Chapter 48

961 17 0
                                    

Kevin POV

"Are you sure Miss na dito talaga dinala no'g sinasabi mong babae ang pamangken ko?" tanong ni Kevin.

"I'm sure of it." sagot naman ng dalaga.

"I hope that this is true, we trust you this time kahit na may ginawa kang mali sa pinsan ko."

"Let her Kev, kaibigan niya si Margaux kaya siguradong alam niya kung nasaan 'yon. After all plano naman nilang lahat ng 'to," pagsingit ni Cain.

Masakit man para sa dalaga pero ipinagsawalang bahala niya na lang ito. Alam niya sa sarili niyang gusto niyang tumulong kanila Jewel para sa anak din nito.

"We need to prepare, pupuntahan na natin ang lugar na sinabi ni Monique paea mailigtas na si Storm," sabi ng isa sa leader ng mga pulis.

"Let's go," sabat naman ni Kevin.

Mabilis na tumayo ang mga kalalakihan para mag asikaso sa pag alis nila. Hindi na sila nagsayang pa ng oras at sabay sabay na lumabas.

"Hon, huwag kana sumama. Kami ng bahala sa anak natin," pagpigil ni Thunder sa asawa.

"No, gusto kung sumama. Hindi mapapanatag ang loob ko pag nandito lang ako at maghihintay. Please, Thunder hayaan mo akong sumama."

Walang nagawa si Thunder at hinayaan na lang na sumama ang asawa, dahil alam niya na kahit hindi siya pumayag ay magpupumilit lang ito.

Halos isa at kalahating oras ang naging byahe nila, labis ang kaba na nararamdaman ng mag asawa. At ngayon ay narating na nila ang gusali na sinasabi ni Monique.

"Stay here hon, huwag na huwag kayong lalabas dito ni Monique, masyadong mapanganib," habilin ni Thunder sa dalawang babae na nasa sasakyan.

Tumango naman si Jewel habang si Monique ay tahimik lamang. Agad na lumabas si Thunder kasabay ni Cain, hindi sumama si Dark dahil hindi niya pwedeng iwan si Calli.

Pagkalipas ng sampung minuto ay binuksan ni Jewel ang sasakyan.

"Where are you going?" tanong ni Monique.

"Hindi ako mapakali kasi, kailangan kung sundan sila Thunder," sagot nito

"What? Nasisiraan kana ba ng bait? Ang sabi ni Thunder maiwan tayo dito." pigil sa kanya ng dalaga.

"Sandali lang ako babalik di ako kaagad."

"I'll come with you," anas ni Monique at bumaba na rin sa sasakyan.

Maingat na tinahak nila ang daan kung saan kanina sila Thunder.

Habang naglalakad sila ay nakarinig sila ng putukan kaya hinila siya ni Monique para magtago sa gilid. Maya maya pa ay natigil ang putukan kaya naglakad na naman sila ulit, bawat madaanan nila ay may mga nakahandusay.

Maya maya pa ay nagsimula na naman ang putukan kaya napatakbo silang dalawa at hindi nila namalayan na nagkahiwalay na sila ng landas na tinatahak. Nadaanan niya ang isang silid na nakasara at hindi niya na sana ito papansinin ng bigla siyang makarinig ng iyak, agad siyang lumapit sa pinto at napagtanto na boses 'yon ng kanyang anak.

Mabilis na binuksan niya ang kwarto para hanapin kung nasaan si Storm. Pagbukas niya pa lang ay tumambad sa kanya ang anak na nakaupo sa isang upuan at nakatali ang mga kamay at paa nito.

Hindi niya mapigilan ang kanyang luha ng makita ang kalagayan ng anak, halata sa mga mata nito ang labis na takot at alam niyang magkakaroon ito ng epekto sa anak. Wala na siyang sinayang pa na mga oras at lumapit sa kanyang anak at kinalagan ito, pagkatapos niyang matanggal ang tali ay niyakap niya ito mahigpit.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon