mabilis na pinaandar ang makina ng kanyang kotse at nagdrive paalis sa restaurant.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon