Chapter 23

2.1K 34 5
                                    

Mabilis lumipas ang tatlong at nandito ngayon sa airport sina Jewel at Monique dahil ito ang araw na aalis si Cain pabalik ng Pilipinas. Noong una ay ayaw na ng binata na hinatid pa siya ng dalawa pero sadyang mapilit si Jewel kaya sa huli ay wala na rin siyang nagawa kung hindi ay pumayag.

"So, this is it! Iiwan ko muna kayong dalawa, kailangan ko ng bumalik sa trabaho. Huwag niyo masyadong mamiss kgwapuhan ko." panimula nito habang kaharap ang dalawa.

Napa face palm na lang si Monique dahil sa pagiging mahangin ng binata. "Minsan bawasan mo nga ang kakapalan ng mukha mo Cain." aniya

"Sus if I know mamimiss mo ako Nique." pang aasar pa nito

Inirapan lang siya ng dalaga at bumaling kay Jewel. " Magpaalam kana nga diyan para makaalis na 'yan, masyadong nakakabanas na ang pagmumukha eh."

Natawa na lang si Cain dahil sa inasta ng dalaga, naglakad ito papalapit sa kaibigan. "Be safe always Jew, ingat kayo ni baby. Always update me." bilin nito sa kanya.

"Don't worry about me and the baby Cain. Mag iingat kami pareho, mag focus kana muna sa mga dapat mong ayusin sa Pilipinas."

Nag usap pa silang tatlo ng ilang minuto bago tawagin ang flight ng binata. Ayaw niya man na iwan ang kaibigan pero kailangan niyang umuwi dahil may kompanyang naghihintay sa kanya at isa pa kailangan niya pang kausapin ang mga kaibigan.

Saglit na nagpaalam ito sa dalawang dalaga at agad na naglakad paalis.

Jewel POV

Pag alis ni Cain ay umalis na din kami at nagpasyang pumunta muna sa mall.

Masayang kasama si Monique, hindi ka makakaramdam ng boring. Ilang botique shop ang pinasukan namin, noon una ay gusto niya pang bumili ng mga gamit at damit para sa baby ko ayaw ko sanang pumayag dahil marami ng nabili si Cain pero sadyang mapilit siya kaya hinayaan ko na lang.

Halos inabot din kami ng dalawang oras sa kakaikot mabuti na lang at nakikisama ang baby ko dahil hindi ako nakakaramdam ng pagod.

At dahil mag aalas dose na ng tanghali ay nagpasya kaming kumain sa isang seafood restaurant, ako ang nagsuggest kay Monique na dito kumain dahil bigla akong nakaramdam ng cravings, mabuti na lang at mahilig din pala ito sa pagkaing ganito.

Hindi din naman kami naghintay ng matagal dahil makalipas lang ang halos sampung minuto ay dumating na din ang inorder naming pagkain.

Habang kumakain kami ay napansin ko ang pagtigil ni Monique habang nakatingin sa isang dish na nakahain sa mesa.

"What's wrong Monique?" I asked

Agad naman itong umiling. "Naalala ko lang kasi ang boyfriend ko he loves seafoods also, lalo na 'yong hipon."

"Pareho din pala sila ng bestfriend ko, paborito niya rin ang ganito. Madalas nga kami kumakain sa mga seafoods restaurant, minsan kasama namin si Calliyah na kaibigan din namin."

"Nasaan na siya ngayon? Alam niya na ba ang kalagayan mo?" tanong ni Monique habang kumakain

Umiling naman ako biglang sagot. "Wala na siya, he died three years ago, 'yon ay dahil sa akin. Niligtas niya ako noong mga panahon na 'yon."

Napansin ko ang panginginig ng kamay ni Monique at mabilis na pagpikit ng kanyang mga mata. "Hey, are you okay?

Idinilat niya ang kanyang mga mata at bumuntong hininga. "Ah yes yes, Sorry about it. " She replied while smiling

"Akala ko kung napano ka, bigla ka kasing tumigil " Kako

"Don't mind me, may iniisip lang ako kaya gano'n." aniya

Tumango naman ako. "Eh 'yong boyfriend mo, nabanggit mo sa akin nakaraan na namatay siya. Anong dahilan? Pero kung ayaw mong pag usapan ay ayos lang." tanong ko

"He save someone, at dahil doon namatay siya. Binuwis niya ang buhay niya sa taong 'yon." mapait na wika niya

Ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binitawan niya, kung sa akin siguro nangyari 'yon ay baka hindi ko din kayanin.

"Ang bait naman niya, pinili niyang iligtas ang iba kaysa sa kanyang sarili." kako

Ngumiti naman ito ng pilit, hindi na lang ako umimik at nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos kami ay dumaan muna kami sa isang sweet cafe. Nagtake out lang kami at agad ding umuwi.

Hinatid lang ako ni Monique sa condo kung saan ako nag iistay at umalis din siya agad dahil may kailangan pa siyang puntahan.

Ngayon na nandito na ako sa suit ay nakaramdam ako ng pagod kaya naupo muna ako sa sofa at binuksan ang tv para manood.l ng k-drama.

Kinuha ko din ang aking laptop na nakapatong sa mesa at binuksan ito, pagbukas ko pa lang ay bumungad sa akin ang tawag ni Cain sa skype. Mabilis ko itonng pinindot.

"Finally sinagot mo na rin, I've been calling you several times simula ng dumating ako dito." bungad nito sa akin.

"Kakauwi ko lang Cain, nag mall kasi kami ni Monique. Anyway how was your trip?" tanong ko rito

"Pinagod kana naman ni Nique, 'yang babae na yan talaga oh. Kakauwi ko lang, pagkadating ko rito ay dumiretso agad ako ng kompanya." sagot naman nito

"Magpahinga kana muna Cain, kailangan mo 'yon. I'll just sleep also medyo napagod kasi ako kakaikot kanina."

"I will, tinawagan lang kita. Magpahinga kana din." sabi nito

Hindi din nagtagal ang pag uusap namin, alam kung pagod din ito. Cain is really a sweet person. Kahit na nasa Pilipinas siya ay hindi pa rin siya nakakalimot kamustahan ako, kahit ilang oras pa lang simula noong umalis siya. Ang swerte ng babaeng mamahalin niya.

Pagkatapos naming mag usap ay tumayo na ako at dumiretso sa aking kwarto para maligo at magpalit ng damit.

Halos 30 minutes din ang itinagal ko sa comfort room bago tuluyang lumabas at naupo sa kama. Bigla kung naramdaman na parang may pumitik sa aking tiyan, agad kung hinimas himas ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na may isang sanggol akong dinadala at ilang buwan na lang ay magiging ganap na ina na ako, kung sana naging maayos ang pagsasama namin ni Thunder sana buo at masaya kami ngayon.

Agad kung iwinaksi sa isipin ko ang tungkol doon, hindi ko na dapat iniisip pa 'yon dahil malabo na mangyari ang bagay na 'yon at nakaraan pa naayos ang pag file niya ng annulment at may pirma niya na rin 'yon bago pa maipadala kay Thunder kaya sigurado siyang pinirmahan na rin ito ng asawa kaya alam niyang wala ng bisa pa ang kasal nila.

Sa kabilang dako may isang babae na prenteng nakaupo sa isang garden hawak hawak ang basong may lamang alak.

'It's been a year since you left us, you left me and until now I'm still longing for your presense. I miss you kuya. I really do.'- bulong nito at sumimsim ng alak.

Bumaling siya sa isang litraro na nakalapag sa mesa, mabilis niya itong kinuha at tinitigan ng mabuti. Agad na nag iba ang timpla ng kanyang mukha dahil sa babaeng nasa litrato. Bakas sa kanya ang galit at magkamuhi.

'Magkikita din tayo Jewel at pag nangyari 'yon sisigiraduhin kung pagbabayaran mo ang lahat. Ipaparanas ko sayo ng doble ang sakit na naranasan ko, ng dahil sayo nawala ang isa sa importanteng tao sa buhay ko.' mahina ngunit may diin na turan niya sa litrato at mabilis niya itong nilukot at itinapon sa basurahan.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon