Chapter 65

903 13 4
                                    

Namuo ang katahimikan sa loob ng silid matapos lumabas ang Thunder, iyak ng iyak si Jewel kaya hinahagod ni Thunder ang kanyang likod habang si Cain naman at tahimik lang na nakaupo sa gilid ng kama ni Monique na halatang hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa sinabi ng doctor.

Maya maya pa ay kita nila ang paggising ng dalaga. Kaya mabilis na hiwakan ni Cain ang mga kamay nito. "Kamusta na ang pakiramdam mo? Nagugutom kaba? Anong gusto mong kainin?" tanong nito pero hindi sumasagot ang dalaga.

Monique POV

Nagising ako na wala akong makitang iba kung hindi puro dilim, ilang beses ko din tinatanong ang mga kasama ko sa kwarto kung bakit wala akong makita ay wala din akong nakuhang sagot. Tinawag nila ang doctor at naraamdaman ko na lang na may itinurok ito sa akin at bigla akong nakaramdam ng antok. Doon pa lang ay napagtanto ko ng may iba.

At ngayon nagising ako at alam kung nandito pa rin sila sa kwarto ko. Ilang beses akong tinatanong ni Cain ngunit pakiramdam ko ay walang gustong lumabas na salita sa bibig ko, dapat ay masaya ako dahil nandito siya sa tabi ko pero hindi ko magawa. Ngayon ay napagtanto ko na ang lahat ng nangyari sa pagitan namin nila Marga at kung paano ako nabangga. Ngayon ay alam ko kung ano ang sagot sa kanila ko pang tanong.

Mapait akong napangiti. 'I can't see anything, I am now blind,' - bulong ko sa aking isip

Biglang naglandasan ang mga luha sa mata ko. She feels useless now.

Mabilis naman siyang dinaluhan ni Cain." May masakit ba? Tell me," bakas sa boses nito ang pag aaalala na mas lalong ikinaiyak ng dalaga

Tinanggal ng dalaga ang pagkakayap sa kanya ni Cain. "Stop Cain, huwag kang mag aala sa akin dahil alam kung wala ka naman dito kung walang nangyari na ganito. You hate me," ani ko.

"What are you talking about? Huwag ka nga mag isip ng ganyan nandito ako dahil gusto ko. Magpahinga kana muna makakasama sa'yo 'yan." anas ni Cain

"Tama si Cain Nique, kailangan mo muna magpahinga." segunda naman ni Jewel ngunit umiling lang ang dalaga.

"Huwag niyo akong kaawaan dahil okay naman ako, as you see buhay naman ako oh." natatatwang sambit ko, ayaw kung kaawaan nila ako.

"And about you Cain hindi mo kailangan manatili dito para lang bantayan ako dahil hindi mo naman ako responsibilidad. Kaya ko naman ang sarili ko." dagdag ko pa.

"Huwag matigas ang ulo mo, anong kaya, ha? Naririnig mo na 'yang sinasabi mo?" madiin na turan ni Cain

"Anong gusto mong ipamukha sa akin na hindi ko kaya dahil nagkaganito ako gano'n ba?"

"Wala akong sinasabi na ganyan ikaw ang nag iisip niyan." sagot naman ni Cain

"Huwag mo akong kaawaan. Ito ang naging karma ko sa lahat ng kasalanan na nagawa ko, nakikita mo naman diba? Ito ang kabayaran ang mabulag ako! Siguro bayad na ako sa pagkawala ng paningin ko diba Cain? Siguro naman sapat na sapat ng kabayaran ang mga mata ko." madiin sa turan ko habang tumutulo ang luha.

Halos hindi mapigilan ni Jewel ang hindi maiyak dahil sa kanyang narinig gano'n din si Thunder na hindi mapigilan ang luha.

"Nique hindi ko hiniling na magkaganyan ka. Hindi ko ginusto ang nangyari sayo. Sa tingin mo ba masaya akong nabulag ka, ha? Hindi!" galit na anas ni Cain.

Hindi na ako nagsalita at patuloy na lang sa pag iyak. Agad naman akong niyakap ni Cain at hindi na ako nagpumiglas pa.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarinig kami ng katok sa pintuan at maya maya pa ay iniluwa nito ang mga magulang ko, kumalas si Cain sa pagyakap sa akin para bigyan ng oras ang mga magulang ko.

Maya maya pa ay naramdaman ko ang pagyakap sa akin ng mommy ko. "My baby, what happen to you?" sambit nito.

"Mom,dad!" mahinang tawag ko sa kanila.

"Ssshhhh now baby, nandito na kami ng mommy mo," rinig ko naman na sambit ng ama ko.

Alam na ng mga ito ang nangyari dahil ibinalita na sa kanila ni Cain kaya hindi na nila tinapos ang mga kailangan nilang gawin at iniwan muna iton para sa kanilang anak.

"Mom, sira na ang career ko. Hindi na matutupad ang mga pangarap ko. Wala na lahat dahil bulag na ako." turan ko dahil alam ko na ang mangyayari sa akin.

"Listen to me Monique, hindi ka mananatiling bulag habambuhay. Gagawin ni daddy ang lahat para maibalik ang paningin mo, hahanap tayo ng paraan at donor para makakita kang muli. Okay?" pursigidong ni daddy.

Nag usap pa kami hanggang sa kumalma na ako, napag usapan ng mga magulang ko na dalhin na muna ako sa ibang bansa para maipagamot at maghanap ng donor.

Narinig ko pa ang sinabi ni Cain na sasama siya sa pag alis namin dahil gusto niya na siya ang mag alaga sa akin pero hindi ako pumayag. Ayaw kung makaistorbo pa sa kanya.

"Ang mabuti pa ay mag usap muna kayo Cain, lalabas lang kami ng tita mo at aayusin namin ang mga kailangan ni Monique bago makaalis." boses ng aking ama.

Kasabay nila ay nagpaalam na din sina Thunder at Jewel na aalis na din muna dahil kailangan na din makainom ng gamot ni Jewel.

"Pinapaandar mo na naman 'yang katigasan ng ulo mo. Sa ayaw at sa gusto mo sasama pa rin ako at hindi mo mababago ang desisyon kung 'yon." bulalas ni Cain ng kami na lang ang maiwan dito sa silid kung nasaan ako.

"Paladesisyon ka rin ano? At sa tingin mo ba hahayaan kung sumama ka, Cain hindi mo kailangan gawin 'yon. Kailangan ka dito at may trabaho ka hindi mo pwedeng iwan 'yon para sa lang sa isang tulad ko,"

"Ako ang boss ng kompanya ko kaya ako ang magdedesisyon kung papasok ako o hindi. Huwag ng matigas ang ulo mo dahil 'yan uubra sa akin." sagot naman ni Cain

"Bakit ba gusto mong sumama? Cain hindi mo ba nakikita bulag ako! Bulag na ako! Papahirapan mo lang ang sarili mo. Magiging pabigat lang ako, naiintindihan mo ba 'yon?"

"So ano ngayon? Wala akong pakialam kung bulag kapa! Gusto kung sumama para alagaan ka!" naiinis na turan nito.

"Hindi mo ako naiintindihan eh, ayaw kung sumama ka! Hindi mo naman kailangan sumama dahil nandiyan naman ang mga magulang ko para sa akin. Cain naiintindihan ko na wala na tayo at tinanggap ko na 'yon kaya hindi mo na kailangan pang ipilit na alagaan ako kasi hindi mo naman 'yon obligasyon." pagpupumilit ko.

"Sino ba ang nagsabi na wala na tayo? May problema lang tayo pero hindi ibig sabihin no'n ay naghiwalay tayo."

Mabilis naman akong umiling. "Kung sinasabi mo lang 'yan dahil sa kalagayan ko at huwag na. Malinaw na sa akin ahg lahat na hindi mo na ako mahal, hindi naman ako gano'n ka despearda para pilitin ang taong ayaw na sa akin."

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nito at pati ang mga yabag niyang papalapit sa akin. Maya maya pa ay hinawakan niya ang kamay ko. "I know nasaktan kita ng sobra dahil sa pagtataboy ko sa'yo at lalo na sa mga binitawan kung salita, pero alam mo naman siguro na hindi din madali sa akin ang lahat. Mahirap ang ginawa kung desisyon na huwag kag kausapin kahit ang totoo ay gustong gusto kitang kausapin at yakapin sa tuwing umiiyak ka ng dahil sa akin."

"Alam ko naman 'yon at naiintindihan ko. I made a mistake at nasaktan kita." mahinang bulalas ko.

Marami pa kaming pinag usapan at sa huli ay hindi ko pa rin siya napigilan dahil desidido talaga siyang sumama sa pag alis ko.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon