Chapter 76

591 8 0
                                    

Jewel POV

Pumunta muna ako ng mall para mag grocery, mabuti na lang at may kasama akong driver kaya hindi ako nahirapan sa mga pinamili ko ng maisakay niya 'yon sa kotse ay pinauna ko na siyang umuwi, pagkatapos ay nag ikot ikot na muna ako at dahil tanghali na ay naghanap na lang muna ako ng pwedeng pagkainan medyo nagututom na din kasi ako.

Pinii kung kumain na lang sa seafood restaurant, hindi ko din alam basta ito ang gusto ng panlasa ko. Naghanap na ako ng bakanteng table at saka may lumapit sa akin na waiter at kinuha ang order ko. Habang naghihintay ako ay kinuha ko muna ang phone ko para tingnan kung may text ang asawa ko.

Mayamaya pa ay may lumapit sa akin na babae. "Hi, may kasama ka ba?" tanong nito sa akin.

Umiling naman ako. "Mag isa lang naman ako." sagot ko sa kanya.

"Pwede bang makishare ng table? Wala na kasing bakante eh."

Ngumiti naman ako. "Sure, walang problema." sagot ko naman at saka umupo na siya.

Kagaya ng nangyari sa akin ay nilapitan din siya ng waiter at kinuha ang kanyang order.

"Palagi ka bang kumakain dito?" tanong nito sa akin.

Ibinalik ko muna ang phone ko sa bag ko. "Hindi naman, minsan lang din." maiksing sagot ko.

"By the way my name is Jhazzy, kanina pa kita kinakausap nakalimutan ko ng magpakilala."

"It's okay, nice meeting you. I'm Jewel." ani ko sa kanya.

Hindi din nagtagal ay dumating na ang order namin kaya nagsimula na kaming kumain na dalawa habang nagkwekwentuhan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero nakakaramdam ako ng kakaiba dito sa babaeng kaharap ko, pero ayaw ko naman na maging judgemental ba tao baka madami lang ako ng iniisip kaya gano'n. Habang tumatagal naman na nag uusap kami ay masasabi kung mabait naman siya.

"Ito itry mo, masarap 'yan. Madalas akong gumawa niyan sa bahay namin lalo na pag nando'n ang asawa ko." nakangiting turan ko.

"Talaga? Okay I'll taste it. May asawa kana pala? Hindi halata ha." ani niya.

Tumango naman ako. "Actually may anak na din kami." sagot ko naman.

"Wow! Happy family na pala."

Ngumiti naman ako sa kanya. "Ikaw may asawa at anak kana ba?" tanong ko.

"Meron na akong anak, minsan nakakasama namin ang tatay niya masyado kasing busy 'yon sa trabaho kaya hindi namin siya palaging nakakasama."

"Ay gano'n ba? Parang katulad din pala ng asawa ko masyadong nakafocus sa trabaho pero may oras naman siya palagi sa aming mag ina." kako.

"I bet gwapo din ang asawa mo dahil ang ganda mo eh, mabuti at hindi ka naiistress dahil baka may mga umaaligid sa kanya."

"Naku hindi, I trust him naman at alam kung hindi niya naman papatulan ang ibang babae. Palagi niyang sinasabi sa amin kung gaano niya kami ka mahal at hindi niya kami ipagpapalit. Kaya kung meron man may sisira sa amin ay mahihirapan lang siya. Ayaw ko pa naman sa babae 'yong parang desperada na naghahabol sa mga lalaki." sambit ko at napaubo naman siya.

"Are you okay?" tanong ko sa kanya.

"Yes, I'm sorry. Nasamid lang ko dito sa juice. Well tama ka naman wala namang asawa na papayag maagawan. Pero hindi din natin masasabi may iba din kasi na mayayaman na nagkakaroon ng kabit o may nagagawang kasalanan."

"I agree, ang dami pa naman ngayon na kaya manira ng pamilya para lang sa pera." anas ko.

Nagkwentuhan pa kami hanggang sa natapos na kaming kumain at nag ikot ikot pa. Kahit na ngayon lang kami nagkakilala ay mabait naman siya at marunong makisama.

Jhazzy POV

Hindi ko inaasahan na magtatagpo ang landas namin ng asawa ni Thunder, tadhana nga naman ay kampi sa akin. Ang dali niya mauto sa mga bagong kakilala niya pa lang. Ano kayang nagustuhan sa kanya ni Thunder eh parang hindi makabasag pinggan.

At kampante pa na walang makakasira sa pamilya nila, ang hindi niya alam ay sira na ang pamilya niya sa pagtatago pa lang ng asawa niya ng tungkol sa amin. How much more kapag nalaman niya na ang koneksyon namin sa kanyang asawa.

Pagkatapos namin kumain ay niyaya ko muna siyang mag ikot, gaya nga ng sabi nila kailangan mong kaibiganin ang kaaway mo para malaman mo ang weakness nila at 'yon ang una kung gagawin. Kailangan maging close kami ni Jewel dahil kapag nalaman 'yon ni Thunder ay madali ko siyang mapapasunod sa mga gusto ko.

Habang tumitingin kami ng damit ay tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bag ko para tingnan kung sino ito at nakita kung si Thunder ang may message.

Nasaan ka na ? Bumalik kana dito at kailangan ko ng umalis.

Nagreply naman ako sa kanya at saka hinanap kung na saan si Jewel, kailangan ko ng magpaalam sa kanya at mukhang naiinis na si Thunder.

Nakita ko siyang nakatayo sa dulo kaya naglakad na ako palapit sa kanya, napansin kung may kausap siya sa kanyang phone kaya hindi na muna ako lumapit.

'Pauwi na din ako hin, nag grocery lang ako at may mga binili. Sige hintayin na lang kita dito. I love you too.'

Iyan ang narinig kung sabi ni Jewel, ng ibinaba niya na ang tawag saka ako lumapit sa kanya. "May napili ka na ba?" tanong ko.

"Oo meron na, nabayaran ko na din."

"Oh good, Ahm Jewel nice to hang out with you but I need to go now. Hinihintay na kasi ako ng anak ko." pagpapaalam ko.

"Ay gano'n ba. Sayang naman at hindi mo makilala ang asawa ko. Susunduin niya kasi ako ngayon eh,"

"It's okay, may next time pa naman eh. Kapag may free time ka labs tayo ulit." saad ko.

"Sure, no problem! You can call me."

Sabay na kaming naglakad sa may entrance dahil do'n daw siya susunduin ng kanyang asawa. Alam ko naman na hindi ako makikita ni Thunder dahil nasa hospital pa siya ngayon at aalis lang 'yon kapag nando'n na ako.

"So mauna na ako Jewel, masaya akong nakakilala ng bagong kaibigan" nakangiting wika ko.

"Ako din naman." sagot niya naman.

"See you again some other time." anas ko at sumakay na sa kotse ko ng may ngiti sa labi.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon