Chapter 73

597 11 0
                                    

Jhazzy POV

Nandito kami ngayon ng anak ko kasama si Thunder, halos tatlong linggo na simula ng nagpakilala ako sa kanya kasama ang anak niya at hindi naman ako nagkamali dahil ginagawa niya naman ang lahat ng sinasabi ko. Alam kung takot siya malaman ng asawa niya ang tungkol sa amin kaya kailangan gawin ko na ang lahat para mapaghiwalay sila.

Nagshopping lang kami at binili ang mga gusto ng anak ko, ang swerte din talaga ni Jewel dahil nasa kanya na ang lahat. Well, hindi ko naman kailangan ng pera dahil meron din naman ako no'n ang kailangan ko ay si Thunder.

Habang kumakain kami sa isang restaurant ay binasag ko ang katahimikan na namamayani sa amin. "Mabuti naman at tinanggap mo na anak natin." anas ko.

"Walang kasalanan ang bata sa kung ano man ang nangyari sa nakaraan but don't expect too much dahil sa bata lang ako may pakialam." madiin na wika nito.

"I wonder how your wife will react kapag nalaman niya ang tungkol sa anak mo sa akin." nakangising turan ko.

"Don't you dare! Hindi mo alam ang kaya kung gawin kapag nasaktan ang asawa ko ng dahil sayo."

"How sweet! Sa pagkakatanda ko noon ay galit na galit ka sa kanya at sinasaktan mo pa ito. You despise her so much kaya nga may nangyari sa atin eh. Why sudden change Thunder?" wika ko.

"It's non of your fucking business! Leave my wife alone."

Hindi na ako nagsalita pa, pero sisiguraduhin kung malalaman ni Jewel ang lahat. Tingnan natin kung hindi ka iwan ng asawa mo at 'yon ay magiging pabor sa akin dahil tuluyan na kitang makukuha.

Pagkatapos naming kumain ay nagyaya na si Thunder na umuwi, kaya wala na akong nagawa kung hindi ang pumayag na lang. Hinatid niya kami sa condo.

"Thank you papa for this day." nakangiting turan ng anak ko sa kanya.

"Welcome." maiksing sagot niya naman at hinalikan ang anak ko sa noo.

Alam ko na darating ang araw na mamahalin niya din ako at sisiguraduhin ko na hindi na siya mababawi ni Jewel.

Nagpaalam na siya at sumakay sa kanya kotse, nakita ko pang may tinawagan siya at sigurado akong asawa niya 'yon. Sige lang dahil sa susunod ay magiging akin ka din Thunder.

Kung inaakala niya na makokontento ako sa ganito ay hindi. Kailangan ko makuha si Thunder ng buo at mangyayari lang 'yon kapag nawala sa landas namin si Jewel. At may naisip na ako kung paano mangyayari 'yon, kailangan niyang malaman na may anak sa iba ang asawa niya.

Thunder POV

Kakahatid ko lang sa kanila Jhazzy sa tinutuluyan nilang condo, sa totoo lang ay naiirita ako sa kanya lalo nasa kinikilos niya kapag magkasama kami umaakto na akala mo ay asawa ko.

Ilang beses ko ng tinawagan ang kaibigan ko na inuutusan ko sa pag imbestiga sa babaeng ito pero hindi pa siya tapos kumalap ng impormasyon, mukhang pinaplanuhan ng babae na ito ang lahat bago magpakita sa akin. Alam kung may kaya din si Jhazzy kaya nahihirapan ang inutusan ko.

Kaya kahit na ayaw ko man ay pinagbibigyan ko ang gusto niya at hinahayaan ko na tawagin ang papa ng anak niya mas mabuti na itong nakakasama ko sila para mabantayan ko ang bawat kilos ni Jhazzy at para na din masigurado kung hindi niya kakausapin ang asawa ko.

Gusto ko man sabihin kay Jewel ang lahat pero ayaw ko muna hangga't wala akong hawal na patunay na hindi ko anak ang batang 'yon. Ayaw ko na mas magkagulo pa at madamay ang pamilya ko.

Ipinark ko sa garahe ang kotse ko at pumasok na, naabutan ko ang asawa ko na nakaupo sa sala. Ng makita niya ako ay ngumiti ito at tumayo para halikan ako.

"Mukhang pagod ka ah." anas nito.

"Madami lang ginawa sa office hon." sagot ko naman.

"Baka naman kasi masyado kang nagpapakapagod, magpahinga ka din minsan hon, hindi naman aalis 'yang trabaho mo. Gusto mo bang kumain? May niluto ako tapos imamasssage na lang kita mamaya."

Ngumiti naman ako at niyakap siya. Hindi ko kaya mawala ang asawa ko, minsan na akong nagkamali noon at hindi ako papayag na masira pa ang pamilya ko.

"Why?" tanong niya ng kinalas ko na ang pagyakap sa kanya.

"Nothing, I just miss you."

"Are you sure? Nitong mga nakaraan na araw ay napapansin ko na parang ang lalim ng iniisip mo. Maya problema ba? You can tell it to me."

"Huwag kana mag isip ng kung ano ano diyan, sadyang marami lang ginagawa sa opisina."

"Ikaw talaga, halika na at ipaghahain kita."

Pumunta naman ako sa dining art umupo habang siya ay dumiretso ng kusina at kinuha ako ng makakain.

Jewel POV

Ng matapos kung makapaghain ay nagsimula ng kumain ang asawa ko, nagpaalam naman ako sa kanya na aakyat na sa taas para ayusin ang pampaligo niya. Minsan nagtataka na ako sa kinikilos ni Thunder. Sa loob ng tatlong linggo at madalas itong balisa at malalim ang inisip.

Ilang beses ko na din siya sinubukan tanungin kung may bumabagabag ba sa kanyang isip pero palagi niya naman sinasabi sa akin na wala at dahil lang sa trabaho.

Pagkatapos kung mahanda ang pampaligo ni Thunder ay naisipan kung tawagan ang kaibigan ko na si Calliyah dahil ang tagal na nito na hindi ko nakakausap, hindi ko alam ang nangyayari sa buhay ng bruhang 'yon.

"Hello!"

"Hoy babae, kamusta ang buhay mo?" tanong ko dito.

"Maganda pa din naman ako at walang pinagbago."

"Ewww ha, mabuti hindi ka pa iniiwan ni Dark." pang aasar ko.

Nag usap pa kami ng ilang minuto bago tinapos ang tawag. Mayamaya pa ay bumukas na ang pinto at inuluwa no'n ang asawa ko.

"Pwede kana maligo, nahanda ko na 'yon." saad ko.

"Thank you hon." sagot naman nito at dumiretso na sa banyo.

Naupo lang ako sa kama habang hinihintay ang asawa kung matapos, hindi din nagtagal ay lumabas na ito sa banyo ng naka topless at tanging ang pang ibaba niya lang ang natatakpan ng tuwalya.

"May damit kana sa banyo ah, bakit hindi mo pa sinuot?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti naman ito ng nakakaloko. "Hindi ko na kailangan magdamit kung huhubarin din naman." anas niya.

Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Parang gusto ko ng dessert hon." wika niya at sabay halik sa akin.

Sino ba naman ako para tanggihan ang asawa ko diba? 

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon