Chapter 27

2.1K 36 1
                                    

Pagkarating niya sa kanilang bahay ay mabilis agad siyang bumaba ng taxi. Hanggang ngayon ay inis na inis pa rin siya pag naiisip kung sino ang nakasama niya sa condo na 'yon.

Pagpasok niya sa kanilang bahay ay agad itong dumiretso sa kanyang kwarto para makaligo at makapagbihis pero bago iyon ay dumaan muna siya sa kwarto ng kanyang anak para silipin ito at nakita niyang mahimbing pa itong natutulog. Agad niyang isinara ang pintuan ng kwarto ng anak.

Pagkatapos niyang mag ayos ng sarili ay bumaba ito, naabutan niyang kumakain ang kanyang mga magulang kaya agad siyang umupo para saluhan ang mga ito.

"Goodmorning Jewel, nasaan ka kagabi? Bakit hindi ka umuwi?" tanong ng kanyang ina

"Goodmorning mom, dad! Kasama ko si Calleigh kagabi nagbonding lang kami, you know matagal ding hindi kami nagkita, hindi ko namalayan ang oras kaya sinabi niyang doon na lang ako magpalipas ng gabi. I'm sorry kung hindi ako agad nakatawag para ipaalam sa inyo." paliwanag niya

Agad namang tumango ang kanyang mga magulang sa sinabi nito.

Habang kumakain siya ay napansin niya ang pagtitig sa kanya ng ama. "Bakit dad? May gusto ba kayong sabihin?" tanong nito

"About what you said yesterday, are you really sure about it? Napag usapan kasi namin ng mom mo na dito na lang pag aralin si Storm." diretsong turan ng ama nito

Bigla siyang nakaramdam nv kakaibang lungkot. Iniisip niya pa lang na maiiwan ang kanyang anak dito ay parang may pumitik na kung ano sa kanyang dibdib. Gusto niya man na tumutol pero parang may pumipigil sa kanya.

"If that's what you want, then it's fine with me." sagot nito

Mabilis naman na nagkatinginan ang kanyang mga magulang na halatang nagulat sa sinagot nito.

Natapos ang almusal nila at agad na tumayo si Jewel ay umakyat na. Pumasok ulit ito sa kwarto ng kanyang anak na hanggang ngayon ay tulog pa rin.

Umupo siya sa gilid ng kama nito at nanatiling nakatitig lamang sa anak. Alam ng anak ang totoong nangyari sa pagitan niya at ng kanyang ama na si Thunder, matalino ang anak niya kaya madali nito naintindihan lahat. Ilang minuto pa ang lumipas bago napagpasyahan ni Jewel na lumabas na, kinuha niya ang kanyang laptop ay dinala sa swimming pool area.

Gusto niyang tingnan ang mga sales ng restaurant na pag mamay ari niya sa Canada, inabot ng h
ilang oras din ang ginugol niya sa trabaho at hindi namalayan na mag aalas dos na ng tanghali. Iniligpit niya ang kanyang mga gamit ng biglang may maliit na kamay ang humawak sa kanyang kamay.

"Mom this is for you." nakangiting turan ng anak sabay bigay sa kanya ng hawak hawak nitong baunan na may laman na cookies.

"Grandma help me to bake that, she said na mahilig ka sa cookies." dagdag nito

"Thank you for this Storm, did you eat your lunch already?" She asked

"Yes mom, I already finish eating."

"That's good. Always don't skip your meal, okay?"

Agad naman tumango ang bata. "Eat that cookies mom, Don't stress yourself to much especially in work. I love you mom." sabi nito sabay alis pabalik sa loob ng bahay

Tinitingnan niya lang ang anak hanggang sa tuluyan na itong makapasok. Kahit na may pagkasuplado ito minsan ay sweet ito sa kanya at maalaga.

Natigil lang ang kanyang pag iisip ng mag ring ang kanyang cellphone, agad niya itong kinuha para sagutin.

"Hello, what is it Julie?" she asked

Julie is one of the manager in her restaurant. Pinay din ito kaya labis na lang ang tiwala niya rito.

"I've been calling you since yesterday Ma'am, pero hindi ka sumasagot. Meron kasi tayong client na gusto nila na kunin tayo para sa wedding na gaganapin. Mukhang mayaman ang ikakasal dahil ang restaurant pa natin ang gusto nilang mag cater sa kasal, they want to talk to you in person." pahabang litanya nito

"Alam ba nilang nasa Canada ang main branch ng restuarant natin? Walang mag aayos niyan diyan dahil hindi pa ako nakakabalik. Hindi ko sila makakausap ng personal." kako

"Don't worry about it Ma'am the client is form the Philippines and I'm sure you can meet and talk to them." sabi nito

"Them? At bakit pinili pa nila ang restauranr natin, alan naman nilang nakabase tayo sa Canada at nagpaplano pa lang na magtayo ng branch dito." wika ko

"Yes ma'am she's with her fiancee. Iyon yata ang gusto ng ikakasal kaya kahit na nasa Canada tayo ay gusto nilang amg restaurant natin ang mag cater at willing silang magbayad kahit magkano." pagpapaliwanag nito

"That's weird. Anyway just schedule the meeting tomorrow if they are free para makausap ko sila." kako.

Kinabukasan ay maagang nagising si Jewel dahil may meeting ito sa kliyente na gustong magpacater sa kanila. Hanggang ngayon hindi niya pa rin maintindihan kung bakit sila ang napili ng mga ito gayung marami namang magagandang restuarant dito sa Pilipinas. Well, hindi naman lingid sa kaalaman niya na kilala din ang restaurant niya halos puro professional chiefs din ang mga nagtatrabaho dito kaya hindi na siya magtataka kung pati dito sa Pilipinas ay alam ang restaurant niya, mas pabor iton sa kanya dahil nagpaplano naman siyang magpatayo ng branch dito.

Nag ayos lang siya ng simple at nagsuot ng peach sleeveless dress at pinatungan ito ng blazer. Nagsuot din siya ng kulay black na heels. At ng makasiguradong maayos na siya ay kinuha niya na ang kanyang bag at isang folder na naglalaman ng mga sample menu nila na pwedeng pagpilian ng ikakasal.

Hindi din nagtagal ay nakarating siya sa isang cafe kung saan sila magkikita ng kliyente. Dumiretso siya kung saan ang reservation na sinabi sa kanya ni Julie.

Nang makarating siya room ay nakita niya ang isang magandang babae na nakaupo roon na animo'y may hinihintay, agad niya itong nilapitan.

"Hi Ms. Suarez goodmorning. I'm Jewel the owner of Storm Fancy Restaurant." nakangiting bati niya dito

"Goodmorning, it's nice to finally meet you. Have a seat. Let's order first before we talk." pabalik bati naman ng babae

Umupo naman si Jewel at agad na may lumapit sa kanilang waiter. Umorder sila ng makakain nila at hinihintay na lang ito na dumating.

"I heard to much about your restaurant. My mom used to be in Canada for business and she said that your dishes and desserts are the best." panimula ng kanyang kliyente

"I think your mom is one of the VIP there. Kahapon lang din ako tinawagan ng manager slash sekretarya ko about sa inyo and I never thought na nandito ka pala sa Pilipinas. So I was overwhelm na gusto niyo na kami ang mag cater sa kasal niyo, napapaisip ako kasi mas maraming kilala at sikat na mga restaurant dito pero mas pinili niyo pa rin kami, knowing na nasa Canada ito." saad ni Jewel

"Well, I want my wedding to be the best. Kaya nagresearch talaga ako ng magagandang resturant and it happened na mom recommend your restuarant to me." anas ng babae.

Here's the folder kung saan ang mga best sellers namin na pagkain at desserts ay nandiyan para mas marami kayong pagpipiliian.

"Oh that's nice. Is it okay kung hihintayin mo na natin saglit ang fiancee ko? He will be here in any minute." the girl said.

"Sure no problem Ms. Suarez." nakangiting sagot naman ni Jewel

Maya maya pa ay dumating na ang kanilang order kaya nagpasya muna silang kumain habang hinihintay ang fiancee ng dalaga.

Habang kumakain sila ay patuloy nilang pinag uusapan ang mga pagkain.

"Ahm, Jewl can you choose me about the foods and desserts? You know, mas may tiwala ako sayo dahil ikaw ang owner nito. I know you will recommend best dishes to us." hinging pabor ng dalaga

"Sure, Ipapakita ko sayo yung mga best desserts namin na alam kung magugustuhan niyo at ng mga bisita ninyo." nakagiting tugon nito

Nasa kalagitnaan na sila ng pag uusap ng biglang may nagsalita sa likuran ni Jewel.





Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon