Chapter 29

2.1K 36 5
                                    

Thunder's POV

Tatlong araw na ang lumipas ng magkrus muli ang landas nila ng kanyang asawa na si Jewel. Alam niya sa sarili niya na maging gago siya noong mga panahon na magkasama pa sila sa iisang bubong.

Sa apat na taon na lumipas ay walang araw na hindi niya sinisi ang sarili kung bakit tuluyang nawala sa kanya ang dalaga. Alam niyang mali ang nagawa niya ng gabing iyon, pero masisisi niyo ba siya? Nadala lang siya ng kanyang emosyon sa labis na galit na nararamdaman dahil sa kanyang nalaman noong araw na iyon.

Isang linggo bago mangyari ang araw na iyon ay nakapag isip isip na siya na kakausapin niya ang asawa at susubukan niyang ayusin ang pagsasama nila bilang mag asawa, dahil alam niyang hindi naman mahirap itong mahalin.

Gumawa siya ng isang sorpresa para sa kanyang asawa, gustp niyang bumawi rito sa mga kasalanang nagawa niya lalo na sa pananakit niya rito.

Paalis na sana siya ng kanyang opisina para sunduin ang asawa ng biglang may natanggap siyang tawag na nagmula sa kanyang ex-fling. Humingi ito ng pabor kung pwede silang mag usap at pagkatapos noon ay hindi na siya manggugulo pa o magpapakita kay Thunder. At dahil sa sinabi nito ay nagpasya naman si Thunder na makipagkita dito para matapos na rin ang paghahabol nito sa kanya.

Nagkita sila sa isang coffee shop, inaamin niya na maganda at sexy ang babae pero binalewala niya ito dahil ang gusto niya lang ay makausap ito at makauwi na siya. Pagkaupo niya ay may nakahanda ng pagkain at inumin sa lamesa na mukhang inorder na ng dalaga.

"Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin. Kailangan ko ng umuwi." seryosong wika ni Thunder

Ngumiti naman ng pagkatamis tamis ang dalaga na mukhang inaakit siya nito pero hindi siya nagpadala. " Like what I said kanina, niyaya lang kita para makipag usap, but before that let me give this to you."saad ng dalaga at inabot kay Thunder ang mga litrato

Nagtataka man siya ay tinanggap niya ito at tiningnan. Noong makita niya kung sino ang nasa litrato ay nagtagis ang kanyang bagang.

Nasa litrato ang kanyang asawa na kasama ng kanyang matalik na kaibigang si Cain na nagyayakapan, mayroon pa sa isang litrato na naghahalikan ang mga ito. Kaya labis na lang ang galit nito, pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya ng kanyang asawa at kaibigan.

Bago siya umalis ay pinigilan muna siya ni Alexa at binigay sa kanya ang juice, dahil sa gusto niya ng umalis at mabilis niya na lang itong ininom. Hindi na siya nag abala pang magpaalam sa kasama dah ang gusto niya lang noong mga araw na iyon ay makauwi.

Habang binabaybay niya ang daan pauwi sa kanilang bahay ay nakakaramdam siya ng kakaiba sa kanyang katawan. Nakakaramdam siya ng ibang init sa katawan o sensasyon pero tiniisi niya ito dahil hindi pa siya nakakauwi. Nang makarating na siya sa kanilang bahay ay mas lalong tumindi ang kanyang nararamdamang init sa katawan kaya ng makita niya ang kanyang asawa ay nagawa niya ang bagay na iyon.

Labis niyang pinagsisihan ang mga maling nagawa niya kay Jewel lalong lalo na ang pag rape dito.

At noong gumising siya kinaumagahan ay hindi niya na makita ang asawa, nilibot niya pa ang buong bahay nila pero hindi niya ito makita. Huli niyang pinuntahan ang kwarto nito ngunit ni anino ng asawa ay hindi niya na nakita, pati ang mga gamit nito ay wala na rin.

Halos hindi niya alam ang gagawin noong mga panahon na 'yon. Isa lang naman sana ang gusto niya at iyon ay maging maayos silang mag asawa at mamuhay ng masaya. Ngunit kabaliktaran ang naging nangyari, ng dahil sa nakita niyang mga litrato ay nakagawa siya ng malaking pagkakamali ng magahasa niya ang sariling asawa.

Hindi niya hinanap ang asawa kahit kaya niya iyong gawin dahil hindi niya alam kung anong mukha ang ihaharap niya rito. Pagkatapos ng isang linggo ay nagpasya din siyang kausapin ang kanyang mga magulang para sabihin ang nangyari, ngunit nasa pintuan pa lang siya ng kanilang bahay ay sinalubong na siya ng suntok ng kanyang ama. Noong araw din na 'yon ay nandoon pala sa kanilang bahay ang mga magulang ni Jewel dahil nag aalala sila sa ilang araw na pagkawala ng kanilang anak, ilang beses na din daw nilang sinubukan itong tawagan pero walang sumasagot at noong magpunta sila sa bahay nilang mag asawa ay hindi din nila nadatnan noon si Jewel o kahit si Thunder.

Nagkaroon si Thunder ng pagkakataon ng araw na iyon para makausap ang magulang niya at magulang ng asawa, inamin niya ang lahat ng nangyari sa pagitan nilang mag asawa lalo na 'yong huling nagawa niya rito. Labis na galit ang nadama ng parehong mga magulang dahil sa nangyari, halos ilang buwan din nagkaroon ng alitan sa pagitan ng dalawang pamilya, pero hindi iyon hinayaang mangyari ni Thunder, ayaw niyang magkasira ang kanilang pamilya dahil sa kasalanan na siya ang may gawa. Nangako sa sa mga ito na gagawin ang lahat para mapatawad siya ni Jewel. Kalaunan ay pumayag na rin ang kani-kanilang mga magulang, hinayaan nila na si Thunder ang gumawa ng paraan at mag atos ng gulong ginawa niya.

Ngunit kahit na naging maayos na ang problema sa pagitan ng mga pamilya nila ay labis pa rin ang disappointment sa kanya ng ina, lalo na ng kanyang ama na hanggang ngayon ay malimit pa rin siyang kausapin. Hindi niya ito sinisisi dahil alam niyang halos anak na ang turing ng mga ito kay Jewel.

Nalaman niya rin ang katotohanan na noong nagkita sila ng kanyang ka ex fling na si Alexa ay may inilagay itong gamot sa kanyang inumin, ito ang gamot na nagpapataas ng need ng isang tao na kapag nainom mo ito ay nagiging wild ka ng hindi mo nalalaman, makakaramdam ka lang ng labis na init sa katawan na parang may gusto kang ilabas, kaya huli na ng mapagtanto niya na pinainom siya ng driga na iyon ni Alexa kaya nagawa niya ang bagay na iyon kay Jewel.

Makalipas ng isang buwan simula noong umalis si Jewel ay nakatanggap siya sa abogado ng annument papers na galing sa kanyang asawa, ngunit itinapon niya lang ito dahil wala siyang balak pumira dito. Hindi niya hahayaan na mawalan siya ng karapatan sa asawa o mapawalang bisa ang kanilang kasal.

Sa mga araw na lumipas ay halos maging miserable ang kanyang buhay, araw araw siyang nasa bar, halos hindi na rin siya pumapasok sa kompanya, gabi gabi niyang naaalala ang nagawa niya sa asawa, ang mga iyak at pagmamakaawa nito. Para sa kanya isa itong bangungunot. Alam niya rin ang pagkakamali siya na nagpadala siya sa galit at naniwala kay Alexa kaya nangyari ang lahat ng bagay na 'yon.

Halos limang taon siyang walang balita sa asawa dahil kahit anong pilit niyang mag hire ng isang magaling na imbestigador ay wala itong nairereport sa kanya, iniisip niya na may pumipigil sa mga ito sa malaman niya kung nasaan ang asawa o kung anong nangyayari sa kanyang asawa. Hindi niya lang alam kung sino ang mga ito, kung pamilya niya ba o pamilya ni Jewel, hindi na siya nag atubili pang maghire ulit ng private investigator dahil alam niyang magsasayang lang siya dahil may haharang lang din naman dito.

Sa mga taon na wala ang asawa niya ay saka niya narealized kung gaano ito kahalaga sa kanya. Naaalala niya kung paano siya nito minagal at inalagaan kahit puro sakit at pagmamalupit ang ginanti nito sa kanya. Hindi mahira mahalin ang usang Jewel Mercyl, bata pa lang ay kilala niya na ang dalaga dahil magkakaibigan ang mga magulang nito at naging magkaibigan din sila. Nag iba lang ang pakikitungo niya dito ng mangyari ang arrange marriage nila, iniisip niya na kagagawan ito ng dalaga dahil matagal na itong may gusto sa kanya. Nasa isip niya na dahil dito ay matatali na siya sa isang kasal at mawawala na ang pagiging binata niya.

Hanggang sa isang araw nagising na lamang siya na gusto niyang ayusin ang buhay niya. Ipinatapon kasi siya ng kanyang ama sa hacienda nila at doon na muna nanatili dahil napababayaan na nito ang kanilang kompanya, gusto ng ama niya na ayusin niya muna ang sarili niya para pag nagkita ulit sila ni Jewel ay may mukha na siyang maihaharap dito.

Lumipas pa ang maraming taon ay nalaman niya sa kaibigang si Cain na uuwi dito sa Pilipinas si Jewel, labis ang galak na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Nalaman niya rin sa kaibigan na may tinayong restaurant si Jewel sa Canada at sikat ito roon, at dahil doon ay nakaisip siya ng plano. Kahit pa sabihing nakakatawa o napakachildish ng planong ito ay gagawin niya. Kinausap niya si Celine na pinsan ni Dark para sa kanyang plano na mag inquire sa restaurant at magpanggan na magpapacater sila sa kasal nila. Noong una ay ayaw pa sana ni Celine pero nakalunan ay napapayag niya din.

Noong isang gabi na dumaan siya sa isang sikat na bar ay hindi niya inaasahan na makikita niya doon si Jewel, labis na nag init ang kanyang ulo ng makitang sumasayaw ito sa gitna ng dance floor habang pinagpipyestahan ito ng mga lalaki kaya wala siyang sinayang na sandali at agad itong nilapitan at hinila palabas, noong una ay nagalit pa ito sa kanya ay sinigawan siya pero dahil sa lasing na ang dalaga ay nagawa niya itong maiuwi.

Ngunit kinabukasan habang natutulog pa si Jewel ay naligo muna ito, gusto niyang kausapin ang dalaga pga nagising na ito, pero mukhang mali ang desisyon niyang iyon ng paglabas niya sa banyo ay wala na ito sa kama. Mabilis siyang lumabas ng kwarto at nagbabakasali na nandoon lang ito pero wala siyang nakita na Jewel. Dismayado man ay wala siyang nagawa, dahil alam niyang magkikita pa rin sila

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon