Chapter 53

909 16 0
                                    

Tanghali na ng magising si Jewel, pagmulat ng kanyang mata ay bumungad sa kanya ang asawa na nakaupo sa gilid ng upuan. Agad naman siyang bumangon, "Anong oras na? Kanina ka pa ba gising?" tanong nito.

"Magtatanghalian na, hindi na kita ginising kanina kasi alam kung puyat ka. Maligo kana para makababa na tayo at kanina pa sila naghihintay."

"Hindi ka nag breakfast?" tanong ulit nito

"Bumaba na ako kanina, hinahanap ka nga ni Calli ang sabi ko tulog kapa."

Tumango naman si Jewel at tumayo na para makapag ayos. "I'll take a quick shower hon." saad nito

"Take your time hon, huwag mo lang tagalan at anong oras na hindi kapa nakakakain."

Halos 30 minutes din ang ginugol ni Jewel bago siya makapag ayos. Paglabas niya sa banyo ay nadatnan niya ang kanyang asawa na nakahiga sa kama. Agad niya itong nilapitan, "Hon I'm done," aniya

Bumalikwas naman ang binata at ngumiti sa kanya. "Let's go." at tumayo na ito.

Nang makarating sila sa restaurant ay natanaw agad nila ang apat na busy sa pagkwekwentuhan maliban na lang kay Monique na tahimik pero nakikitawa rin minsan. Hinawakan ni Thunder ang kanyang kamay at sabay na silang naglakad papalapit sa mga ito.

"Ang tagal niyo naman," pabungad tanong ni Calli sa kaibigan

"Tinanghali kasi ako ng gising," maiksing sagot nito

"Eh bakit si Thunder naman kanina kasama namin magbreakfast."

Bigla naman nakaramdam ng hiya sa Jewel dahil sa sinabi ni Cain kaya napayuko ito ay mahigpit na kumapit sa braso ng asawa, at mukhang nahalata naman ito ni Thunder kaya iginaya niya ito sa pa upo.

"Huwag kana masyadong matanong Calli, baka masyadong pinagod 'yan ni Thunder kaya hindi nagising ng maaga," pang aasar ni Cain

Agad naman silang umorder ng kanilang makakain, hindi naman din nagtagal ang paghihintay nila dahil agad din namang dumating ito.

Habang kumakain sila ay biglang nagtanong si Thunder. "Nasaan pala si Phia? Hinatid mo ba siya kagabi Cain?"

"Oo hinatid ko siya sa suite niya, nakasalubong ko pa nga si Dane. Ang alam ko umuwi na sila kanina tumawag si Phy."

"Wow! Ang updated mo naman Cain, anong meron?" pang aalaska ni Dark at binatukan naman ito ni Calli.

"Since last day na natin ngayon kaya mag swiswimming na tayo, Yepey!" tuwang tuwang saad ni Calli na sinang ayunan naman nilang lahat.

"Ang balita ko may bagong bukas na bar daw dito malapit sa resort punta tayo mamayang gabi?" anas ni Cain

"Pwede din naman," sang ayon ni Dark at tumango naman ang iba pa nilang kasamahan.

Matapos nilang kumain ay nagsimula na silang magswimming kagaya ng pinag usapan nila, ang mga babae ay magkasama na nasa pool maliban kay Calli na nakaupo lang sa gilid at tanging paa niya lang ang iniluloblob niya. Ang mga lalaki naman ay nakaupo lang malapit sa kanila at nag iinuman.

"Anong plano mo, Cain?" biglang tanong ni Dark sa kalagitnaan ng kanilang pag iinom.

"Plano saan?" takang saad nito

"Don't be stupid! Alam mo naman kung ano ang tinutuloy ni Dark. It's about Monique," segunda naman ni Thunder

"What about her?"

"Wala ka bang planong ayusin ang tungkol sa inyo? You know, you are being too harsh to her," saad ni Dark

"Ano pa ba ang dapat ayusin? Wala na naman diba? Matagal ng tapos."

"Sinabi mo naba sa kanya na tapos na kayo? Baka naman kasi nung huli kayong nag usap 'yon lang pero walang klaro na tapos na kayo," sabat ni Thunder

"Bakit ba siya ang pinag uusapan? Hindi naman kailangan pag usapan ang bagay na 'yan kasi wala din naman patutunguhan."

Nagtinginan naman ang dalawa at nagkibit balikat na lang, kilala nila ang kaibigan pag galit ito galit talaga ito at lalo na pinakaayaw niya sa lahat ang ay mga taong sinungaling lalo na kung nagpapakatotoo siya rito.

Sa kabilang dako naman ay umahon sina Jewel at Monique at tinabihan si Calli na umuupo sa gilid habang umiinom ng juice.

"Ahm, Monique huwag mo sanang masamain ah pero kayo pa ba ni Cain?" tanong ni Calli

Inilapag muna ni Monique ang hawak niyang wine at saka tumingin sa dalaga. "To be honest, hindi ko din alam kung may kami pa. Hindi pa naman kami nakakapag usap ulit dahil ayaw niya akong kausapin. Ayaw ko naman na pilitin siya kasi baka mas lalo lang siya magalit," malungkot na tugon nito

Hinaplos naman ni Jewel ang likod ng dalaga. "Everything will be alright. Alam kung mawawala din ang galit sayo ni Cain."

"Tama si Mercyl mapapatawad ka din no'n, intindihin mo na lang muna sa ngayon sariwa pa kasi sa kanya ang nagawa mo. Knowing Cain ayaw niya kasi ng gano'n na ugali kaya hindi na nakakapagtaka na galit siya sayo, ang kaso masakit talaga siya magsalita kaya kayanin mo." sabi naman ni Calli

Tumango naman si Monique at ngumiti. "Kaya nga eh, hindi lang ako sanay na gano'n siya kasi hindi ko pa naman siya nakita kung paano magalit pero ngayon alam ko na, pero ayaw ko din paasahin ang sarili ko na magiging maayos pa kami o kaya kung may kami pa, mahirap masaktan masyado na akong kota." aniya

Natawa naman ang dalawa dahil sa tinuran ni Monique, sa totoo nga niyan ay hanga sila sa tibay ng loob nito dahil kung ibang babae siguro ang tratuhin ng gano'n ni Cain ay umalis na pero siya natiis niya pa rin ang ugali na pinapakita sa kanya ni Cain at piniling manatili kasama sila.

Sa kabilang banda naman ay nanggagalaiti ang isang babae dahil sa nakikita niyang larawan na naka upload, hindi niya matanggap na ang mga taong kinamumuhian niya ay nagsasaya habang siya ay nakakulong.

Iniisip niya na hindi pwedeng ganito na lang, kailangan niya gumawa ng paraan para makatakas sa lugar na ito, hind siya pwedeng maging talunan.

'Kung iniisip niyo na papayag akong ganito, pwes nagkakamali kayo hindi kayo pwedeng maging masaya habang ako nagdurusa,'- isip nito

Maya maya pa ay itinago niya ang kanyang hawak na phone dahil pumasok ang isang nurse, sumilay naman ang ngiti sa kanyang labi ng may nabuo sa kanyang plano.

"Ms. Margaux kailangan mo ng uminom ng gamot," nakangiting turan ng isang nurse.

Habang abala ito sa pag aayos ng gamot ng dalaga ay hindi niya napansin na tumayo si Margaux, mabilis niyang kinuha ang isang flower vase at pinukpok sa ulo ng nurse, nawalan agad ito ng malay.

Hinila niya ang nurse papunta sa loob ng banyo at saka niya ipinapalit ang kanilang suot. Agad niyang iniwan sa loob ang walang malay na nurse habang siya ay dali daling lumabas ng silid at naglakad na parang wala lang.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon