Chapter 94

1.4K 17 2
                                    

Nang matapos na silang kumain ay inayos na ni Thunder ang kanilang mga gamit na dadalhin sa kotse. Hindi naman sila aalis papuntang ibang bansa kung hindi ay dito lang din sa Pilipinas sa isang resort kung saan iniregalo sa kanila ng mga magulang para magkaroon daw naman sila ng oras sa isa't isa.

No'ng una ay ayaw pa nila itong tanggapin dahil hindi na naman nila kailangan 'yon dahil ilang beses na din naman silang umaalis na sila lang at minsan naman ay kasama ang kanilang mga anak pero mapilit lang ang mommy ni Jewel kaya sa huli ay pumayag na din sila.

"Oh paano ba 'yan iiwan na muna kayo namin at baka pagbalik namin tatlo na kami." pagbibiro ni Thunder na ikinawa nilang lahat.

Agad naman siyang hinampas ni Jewel. "Akala mo ang dali lang, ikaw kaya ang manganak para maranasan mo."

Nagpaalam na sila sa mga magulang at mga kaibigan nila, ang huli ay sa anak nila. "Be a good boy Storm huwag kang pasaway sa lola at lolo mo okay? Minsan nandito naman ang mga tita at tito mo. 3 days lang kaming mawawala." anas nito sa anak na lalaki.

"Yes mom, no need to worry. I know my limitations po. And I'm already a bigboy." sagot naman nito.

"Ikaw na muna ang bahala sa kapatid mo ha? Like what you said malaki kana tandaan mo ang lagi kung sinasabi sa'yo. So be responsible." dagdag naman ng ama niyang si Thunder.

"Yes daddy, hindi ko nakakalimutan 'yon. Ako ang bahala sa kapatid ko no matter what happen. Just enjoy and I love you both." anas ni Storm.

"I love you always." nakangiting sagot naman ni Jewel.

"Mahal na mahal ko kayong dalawa ni Kiara." anas naman ni Thunder.

Hinalikan naman ng mag asawa ang bunso nilang anak at pagkatapos ay ang panganay nila at sumakay na sa kotse. Habang nasa byahe sila ay tahimik lang at walang nagsasalita.

"What are you thinking?" puna sa kanya ni Thunder dahil nahalata nito na mukhang malalim ang iniisip ng kanyang asawa.

Mabilis naman na tumingin si Jewel. "Wala naman, iniisip ko lang na ilang taon na din pala tayo at kahit na ilang beses naghiwalay o nagkaproblema ay nandito pa rin tayo." nakangiting anas niya.

"Ganyan talaga kapag naka destiny na kahit na magkalayo pa ng ilang beses ay babalik at babalik din kayo sa piling ng isa't isa kasi kayo ang nakatadhana." wika naman ni Thunder.

"Medyo chessy ka sa part na 'yan ha, hindi bagay sa isang Thunder Alcantara." biro ng asawa.

"Sayo lang naman." sambit nito.

"You've change a lot. Ganyan talaga siguro kapag patay na patay ka sa akin." pagbibiro ni Jewel.

Tinaasan naman siya ng kilay ni Thunder. "Look who's talking. Sa ating dalawa sino kaya ang patay na patay sa akin simula pa noon?"

Mabilis naman siyang hinampas ni Jewel. "Panira ka talaga ng moment kahit kailan, magdrive ka na lang!"

Natawa naman si Thunder, madalas talagang pikon ang kanyang asawa. "Ang pikon mo hon, but it's okay mahal pa din kita. Mahal na mahal."

Namula naman ang pisngi ni Jewel dahil sa narinig. "Bwisit ka talaga kahit kailan, kagaya nga ng sinabi mo mas mahal kita. Alam mo naman 'yan, mahal na mahal ka namin ng mga anak mo. Lahit na hindi ka perpekto pero para sa amin ay sapat kana. You are the best husband and a father always remember that."

"Kikiligin na ba ako niyan? For me I have the best family at wala na akong ibang mahihiling pa. Kahit sa susunod pang buhay ay kayo pa din ang pipiliin ko na makasama. Till death do us part." nakangiting anas ni Thunder.

"Till death do us part hon, sabay tayong tatanda." nakangiti ding sagot ni Jewel at hinalikan pa ang asawa sa labi sabay sandal sa balikat nito.

Nasa kalagitnaan na sila ng byahe ng hindi napansin ni Thunder ang isang truck na pasalubong sa kanila, halatang may problea ito dahil wala ito sa tamang lane. Huli na para magpreno siya at tuluyan na silang nabangga nito. Napayakap na lang siya sa asawang si Jewel bago sila tuluyang sumalpok sa kasalubong nilang truck.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon