Chapter 54

895 14 0
                                    

Mabilis na nilisan ng dalagang si Margaux ang rehabilition, mabuti na lang at isinuot niya ang damit ng nurse kaya hindi siya nahirapan na makalabas ng lugar. Agad siyang pumara ng taxi at sumakay ng walang pag aalinlangan.

Hindi siya dumiretso sa bahay nila dahil alam niyang nando'n pa ang kanyang mga magulang kaya mas pinili niya na lang na mag check in sa isang hotel.

Nang makapasok siya sa kanyang suite ay agad na sumilay ang ngiti sa kanyang labi, nasa isip niya na maitutuloy niya na ang kanyang plano. Hinding hindi siya papayag na maging masaya ang nga taong naging dahilan kung bakit siya miserable hanggang ngayon.

'Magpakasaya lang kayo ngayon, dahil 'yan na ang huling beses na magkakasama kayo'- aniya sa kanyang isip.

Sa kabilang banda naman ay nag aayos na ang magkakaibigan dahil napagpasyahan nilang magdinner ng 6pm para makapunta sila kaagad sa bagong bukas na bar, gusto nilang masulit ang huling gabi nila dito sa resort.

Saktong 6pm ay halos sabay sabay silang lumabas sa kani-kanilang mga suite.

"Himala at hindi kayo late na mag asawa," pang aasar ni Calli

Inirapan naman siya ni Jewel na mas ikinatawa niya. "Mabuti at hindi pa nababagok ang ulo ni Dark at iwan ka," ganti nito na ikinasimangot niya.

Habang nag aasaran sila ay sakto naman na lumabas si Monique sa kanyang suite. "Sorry guys natagalan ako."

"Why are you wearing that kind of dress? Are you planning to seduce boys there?" biglang saad ni Cain

Mabilis naman na napatingin ang apat dahil sa tinuran ng binata.

"B-bakit? Wala naman masama sa suot ko," sagot ni Monique na may pagtataka

"Whatever, let's go guys." wika ni Cain at nauna ng maglakad

Agad naman na nagtinginan ang apat na wari'y nag uusap sa pamamagitan lamang nito.

"Anong problema no'n?" biglang bulalas ni Monique.

"Huwag mo ng pansinin 'yon, mukhang nagulat sa kagandahan mo kaya gano'n. Tara na at baka mas lalong mag alburoto 'yon," natatawang sambit ni Jewel

Agad naman silang naglakad papalapit kay Cain na madilim pa rin ang mukha hanggang ngayon.

Nang makarating sila sa restaurant ay halos punuan na mabuti na lang at nagpareserve na sila kaya hindi sila nahirapan. Umorder ka agad sila ng kanilang pagkain.

"Anong mukha 'yan pre?" biglang tanong ni Dark habang naghihintay ng kanilang order.

"What?"

"Kanina maayos naman mood mo, bakit ngayon mukhang hindi na maganda?" natatawang saad ni Dark

"Masyado yatang nagagandahan at sexyhan kay Monique kaya nagkakaganyan," singit ni Jewel

Agad naman kumunot ang noo ni Cain ng marinig ang sinabi ni Jewel. "Anong pinagsasabi mo Jew? Ang totoong definition ng maganda at sexy ay ikaw! Simple lang." diretsong turan nito

"What was that for?" biglang bulalas ni Thunder

"Kalma ka bro, wala akong ibig sabihin diyan huwag kang seloso. Ang sinabi ko lang halimbawa ng totoong kagandahan ay 'yang asawa mo," depensa agad nito.

"Nako Cain, sabihin mo na lang din kasi na nagagandahan ka kay Monique, kaya nga napuna mo kanina eh,' gatong pa ni Calli

"Iba ang nagagandahan sa tinanong Calli, I was just asking kung bakit ganyan ang suot niya. I understand that we are going to the bar, what I mean is bakit kailangan ganyan ang bihis niya? It will give trouble to us." 

"Anong ibig mong sabihin? Hindi ako magbibigay problema sa inyo lalo na sayo," sagot ni Monique

"Yeah right," pabalik na sagot naman ni Cain

Napakanta na lang sina Dark at Calli dahil sa dalawa. Hindi nila maintindihan kung bakit ayaw ng mga ito mag usap ng masinsinan at magkaayos kasi halata naman na mahal pa rin nila ang isa't isa.

Hanggabg sa dumating ang kanilang pagkain ay hindi pa rin nagbabago ang mood ni Cain kaya hindi na lang nila ito inasar at kumain na lang, halos isang oras din bago sila natapos sa pagkain. Agad nilang binayaran 'yon at nagpasya na dumiretso na sa bar na bagong bukas.

Nang makarating sa doon ay marami rami na din ang mga tao marahil ay gusto din nilang sumubok dito dahil kabubukas lang. May mga nagsasayaw, may mga busy sa pag iinom at kung ano ano pa.

Mabuti na lang at may bakante pa kaya nakakuha pa sila ng pwesto, agad silang umorder ng alak at juice para sa dalawang babae dahil si Monique ay kaya namang uminom. Inubos nila ang oras sa pagsasaya hindi muna nila iniisip ang mga problema sa ngayon.

Nasa kalagitnaan sila ng pag iinuman ng tumayo si Monique. "Saan ka Nique?" tanong ni Jewel

"Pupunta lang ako doon Jew, may kakilala kasi ako na nandoon," sagot naman nito na ikinatango ng dalaga.

Nagpatuloy lang sila sa pag iinuman at kwentuhan ng mga nangyari sa kanilang buhay, natatanaw din nila si Monique na nakikipagkwetuhan sa sinasabing kakilala nito.

Maya maya biglang bumaling si Dark kay Cain. "Pre mukhang nagkakasiyahan si Monique at ang lalaking kausap niya ah," puna nito.

"Oh tapos? Ano ngayon? Hayaan mo siya sa gusto niya buhay niya 'yon."

"Nangangamoy ampalaya," natatawang asar ni Calli

Hindi na sumagot si Cain at nagpatuloy lang ito sa pag inom pero napapansin nila na panay tingin din ito sa gawi ni Monique.

Hindi nila namalayan na mag aalas dos na pala ng umaga, si Calli naman ay nakahiga na hita ni Dark. Kanina pa sana sila mauunang umuwi dahil bawal kay Calli ang magpuyat pero sadyang mapilit ang dalaga na dito na lang siya iidlip at ituloy na lang ang inuman nila dahil minsan lang naman daw ito.

Bumalik na din si Monique sa pwesto nila kanino kasi pagkatapos ng isang oras ay umalis na naman ito, hinayaan na lang nila para kahit papaano makapag enomjoy din ito ngunit halata sa mukha ng binatang si Cain ang pagkadisgusto sa pag alis alis ng dalaga.

Mata maya pa ay tumayo na si Dark. "Mauuna na kami guys, para naman makatulog ng maayos si Calli." sabi niya sabay gising sa kasintahan

"Sasabay na din  kami sa inyo, inaantok na rin kasi si Jewel," bulalas ni Thunder

"Cain uuwi kana din ba? Isabay mo na si Monique," anas ni Jewel

Bigla naman napa tsk ed ang binata. "Kaya niya naman umuwi mag isa."

"Pre sige na hanapin mo na lang at isabay baka mapano pa eh," aniya ni Dark.

"Sige mauna na kami bro," paalam ni Thunder at sabay na silang apat na umalis.

Napailing na lang ang binatang si Cain at nagpatuloy sa pag iinom, ang totoo niyan ay wala talaga siyang balak hanapin si Monique kaso paniguradong kukulitin siya ni Jewel.

Nagpatuloy lang siya sa pag iinom habang nakamasid sa paligid, kanina pa hinahanap ng kanyang mata si Monique pero hindi niya ito matanaw. Nakailang bote pa siya ng alak bago nagpasyang tumayo at hanapin ang dalaga. Umikot siya sa buong paligid pero kahit anino nito ay hindi niya nakita.

Tumayo na siya at nag ikot para hanapin ang dalaga, kung hindi lang dahil kay Jewel ay hindi siya mag aaksaya ng oras para hanapin ito at isabay pauwi. Naisipan niyang lumabas dahil baka nandoon ang dalaga.

Nang makalabas na siya ay inilibot niya ang kanyang paningin ng may mahagip ang mata niya ng dalawang tao sa gilid kaya nilapitan niya ito. Bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat ng mapagtanto kung sino ang babaeng kasama ng lalaki at kung ano ang ginagawa ng mga ito.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon