Chapter 45

1.1K 16 0
                                    


Pagkatapos pumunta ni Monique sa bahay nila Jewel ay dumiretso ito sa isang sikat na bar, halos dalawang linggo na ang nakalilipas noong nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan na magkasintahan at hanggang ngayon hindi pa rin sila nakakapag usap ni Cain, hindi niya tuloy alam kung ano pa ang meron sa kanila, ilang beses niya na rin itong tinawagan ngunit wala siyang sagot na nakukuha, ilang beses niya na rin itong pinuntahan sa condo nito pero hindi siya nito hinaharap. Kahit sa opisina ng binata ay nakailang ulit na rin siyang pumunta pero palagi itong nasa meeting 'yon ang sabi sa kanya ng sekretarya nito. At noong nakaraang araw ay nakita niya ito sa isang mall, lalapitan niya sana ito ngunit napatigil siya sa paglakad papunta dito ng makita niyang may kasama itong babae. Masakit para sa kanya, pero wala siyang magagawa dahil alam niyang siya ang nagkamali.

Halos isang linggo niya na rin itong sinusundan pero palagi niyang nakikita itong may kasamang babae, sa tuwing nakikita niya iyon ay para siyang nadudurog pero wala siyang magawa kung hindi ang tanggapin 'yon. Madalas din daw itong nasa bar at umiinom minsan kasama niya ang mga kaibigan minsan naman ay hindi at ngayon na alam na ni Thunder ang lahat at galit ito sa kanya paniguradong mag iiba na rin ang tingin nito sa kanya.

Ilang minuto pa ay nakarating na siya sa bar, mabilis niyangg ipinark ang kanyang sasakyan at dumiretso nasa loob. Pakiramadam niya ay kailangan niya ngayon ng alak.

Umupo siya sa bar counter dahil mag isa lang naman siya at walang kasama, umorder siya ng alak at mabilis naman agad itong naiserve sa kanya. Nasa kalagitnaan siya ng pag iinom ng may mapansin siyang pamilyar na tao na nasa isang table hindi nalalayo kung nasaan siya.

Inaninag siya pa ng mabuti kung sino at biglang nanikip ang kanyang dibdib ng makilala ito, ang lalaking hindi mawala sa isip niya, ang lalaking mahal niya na may kasama at kahalikang iba.

Biglang tumulo ang kanyang luha dahil sa nakita, ngayon pa lang ay mukhang alam niya na ang sagot sa mga tanong niya. Mukhang pinutol na nga ni Can ang ugnayan nilang dalawa. Masakit pero 'yon ang katotohanan, pilit niyang iniiwas ang kanyang mga bata sa dalawa pero hindi niya alam kung may sariling isip ang kanyang katawan at mata na ayaw umalis sa kakatitig sa mga ito.

Maya maya pa ay nagulat siya ng mapatingin sa kanya si Cain ngunit ilang segundo lang ang nakalipas ay iniwas din nito ang tingin sa kanya at bumalik sa pakikipag usap sa babaeng kasama. Ngumiti na lang ng mapakla si Monique at nag iwas na din ng tingin.

Cain POV

No'ng maaga na natapos ang mga gawain ko sa opisina ay napagpasyahn kung pumunta muna sa bar dahil masyado akong pagod sa trabaho, sa halos dalawang linggo ay puro meeting na lang ang inaatupag ko. Habang nakaupo ako mag isa at umiinom ay may lumapit sa aking babae.

"Hi, handsome may kasama kaba?" tanong nito

Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy sa pag inom ngunit sadyang madaldal ito at tumabi pa sa akin, pero ng tumagal naman din ay na enjoy kung kasama siya, mukhang mabait naman ito. Pero nagulat ako ng bigla niya akong hinalikan at dala na rin siguro ng kalasingan ay nadala ako, ngunit nahagip ng mata ko si Monique kaya mabilis kung pinutol ang halik ng babae sa akin. Noong una akala ko namamalikmata lang ako, pero ng katagalan ay allam kung siya 'yon. Kitang kita ko ang pagtulo ng kanyang mga luha kaya mabilis kung iniwas ang tingin ko sa kanya at ibinalik sa babaeng kausap ko.

Salita ng salita ang babaeng katabi ko pero ang atensyon ko ay na kay Monique na ngayon ay nakatalikod na sa akin at mag isang umiinom, kahit na hindi kami okay ay nag aalala pa rin ako sa kanya lalo na gabi na at mag isa lang siya dito sa bar. Ayoko ng may mangyari sa kanyan masama.

Halos dalawang oras na ang nakalilipas at umiinom pa rin ako samantalang ang babae naman na kausap ko kanina ay nandito pa rin. Maya maya pa ay nakita kung papalapit sa pwesto namin si Monique.

"Pwede bang maupo dito?" aniya habang pagewang gewang

"And who are you? Can't you see, we are talking here," sabat ng katabi ko.

"And so? You think I care? Hindi ikaw ang kausap ko kaya huwag kang bida bida," sagot naman ni Monique.

"Ang kapal din naman ng mukha mo noh. Lalapit ka dito sa table namin at aastang ganyan."

"I can't see your name here in the table, so hindi mo ito pag mamay ari," pabalang na sagot ni Monique

"You bitch! Umalis ka nga dito. Huwag kang papansin," sigaw nito

Akmang sasagot pa sana si Monique ng magsalita na ako. "Enough you two! Huwag kayong gumawa ng eskandalo dito, kung gusto niyong mag away doon kayo sa labas at huwag sa harap ko." madiin na wika ko, mukhang gusto pa ng dalawang ito ng eksena.

"I don't want any fight here darling, itong babae na ito ang nagsimula," depensa ng babaeng katabi nito.

"Eh kung sampalin kaya kita at ng matahimik 'yang bunganga mo! Masyado kang papansin hindi naman ikaw ang kausap ko. Pwede ba? Don't act stupid!" pang iinsulto ni Monique.

"I said enough! What do you want Monique? Huwag kang mag eskandalo dito," madiin na saad ni Cain habang nakatitig sa dalaga

Halos hindi naman makapaniwala si Monique sa tinuran ng binata, siya pa ang pinagsabihan nito himbis na ang walang breeding na babaeng katabi niya.

"Ako pa ang may mali ngayon Cain? Siya ang nagsimula dito, ikaw ang tinatanong ko pero siya itong sumisingit sa usapan," sagot nito sa binata

"She is with me at wala akong nakikitang mali. Ikaw ang lumapit dito at sinabihan siya ng kung ano ano. Huwag mong dalhin sa lugar na ito ang pagiging eskandalosa mo," anas nito

Napaawang naman ang bibig ni Monique dahilsa sinabi ng binata, pakiramdan niya ay napahiya siya dahil dito. Nakaramdam siya ng sakit kaya bago pa tumulo ang kanyang mga luha sa harap ng dalawa ay tumalikod na ito ay naglakad palayo.

'Ang galing mong manakit, Cain,' bulong nito

Nakaramdam naman ako ng pagsisisi dahil sa sinabi ko sa kanya, hindi ko sinasadyang mapagsalitaan ito ngunit kapag hindi pa ako pumagitna ay makakaagaw sila ng atensyon.

Mabilis akong tumayo at iniwan ang katabi ko at naglakad para sundan si Monique, narinig ko pa ang pagtawag sa akin ng babae ngunit hindi ko na ito binigyan ng pansin.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon