Chapter 47

1.2K 18 1
                                    


Masayang kumakain habang nag uusap silang mag anak habang si Storm naman ay patuloy sa paglalaro sa kanilang harden.

Habang patuloy sila sa pagkwekwentuhan ng makarinig sila ng impit na sigaw na nagmula sa labas. Agad silang naalarma kaya sabay sabay silang napatayo, mabilis na tumakbo si Thunder sa labas dahil sa kaba ng marinig ang sigaw ng anak.

Ngunit ng makalabas silang lahat ay biglang may nagpaputok ng baril kaya lahat sila ay nagtago para hindi matamaan, nakita nilang isinakay ng mga taong nakamaskara ang anak nila sa isang van. Wala silang magawa dahil hindi sila makalabas kung nasaan sila dahil may mga na baril ang may hawak sa anak nila.

Nagsimula ng umiyak si Jewel at balak pa sanang habulin ang van kung nasaan ang anak ng pigilan ito ni Thunder dahil baka may mangyaring masama dito.

Ang akala nila ay maayos na ang lahat.

Akala nila masaya at kompleto na.

Pero bakit ganito na naman ang nangyari?

Bakit ang anak na naman nila ang kinuha?

Sino ang may kagagawan nito.

Mabilis na bumalik sila sa loob, tumawag na ng mga pulis ang ama ni Thunder at tinawagan naman ng ama ni Jewel si Kevin at ang kaibigan nito. Kailangan nilang malaman kung saan dinala si Storm.

Iyak lang ng iyak si Jewel dahil sa sobrang takot na nararamdaman para sa anak, yakap yakap naman siya ng kanyang asawa na si Thunder.

Ilang oras pa ang nakalipas bago dumating si Kevin at ang mga pulis. Naikwento na nila ang nangyari sa mga ito.

Mabilis na nagbukas ng laptop ang kaibigan ni Kevin at hiniram ang telepono ni Jewel para ikabit dito.

"Sa ngayon dahil wala tayong maisip na taong makakagawa nito ang tanging pag asa na lang natin para malaman kung sino ang kumuha sa anak niyo ay kung tatawagan nito si Jewel," pagsisimula ng isang pulis.

"P-paano pag hindi tumawag sa akin ang mga kidnapers? P-paano na ang anak ko? B-baka m-mapahawak siya doon, b-baka saktan nila." umiiyak na tura ni Jewel

"Calm down hon, we will find our son." paniniguro ni Thunder

Maya maya pa ay dumating sina Dark kasama si Calleigh, tinawagan kasi ito ni Thunder kanina at sinabi ang nangyari pati si Cain.

"Cali," mabilis na tumayo si Jewel at niyakap ang kanyang kaibigan

"Isinama ko na si Calli, ayaw kasing magpaiwan masyado daw siyang nag aalala para sa kaibigan at inaanak," sabi nito kay Thunder t umupo na.

Habang nagpaplano ang mga pulis at naghihintay din ng balita ng biglang dumating si Cain.

"Wala pa bang balita?" tanong agad nito at sinagot lang ng iling ni Thunder

"Hon, mas mabuti pang magpahinga kana muna, kayong dalawa ni Calli anong na rin," baleng ni Thunder sa kanyang asawa ngunit umiling lang ito.

"You both need to rest, para makapagpahinga na kayo." segunda naman ni Cain

"Kami na ang bahala, umakyat na muna kayo sa taas. Calli, babe ikaw din kailangan mo ng matulog makakasama sa baby natin ang magpuyat," dagdag pa ni Dark

Ngunit sadyang matigas ang ulo ni Jewel at ayaw sumunod sa sinasabi sa kanya, kaya wala silang nagawa kung hindi hayaan na lang ito. Samantalang hinatid na muna ni Dark si Calli sa guest room nila Jewel para makapagpahinga na.

Habang ang kanilang mga magulang naman ay nagpahinga na rin dahil sa pagod at pag aalala. Hinayaan na lang nila ito dahil kaya naman nilang magplano.

Habang abala sila ay biglang na ring anv telepono ni Jewel kaya sabay sabay silang napatingin dito. Mabilis na kinuha ito ni Jewel at tiningnan kung sino ang caller pero unknown number ang nakalagay. Mukhang iisa lang ang nasa isipan nila ngayon.

Pinindot ni Jewel ito at sinagot ang tawag.

"S-sino 'to?" mahinang tanong ni Jewel

"Hello Jewel, kamusta ka? Siguro natatakot kana noh? Hmm. Natatakot ka para sa anak mo," boses ng kabilang linya

Walang umimik sa kanila para hindi malaman ng kausap ni Jewel na may mga kasama ito, habang ang mga pulis naman ay patuloy na tinitrace ang lokasyon ng caller.

"A-anong kailangan mo? N-nasaan ang anak ko? Ibalik mo siya parang awa mo na," nagsimula na namang umiyak si Jewel

"Hindi mo kailangan malaman kung sino ako dahil alam kung kilala mo ako Jewel." madiin na saad ng boses

Narinig nila ang boses ng kanilang anak na sumisigaw para humingi ng tulong kaya halos mapahagulgol si Jewel dahil dito.

"D-dn't h-hurt h-him please, s-sabihin mo k-kung ano ang k-kailangan mo. I-balik mo lang ang a-anak ko. Maawa k-ka," pagsusumamo ng dalaga

"Hindi mo ako pwedeng turuan sa anong dapat o hindi ko gawin! Kulang pa ito sa lahat ng ginawa mo Jewel! Naniningil lang ako ng kinuha mo sa akin, ipaparamdam ko sayo ang sakit! Ikaw ang dahilan kung bakit siya nawala!" sigaw ng kausap nito na mahihimigan mo ang labis na galit

Sagli siyang napatigil dahil sa sinabi nito. Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng kausap, wala siyang matandaan na nagawan niya ng kasalanan.

Magsasalita pa sana siya ngunit nakapatay na ang kabilang linya. Mabilis naman siyang niyakap ni Thunder. "Calm down hon."

"B-baka saktan niya si Storm, b-baka mapahamak ang anak natin." aniya habang nakayakap ng mahigpit sa asawa

"Everything will be alright. Okay? Makukuna natin si Storm."

"Nakita namin ang lokasyon pero hindi malinaw dahil sa naputil agad ang tawag kaya hindi namin makita kung saan ang eksaktong lugar nito, pero ang lugar ay malapit lapit lang dito mga dalawa o tatlong oras,' biglang anas ng pulis na patuloy pa rin sa pagtipa sa laptop

Maya maya pa ay may kumatok sa pinto nila at mabilis na binuksan naman ito ni Dark, iniluwa nito si Monique. "What are you doing here?" tanong ni Cain

"I heard about what happen, gusto ko lang makatulong," sagot nito

"At sa tingin mo may maitutulong ka? Paano mo gagawin 'yon?" panunuya ni Cain

"Alam ko kung sino ang pwedeng gumawa nito si Margaux at alam ko kung saan niya pwedeng dalhin si Storm," diretsong turan ni Monique

"Panong alam mo," nagtatakang tanong ni Dark.

"Paanong hindi niya malalaman Dark, eh kaibigan niya 'yang si Margaux at hindi na ako magugulat kung alam niya rin na mangyayari 'to." sarkastikong turan ni Cain

Masakit man para kay Monique ito pero kailangan niyang tiisin para makatulong sa mag asawa. "Hindi ako gano'n kasama Cain, matagal na akong tumigil sa pagtulong kay Marga alam ko lang noon ang plano niya." mahinahong depensa nito kahit alam niyang hindi naman siya paniniwalaan ng binata

"Kung gusto mong makatulong sabihin mo kung ano ang alam mo, para makabawi ka naman sa mga kasalanan na nagawa mo sa pamilya ko," biglang pagsasalita ni Thunder

Tumango naman siya rito, alam niya hanggang ngayon ay galit pa rin ito sa kanya.

"Hon, please not now." pakiusap ni Jewel sa asawa.

Hindi naman na umimik si Thunder dahil dito. Mabilis na naglakad si Monique papalapit sa mga pulis para sabihin ang nalalaman niyang impomasyon.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon