Chapter 88

773 9 0
                                    

Margaux POV

Nandito na kami ngayon ni Kuya Thunder sa labas ng gate, kinakabahan ako na baka magalit sa akin si Ate Jewel pero wala na din naman akong magagawa dahil nandito na kami ngayon. Sana lang ay hindi makasama sa kanila ang pakikialam ko.

Nauna muna akong pumasok at naiwan muna si Kuya sa labas para hintayin ang hudyat ko. Nakita kung nakaupo sa sala silang dalawa ni Nanang.

"Oh Marga nandito kana pala. Akala ko mamaya ka pa uuwi." anas ni Nanang.

"Hindi naman Nang, may pinuntahan lang ako ang totoo niyan ay may kasama po ako ngayon." wika ko naman.

"Sino? Boyfriend mo ba? Ikaw ha." pang aaasar naman sa akin ni Ate Jewel, kung alam mo lang na asawa mo ang nandiyan.

"Aba'y nasaan? Bakit hindi mo pinapasok?" saad ni Nanang.

"Oo nga po eh, wait at tatawagin ko siya." nahihiyang turan ko at naglakad pabalik sa labas.

Nakita ko naman si Kuya Thunder na tahimik lang habang hinihintay ako.

"Kuya pasok na tayo." pag aya ko sa kanya.

Tumango naman ito at sabay na kaming pumasok, naririnig ko pa ang tawanan ng dalawa sa loob kaya mas lalo akong kinakabahan.

"Ate, Nanang nandito na po siya." pagkuha ko sa atensyon nilang dalawa.

Halos manlaki naman ang mata ni Ate Jewel ng makita kung sino ang nasa likuran ko. Halatang hindi niya inaakala na magkikita sila ngayon.

"Thunder.." mahinang sambit ni Ate.

Mukhang nahahalata naman ni Nanang kaya tumayo na ito. "Halika na muna Marga at tulungan mo muna akong magligpit." anas nito sa akin at agad naman akong sumama.

Jewel POV

Napatayo ako dahil hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko na ngayon ang asawa ko na ilang linggo ko ng hindi nakikita.

"P-paanong ----."

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng pinutol niya na ito. "Kay Marga, sana huwag kang magalit sa kanya dahil sinabi niya sa akin. Gusto ka lang niyang tulungan." sabi niya.

Napaupo ako ulit at hindi makapagsalita dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung sabihin sa kanya. Walang gustong kumawala sa bibig ko.

Naupo naman siya sa kaharap kung upuan at tiningnan ako ng seryoso. "You just left without hearing my explanation." anas niya.

"Do I need to wait for it kahit na nasaktan na ako? Kailangan ko pa bang marinig 'yon kung nalaman ko na din naman ang totoo? Wala ka nga balak na sabihin sa akin diba? Ilang linggo o buwan mo ng tinago sa akin! Ilang beses kitang tinanong kung may problema pero ang sagot mo sa akin ay wala." matapang na turan ko.

'I have a reason, ayaw kung masaktan ka kaya hindi ko muna sinabi."

"At sa tingin mo hindi ako masasaktan dahil sa tinago mo, gano'n ba?" puno ng hinanakit na saad ko.

"It's not like that, alam ko sa sarili ko na hindi ko anak 'yon! Kaya nga pinapaimbestigahan ko agad eh. Naghahanap lang ako ng tamang oras para sabihin sa'yo dahil alam ko ang magiging reaksyon mo at ayaw kung magulo ang pamilya natin."

"Kahit na! Anak mo man o hindi dapat sinabi mo sa akin! Maiintindihan ko naman 'yon Thunder eh. Sasamahan pa kita sa problema na 'yan! At alam mo kung ano pa ang mas masakit 'yon ay pinagmukha niyo akong tanga. Magkakilala na pala kayo ni Jhazzy pero nagkunware pa kayong dalawa, kaya pala ayaw mong magkalapit kami dahil may inililihim kayo sa akin!" halos pumiyok na ako.

"Hon." pilit niya akong hinahawakan pero lumalayo lang ako.

"Tell me how could I trust the person who lied to me? How could I trust you again this time?" umiiyak na tanong ko.

"Jewel please listen to me." pagmamakaawa niya.

"No Thunder! You listen to me, ayaw kitang makausap kaya pakiusap umalis kana lang." pagmamatigas ko.

"No! Hindi ako aalis dito hangga't hindi tayo nagkakaayos. Kahit na araw araw akong magmakaawa sa'yo ay gagawin ko."

"Whatever you say, I don't care." anas ko at tinalikuran na siya.

Thunder POV

Halos manghina ako ng talikuran ako ng asawa ko at pumasok sa kanyang kwarto. Alam kung sobra siyang nasasaktan ngayon at hindi ko naman siya masisisi dahil alam kung kasalanan ko din kung bakit na naman kami nagkaganito.

"Kuya are you okay? Nasaan si Ate?" tanong ni Marga.

"She's in her room I think." maiksing sambit ko.

"Hayaan mo muna siyang makapag isip baka nabigla lang 'yon."

Mayamaya pa ay sumulpot ang isang matanda, ang alam ko ay kasama nila ito. "Iho nagkaayos na ba kayo ng asawa mo?" tanong nito.

Umiling naman ako. "Hindi pa po eh, pero hindi ako titigil hangga't hindi niya ako napapatawad." pursigidong saad ko.

"Magkakaayos din kayo, isipin niyo ang pinagsamahan niyo. Uuwi ka pa ba? Gabi na pwede kaan dito matulog."

"Hindi na po, magchecheck in na lang ako sa hotel. Babalik na lang po ako bukas. Salamat po pala sa pagtanggap at pag aalaga sa asawa ko." magalang na wika ko.

"Naku walan 'yon, mabait naman ang asawa mo. Sigurado ka bang aalis ka pa?"

"Oho, babalik na lang ako bukas." pagkasabi ko no'n ay tumayo na ako at nagpaalam.

Gustuhin ko man na manatili dito ay ayaw ko dahil baka mas lalo lang magalit ang asawa ko, siguro ay babalik na lang ako bukas para kausapin siya ulit. Sana naman ay hindi ako mahirapan.

Hinatid naman ako ni Margaux sa labas ng gate. "Salamat Marga sa tulong mo." saad ko.

"Walang anuman kuya, basta para kay Ate Jewel ay gagawin ko at isa pa ay gusto ko na din na magkaayos kayo. Mukhang may hindi ka pa alam at ayaw ko ng pangunahan si Ate sa bagay na 'yon."

"Ayos lang 'yon, malaki na ang naitulong mo sa pagsabi sa akin kung nasaan siya. Kung may dapat man akong malaman ay hihintayin ko na lang na siya mismo ang magsasabi sa akin." ani ko at nagpaalam na.

Sumakay na ako ng kotse at nagdrive sa hotel na malapit lang din dito sa kung nasaan ang bahay na tinitirhan ng asawa ko. Bukas ay babalik ako dahil kailangan kung mabawi ang asawa ko.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon