Chapter 81

600 8 0
                                    

Jhazzy POV

Alam kung nakita ni Jewel ang wallpaper ko, sinadya ko talagang palitan 'yon bago kami nagkita at iniwan sa table namin bago ako nagpaalam na aalis. Hindi naman talaga ako totoong magbabanyo 'yon lang ang sinabi ko para makaalis ako, naghintay pa ako ng ilang minuto bago bumalik sa table namin ng masigurado kung nakita niya na ito.

Alam kung magtatanong siya tungkol sa ama ng anak ko at ito na din ang tamang panahon para malaman niya ang totoo, tapos na ang isang buwan na paghihintay ko at ayaw ko ng patagalin pa ito. Sa totoo lang mabait naman si Jewel ang problema lang ay siya ang naging asawa ng lalaking mahal ko kaya kailangan niya mawala sa landas ko.

Pagkatapos naming kumain ay napagpasyahan namin na maglakad lakad muna, kanina pa tahimik si Jewel at alam kung nag iisip siya tungkol sa kanyang nakita.

Habang nasa bench kami ay tumunog ang phone ko at nakita kung si Thunder ang tumatawag, sumilay ang ngiti sa aking labi, hindi na ako mahihirapan.

"Jewel saglit lang ha? I need to take this call." anas ko sa kanya at tumayo na at lumayo.

Ng makalayo na ako ay saka ko sinagot ang tawag. "Yes Thunder?" bungad ko sa kanya.

"Where are you?"

"Bakit mo tinatanong miss mo ako?" pagbibiro ko.

"Shut the fuck up! Nasaan ka?"

"Chill okay? Nas iikot ikot lang ako. Bakit ba?" tanong ko.

"Just make sure Jhazzy, huwag kang gagawa ng wala sa usapan natin. Tigilan mo ang paglapit sa asawa ko."

"Oh your wife? Poor her hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam ang tinatago mo. Don't worry your secret is safe with me Thunder, pero kapag nalaman niya ang totoo ay labas na ako do'n. You have all the time to tell her the truth pero hindi mo ginagawa." wika ko at ibinaba na ang tawag.

Ngunit pag harap ko ay nakita ko sa Jewel na seryosong nakatingin sa akin. "Jewel... k-kanina ka pa nandiyan?" pagkukunwareng sambit ko.

"Anong meron sa inyo ng asawa ko?" diretsong tanong niya, hindi na ako nagulat do'n at napaghandaan ko na ang bagay na ito.

"Ah 'yon ba? Wala naman, mas mabuting sa asawa mo tanungin." ani ko.

"Wala akong oras na makipaglokohan sa'yo Jhazzy! Sagutin mo ang tanong ko."

"Sinabi ko na sa'yo na si Thunder ang tanungin mo at huwag ako." saad ko.

"Bakit ang asawa ko pa ang tatanungin ko eh kaharap na kita."

"Ayaw ko na sanang makialam sa inyo dahil kaibigan din kita at ayaw kitang masaktan sa malalaman mo pero masyado kang mapilit." turan ko.

"Jewel kagaya ng tinatanong mo kanina kung sino ang ama ng anak ko? 'yon ay walang iba kung hindi si Thunder na asawa mo, kaya madalas umaalis ang asawa mo o wala sa opisina dahil pinupuntahan niya kami. Happy now?" dagdag ko pa.

Jewel POV

Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang sinabi ni Jhazzy, hindi ko lubos maisip na may ganitong dadaan na pamilya namin. Mabilis na naglandasan ang luha sa mga mata ko.

"N-no, this can't be. H-hindi magagawa ni Thunder sa amin 'yan. Hindi siya maglilihim sa akin." sambit ko.

"You want to know the truth right? Well, that's the truth Jewel. May anak sa akin ang asawa mo, nakabuntis siya ng iba." matapang na turan niya.

Mabilis na dumapo ang palad ko sa pisngi niya.

"Hayop kang babae ka! Pinagmukha niyo akong tanga, kaya pala nakipagkaibigan ka sa akin at pala ayaw ni Thunder na lumapit ako sa'yo dahil may mga kagaguhan kayong tinatago!" galit na sigaw ko sa kanta.

"Huwag ako ang sisihin mo! Ang asawa mo ang ayaw pumayag na sabihin sa'yo ang totoo. Ano masakit ba malaman na may anak sa labas si Thunder? Ganyan din ang naramdaman ko ng hindi niya kilalanin no'ng una ang anak namin! Ang tagal kung hinintay ang pagkakataon na ito Jewel alam mo ba 'yon! Nagtiis kami ng anak ko na manahimik at itago sa ibang tao samantalang kayo ng anak mo ay masaya at nakakasama ang ama ng anak ko!"

"Wala kang kasing sama Jhazzy. Nagtiwala ako sa'yo at tinuring kitang kaibigan pero hindi ko inaalala na may ibang plano ka pala. Hindi ko inakala na ikaw ang magiging lamat sa pamilya namin. Magsama kayo!" madiin na wika ko at tumakbo na paalis.

Mabilis aokong pumara ng taxi at nagpahatid sa bahay. Iyak lang ako ng iyak habang nasa taxi. Hindi ko naisip na aabot kami sa ganito, na magagawa akong lokohin ni Thunder at worst may na anakan pa siyang iba.

Paakiramdam ko ay pinaglaruan nila akong dalawa, dahil alam nilang may itinatago sila sa akin. Hindi ko alam kung paano nila naaatim na humarap sa akin gayo'ng may inililihim sila sa akin.

Mga manloloko sila!

Mag hayop!

Nang makarating ako sa bahay at dali dali akong pumunta sa kwarto namin, pinaghintay ko na lang ang taxi sa labas, hindi ko kayang magtagal pa dito sa bahay na hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko pa ang kasama ko.

Kinuha ko ang malaking bag ko at naglagay ng mga damit at dahil sa buntis ako ay hindi ako pwedeng magbuhat ng mabibigat. Mabilis ang naging kilos ko dahil baka maabutan pa ako ni Thunder.

Nang matapos ako sa pag aayos ay saglit akong napaupo sa kama, inilbot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Madami kaming naging masayang alaala sa lugar na ito, napadpad ang tingin ko sa mga litrato namin na nakasabit sa pader. Napangiti ako ng mapait dahil ang mga masasayang kuha na 'yon ay magiging alaala na lang.

Hindi na ako nagtagal pa do'n dahil mas dumadagdag lang ang sakit na nararamdaman ko, hindi ko matanggap na may ibang anak ang asawa ko at pamilya at hindi lang kami. Hinawakan ko ang singsing na nasa daliri ko at unti unti itong tinanggal.

Matapos ko itong matanggal ay ipinatong ko ito sa mini table na meron kami sa kwarto, gumawa din ako ng sulat para sa asawa ko pero hindi ko sinabi ang tungkol sa pagbubuntis ko.

Kaya ako aalis dahil nasasaktan ako, ang akala ko buong pamilya ay hindi na pala mangyayari dahil may kahati kami ng anak ko. Sabihan man ako na duwag dahil aalis ako at hindi ako lalaban kahit na ako ang asawa, kung ako lang ay gagawin ko pero hindi ko ilalagay sa panganib ang buhay ng magiging anak ko.

Maselan ang pagbubuntis ko at ayaw ko na mapahamak ang magiging anak namin dahil lang dito. Hindi porket aalis ako ay sumusuko na ako at bibitawan ko na ang pamilya na meron ako, hindi ko pa lang kaya harapin ang asawa ko sa ganitong sitwasyon, pero babalik ako.

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na, sa bawat hakbang na ginagawa ko ay siyang pagbigat ng dibdib ko. Hindi ko maisip na darating na naman ang araw na lilisanin ko muli ang bahay na ito.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon