Chapter 67

820 15 1
                                    

Jewel POV

Limang buwan ng nakalilipas ng ikinasal ulit ksmi ni Thunder, naging maayos at masaya naman ang pamilya namin, pero hindi pa rin maiiwasan na may mga araw na nagtatampuhan o nag aaway sila, dahil hindi pa rin nawawala ang pagiging seloso at possessive nito.

Nandito ako ngayon sa dining table dahil inaayos ko ang hinanda kung pagkain para sa asawa ko bilang peace offering dahil nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan no'ng isang araw. Wala din si Storm dito dahil nasa ibang bansa ito kasama ng mga magulang ni Thunder, samantalang ang mga magulang ko naman ay abala sa kanilang business sa New York.

Tiningnan ko ang orasan at mag aalas diyes na ng gabi pero wala pa rin si Thunder na labis kung ikinataka dahil hindi naman ganito ka gabi ito kung umuwi. Umupo muna ako sa sala para do'n na lang maghintay, kinuha ko ang phone at tinawagan ito.

"Hello," bati ng nasa kabilang linya.

"What time are you going home?" i asked

"Baka mamaya pa, marami pa kasing inaasikaso dito," sagot naman ng asawa ko pero nagtataka ako kung bakit maingay sa lugar kung nasaan siya.

"Nasaan ka ba? Wala ka sa opisina diba? Bakit ang ingay ng background?" pag uusisa ko.

"Nasa bar ako kasama ng ibang empleyado, naclose kasi ang isang deal kaya as thankful gift I treat them here."

"Gano'n ba? Akala ko kasi uuwi ka ng maaga ang sabi mo kanina," bakas sa boses ko ang lungkot.

Rinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Hindi ko naman kasi sila pwedeng iwan hon, ako ang nagdala sa kanila dito."

"I know and I understand. It's okay," mahinang saad ko.

"I'm going home after a few hours. Okay?"

Pagkatapos naming mag usap ay ibinaba ko agad ang tawag, I feel disappointed kasi ito ang unang beses na hindi tumupad si Thunder sa usapan Nmin. Dati rati kasi ay pag sinabi nitong uuwi ng maaga ay umuuwi agad ito sa tamang oras kahit gaano pa ito ka busy.

Walang naman akong nagawa at umakyat na lang sa taas para matulog, dahil alam ko naman na wala na akong hihintayin pa dahil sigurado akong uumagahin na ng uwi ang asawa ko.

Thunder POV

Napabuntong hininga na lang ako pagkatapos naming mag usap ni Jewel, alam kung nalungkot siya ng sinabi kung hindi ako makakauwi agad, hindi ko kasi pwedeng iwan ang mga empleyado ko ng basta basta na lang. At alam kung may kasalanan din ako kasi hindi ko nasabi sa kanya ang tungkol sa lakad namin ngayon at isa pang nakadagdag sa isipan ko ay ang hindi namin pagkakaunawaan ng nakaraang araw. Kakausapin ko na lang siya mamaya pag uwi ko o kaya ay bukas, hindi din naman ako magtatagal dito ngayon.

Bumalik na ako sa mga kaibigan ko dahil kasama ko din sila ngayon.

"Bakit ganyan mukha mo pre?" tanong ni Dark

"Ang tanungin mo pre sino ang nakausap," natatawang segunda naman ni Cain.

"Kahit hindi ko na tanungin ay alam ko ng si Jewel 'yon."

"Anong nangyari?" seryosong tanong ni Cain.

"I forgot to tell her about this, may usapan kasi kami kanina na uuwi ako ng maaga ngayong araw," wika ko

"Oh oh, you are in big trouble men," anas ni Dark

Mas lalong lumukot ang mukha ko dahil sa sinabi ng kaibigan ko, I know Jewel tatahimik lang 'yon pero alam ko sa sarili ko na may dinadamdam 'yon.

"Kausapin mo na lang pag uwi pre, alam mo naman si Jew madali naman 'yang kausap basta babaan mo na lang pride mo para magkaayos na kayo agad," Cain said as he drink his beer.

Tumango naman ako at itinungga ang baso na hawak ko na may lamang alak.

Nagpatuloy lang kami sa pag iinom at nagkwentuhan pa kami ng kung ano ano.

Hindi ko namalayan ang oras a nakakaramdam na ako ng hilo, mukhang nasobrahan yata ako sa alak kaya ganito ang nararamdaman ko.

Tiningnan ko ang paligid at kita kung patuloy pa rin sa pagsasaya ang mga empleyado ko samantalang ang dalawang kaibigan ko naman ay mukhang mga lasing na rin.

Tumayo na ako at nag ikot ikot muna hanggang dance floor, kahit na lasing ako ay namamanage ko pa rin naman ang sarili ko.

Nang makarating ako sa dance floor ay bigla akong hinila ng isa sa mga empleyado ko.

"Sir dito muna kayo at sabayan niyo kaming sumayaw. Diba guys?" saad ng isang babae na alam kung taga tech. department namin, bakas sa mukha nito ang kalasingan na rin, agad naman na nag sing ayunan ang mga ito.

Wala naman akong magawa ng hilain na ako nito kaya kahit na nahililo ako ay hinayaan ko na lang sila. Habang patuloy sa pagsasayaw ang babaeng naasa harap ko na humila sa akin kanina ay ramdam ko ang paglapit nito sa akin. She is trying to seduce me, I think she is new to my office. I admit she is sexy and pretty but still my wife is more sexier and gorgeous.

Maya maya pa ay bigla itong kumapit sa akin at walang ano ano ay hinalikan ako na labis kung ikinagulat at dahil na rin sa kalasingan ko ay nakita ko ang mukha ng asawa ko sa kanya kaya hindi ko napigilan ang hindi tugunin ang halik nito.

Ngunit napatigil ako at napabitaw sa pagkakahawak sa babae ng maramdaman ko ang biglang pagtahimik ng paligid at narinig ko ang pagtawag sa akin nina Dark at Cain at ng tingnan ko kung sino ang tinitingnan nila ay labis ang takot at kaba na naramdaman ko.

Ang nakatayo lang naman at nakatingin malapit sa pwesto namin ay walang iba kung hindi ang asawa ko.

Jewel POV

Nagising ako sa pagkakatulog at pagtingin ko sa orasan ay wala pa rin si Thunder kaya ang ginawa ko ay nagsuot lang ako ng jacket at kinuha ang susi ng aking sasakyan para puntahan kung saang bar sila. Ang alam ko ay nando'n din sina Dark at Cain.

Hindi naman naging matagal ang byahe dahil hindi naman ito kalayuan sa bahay at dahil maadaling araw na kaya walang traffic. Nang makarating ako sa bar ay ipinark ko ang kotse ko at mabilis na bumaba, sa labas pa lang ay maririnig mo na ang ingay na nanggagaling sa loob.

Naglakad ako papasok sa loob at inilbot ang aking paningin para makita ko kung nasaan an asawa ko, hindi din nagtagal ay nakita ko sina Cain at Dark na nakapalimbaba sa isang mesa at biglang nag angat ang tingin ni Cain ay nakita niya ako, agad niyang tinapik si Dark.

Ngunit nawala ang atensyon ko sa kaila ng marinig ko ang ingay nanggagaling sa dance floor, naglakad ako papaapit do'n at tiningnan ko kung ano ang nangyayari. Labis ang gulat ko ng dahil sa aking nakita at para akong naestatwa na hindi makagalaw sa kung saan ako nakatayo. Narinig ko pa ang pagsigaw nina Cain pero para akong nabibingi dahil hindi ko na maintindihan kung ano ang sinasabi nila dahil ang mga mata ko ay nakapokus lang sa taong nasa harapan ko.

I saw my husband kissing one of his employee.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon