Chapter 51

929 16 8
                                    

Nandito na sila ngayong magkakaibigan malapit sa tabing dagat, ang mga lalaki ay nagdala ng mga alak samantalang silang mga babae naman ay juice lang. Nakaupo sila paikot habang nasa gitna naman ay may apoy.

"Guys maglaro tayo ng spin the bottle para masaya," biglang bulalas ni Calli

Sumang ayon naman silang lahat dito at nagsimula ng maglaro. Naunang nag spin si Calli dahil siya naman ang nagpasimuno nito, laro lang sila ng laro at puro tawanan ang kinalabasan nito.

Si Monique ay nakikisabay na lang din sa mga nangyayari kahit kanina niya pa gustong umalis sa lugar na 'yon. Nasasaktan siya sa tuwing mapapadapo ang kanyang mga mata kay Cain at nakikitang masaya itong nakikipag usap kay Sophia, minsan pa ay nahahagip ng mata nito ang pagiging sweet nila sa isa't isa, pero ayaw niya naman na masira ang bonding moments nila kaya tinitiis niya na lang.

Maya maya pa ay natapat kay Cain ang bote. "Sa wakas tumapat na din sayo." sambit ni Dark

"Ako magtatanong ha," saad naman ni Calli. "Truth or dare?" dagdag nito

"Truth."

"Ahm, mahal mo paba si Monique?" diretsong tanong nito

"Hindi na," seryosong sagot nito at sabay na ininom ang alak na nasa basong hawak niya

Halos lahat sila nagulat dahil sa walang pag aalinlangan na sagot nito.

Ilang segundong natahimik ang lahat ng basahin ito ni Thunder. "Oh spin na ulit, ang tagal eh."

Pag spin naman ay tumapat ito kay Monique. Mas lalo silang nakaramdam ng tensyon dahil dito. "Truth or dare?" tanong ni Cain

"T-truth," nauutal na sagot ni Monique.

"Bakit pinipili mo pang mag stay dito, I mean bakit nandito ka pa at hindi umaalis kahit na alam mong nakagawa ka ng mali sa mga taong nandito?" 

"Ayokong takasan ang kasalanan na nagawa ko, kaya ako nandito dahil tinatama ko 'yon Cain," sagot nito

"Sa tingin mo maitatama mo pa? Hindi mo na naman maibabalik ang nakaraan dahil nangyari na, hindi mo na din mababalik ang mga taon na lumipas na sana magkasama sila pero ng dahil sayo kaya sila nagkahiwalay at nagkasira. The best you can do is to stay away from them, from us," madiin na wika ni Cain

"Cain enough!" saway ni Thunder

"What? I'm just asking at sumagot siya kaya sinasabi ko lang din ang opinyon ko, dahil kahit ikaw alam kung hindi mo pa rin siya napapatawad. Kaya bakit pa siya nakikipagsiksikan dito. She's not belong here. Kaya hindi ko alam kung bakit nagagawa niya pa rin ang makisama sa mga taong ginawan niya ng kasalanan, ganyan ba talaga siya kagaling umarte? Hindi porket tinulungan niya tayo para mahanap si Storm ay bayad na siya sa pagiging mapagpanggap at pagiging sinungaling niya."

"Hindi ko pinagsisiksikan ang sarili ko dito Cain! Ayoko lang na magtampo si Jewel sa akin dahil siya ang nag aya sa akin dito at tungkol sa pagtulong ko nakaraan bukal 'yon sa loob ko! Alam ko naman na hindi ako belong dito at wala akong lugar dito kaya hindi mo na kailangan pag ipamukha 'yon sa akin kasi alam ko naman na ayaw mong nandito ako. Huwag kang mag alala mababayaran ko din 'yang kasalanan ko." umiiyak na saad nito at tuluyan ng tumakbo pabalik sa loob ng kanilang tinutuluyan.

Mabilis naman na tumayo si Jewel at sinundan si Monique.

"Below the belt na 'yon bro, hindi mo dapat 'yon sinabi sa kanya," biglang saad ni Dark

"Nasaktan mo siya ng sobra Cain, hindi mo siya dapat pinahiya sa maraming tao." sabat naman ni Calli.

"Tama ka galit pa rin ako sa nagawa niya sa amin, pero kinokontrol ko ang emosyon ko para na din sa asawa ko at dahil na rin sa tulong niya para mahanap ang anak ko. Parehong hindi madali sa atin ang nalaman pero pre may pinagsamahan pa rin kayo, naging girlfriend mo pa rin 'yon pero kung pagsalitaan mo ng gano'n sa maraming tao hindi na tama." segunda ni Thunder at tumayo na. "Pag isipan mong mabuti ang mga desisyon mo sa buhay," dagdag pa nito at tuluyan ng naglakad papasok 

Agad naman tumayo si Dark akay akay si Calli. "Mauuna na din kami sa loob, masyado ng malamig dito at kailangan ng magpahinga ni Calli," utal ni Dark at umalis na din sila.

Naiwan si Cain kasama si Sophia. "W-what just happened? Akala ko ba kaibigan lang ni ate Jewel si Monique, pero bakit sabi ni kuya T girlfriend mo daw. Is it true?" naguguluhang tanong ni Sophia

Tumango naman si Cain. "She is my girlfriend," pag amin nito.

Halos manlaki naman ang mata ng dalaga. "Are you serious? Then why did you do that? She is your girl pero pinahiya mo siya sa harap namin! What are you  thinking Cain?" galit na wika ni Sophia

"My fault okay? Nadala lang ako," depensa ng binata

Agad naman siyang pinaghahampas ng dalaga. "Ikaw na lalaki ka kahit kailan! Hindi mo talaga nakokontrol yang tabas ng dila mo kapag galit."

"Aray! Stop it Phy," pigil nito sa kamay ng dalaga

"Tatanda ka talagang binata dahil sa ginagawa mo."

"Itong mukhang 'to?" turo niya sa sarili. "Sayang ang lahi ko kung hindi ko maipamamana."

"Wala ka talagang kwentang kausap kahit kailan," sabi ni Sophia

"Sus if I know mahal na mahal mo ako noon," pang aasar naman ng binata

"Kakasabi mo lang noon, syempre tayo pa no'n duh! Eh ngayon may kanya kanya na tayong buhay, ako may boyfriend na samantalang ikaw walang jowa," balik asar naman ng dalaga.

Nanatili pa sila ng halos isang oras doon, hindi na sinubukan pang halungkatin ni Sophia ang kung ano mang problema ang nangyayari sa pagitan ng mga magkakaibigan.

"Masyado ng gabi, ihahatid na kita sa room niyo," anas ni Cain

"Oo nga inaantok na din ako eh. Tara!" 

Agad naman silang tumayo at umalis sa lugar, hindi naman kalayuan ang suite nila Sophia. Halos limang minuto lang ay nakarating na agad sila.

"Thank you sa paghatid Cain," nakangiting wika ni Sophia

"No problem! Goodnight, mauna na ako," sagot naman ni Cain bago tumalikod at naglakad pabalik naman sa kanilang suite.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon