Chapter 46

1K 17 0
                                    

Mabilis ang mga hakbang na ginawa ni Monique, labis ang sakit na nararamdaman niya dahil sa ginawa sa kanya ng binata. Bumalik siya sa counter at umorder ng maiinom, wala siyang ibang gusto ngayong kung hindi ay magpakalasing. Akmang iinumin niya na ang kanyang inorder ng may biglang umagaw dito.

"Ano ba! Umorder ka ng sa'yo." sigaw niya at akmang aagawin ang baso.

"Go home now Monique, it's too late," madiin na wika ni Cain

"Leave me alone, I can go home."

"Huwag matigas ang ulo, umuwi kana." sabi nito at mabilis na hinila ang dalaga palabas ng bar.

"Bitawan mo nga ako!"

"Umuwi kana, don't make any scene here."

"Ako pa ngayon? Umalis na nga ako diba, ikaw tong lumapit pa sa akin!"

"At ano sa tingin mo ang ginawa mo? Hindi ba 'yon pag eeskandalo?" inis na sigaw ng binata.

Tumawa naman ng pagak ang dalaga. "So it's my fault. Gusto mong hayaan ko lang kung ao ang sasabihin sakin ng babaeng 'yon gano'n ba?"

"Wala siyang masasabi na kung ano, kung hindi ka lumapit do'n. She is only asking pero ikaw anong ginawa mo? Ikaw ang unang nagsalita ng masama sa kanya. Grow up Monique!" galit na turan nito

Nagsipagbagsakan naman ang luha sa kanyang mata dahil sa sinabi ni Cain. Hindi siya makasagot sa sinabi nito dahil pakiramdam niya ay may bumara sa kanyang lalamunan.

"Go home now and rest," malumanay na saad nito at tumalikod na.

Mabilis pa sa alas kwatro ng hinabol ito ng dalaga at ng maabutan niya ito ay niyakap niya ito. "C-cain, are you still angry to me?"

Bumuntong hininga naman ang binata at kinalas ang pagkakayakap sa kanya ng dalaga. "What do you think? Umiiwas na ako Monique, ginagawa ko ang lahat ng pag iwas sayo dahil sa tuwing nakikita kita bumabalik lahat ng sakit sa akin ng dahil sa ginawa mong pagsisinungaling at pagpapanggap."

"W-we can fix this right? Alam kung mali ang nagawa ko, p-pero pwede pa naman ako magbago."

"I don't know, dahil ngayon hindi ko na alam kung mapagkakatiwalaan pa kita. Ikaw ang pumili sa kung anong sitwasyon meron tayo ngayon, ikaw ang sumira sa atin. And I don't know if I can trust you, dahil sa tuwing nakikita kita pumapasok sa isip ko ang pagsisisi na ikaw pa ang minahal ko." madiin na anas nito

Halos humagulgol na si Monique pero hindi niya inalintana, kailangan niyang makausap ngayon si Cain.

"Can I ask you a favor? Huwag ka ng lumapit pa sa akin. Masyado pang sariwa ang sugat. Ayaw kitang makita." dagdag pa nito at saka na tumalikod pero mabilis na hinawakan ng dalaga ang kanyang braso

"C-cain please stay, m-mahal mo pa naman ako diba?" pagmamakaawa nito

Pumikit ng mariin si Cain at hinawakan ang kamay ni Monique at tinanggal ito sa kanyang braso at naglakad paalis.

Naiwan si Monique na tulala habang nakatanaw sa papalayong pigura ng lalaking mahal niya. Napaluhod siya dahil sa sakit na nararamdaman niya, dahil sa wala siyang sagot na nakuha dito. Ibig sabihin ay wala na talaga, wala ng pag asa pa na magkaayos sila. Siguro dapat niya na tanggapin ang katotohanan na hanggang dito na lang sila.

Halos wala sa kanyang sarili na tumayo si Monique at sumakay na sa kanyang sasakyan, wala ng dahilan pa na manatili siya sa lugar na ito dahil baka mas lalong lang siyang masaktan.

Lingid sa kaalaman niya na ng makasakay siya sa kanyang kotse ay sinundan siya ni Cain. Kahit na hindi sila okay ay nag aalala pa rin siya para sa dalaga, hindi niya gustong saktan ito at hindi sagutin ang tanong nito, pero ito lang ang tanging paraan niya para hindi muna siya guluhin ng dalaga. Ayaw niyang magkita pa sila dahil baka mas lalo lang silang magkasakitan, kailangan muna niyang maging okay at tanggapin ang nagawang mali ni Monique bago niya ito kausapin.

Nang makita niyang umiiyak ito gustong gusto niya itong balikan at yakapin pero pinipigilan niya ang kanyang sarili, iniisip niya na para rin ito sa kanilang dalawa. At ng makita niyang sumakay na ito ng kotse ay dali dali din siyang sumakay sa kanyang kotse at sinundan ito para masiguradong nakauwi ito ng ligtas.

Nakarating na sila sa building kung nasaan ang condo ni Monique, pero hindi niya pa rin nakikitang lumabas ito sa kotse kaya nanatili muna siya rito. Nakalipas pa ang ilang minuto at nakita niyang lumabas na ito at dumiretsong papasok ng building. Hindi na siya bumaba pa ng kanyang kotse para sundan ang dalaga, ayos nasa kanya na nakitang nakauwi ito ng maayos. Ilang segundo pa ang kanyang hinintay bago binuksan ang makina ng kanyang sasakyan at nagmaneho na pauwi.

Nang makapasok si Monique sa kanyang unit ay dumiretso agad siya sa kanyang kwarto at sumalampak sa kama, binuhos niya lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayon sa pamamagitan ng pag iyak, kahit doon man lang ay maiwasan ang sakit kahit papaano. He loves Cain so much at hindi niya inaakala na darating sa puntong magkakasira sila ng tuluyan.

Awang awa siya sa kanyang sarili, ang isang Monique ay naghabol at nagmakaawa sa lalaki pero wala siyang pakialam doon kung para naman sa taong mahal niya, pero malinaw nasa kanya ang lahat na wala na siyang aasahan pa gaya ng pagtalikod sa kanya ni Cain kanina ay siya din pag alis nito sa buhay niya.

Masakit pero kailangan niyang tanggapin, siya ang nagkamali kaya kailangan niyang harapin ito.

Kinabukasan naman ay maagang nagising ang mag asawa dahil uuwi sila sa kanilang bahay dahil nag set ng lunch ang mommy ni Jewel kasama ang pamilya ni Thunder, ngayon lang ulit sila magkakaroon ng pagsasalo salo na kompleto. Matapos ang ilang oras ay nilisan na nila ang kanilang bahay para hindi na sila abutin pa ng traffic.

Isang oras pa ang aabutin bago sila makarating sa Dawson Residence kaya mas mabuti ng maaga sila umalis, pagkababa pa lang nila ng sasakyan ay tumatakbong si Storm na agad ang bumungad sa kanila. "Mommy, Daddy," sigaw nito at humalik sa pisngi ni Jewel at pagkatapos ay lumapit kay Thunder at nagpakarga. Sabay na silang tatlo na pumasok sa loob dahil hinihintay na sila ng kanilang mga magulang.

"Mabuti naman at nandito na kayo, kanina pa nagtatanong 'yang anak niyo." bungad sa kanila ng mama ni Thunder

"Oo nga naman anak, ang tagal niyo. Hindi pa ba kayo tapos sa pagsosoloniyo." biro naman ng ama ni Thunder

"Mukha sigurong bitin pa pare," segunda naman ng ama ni Jewel

Halos mamula naman ang mukha ng dalagang si Jewel dahil sa narinig. Mabilis na hinawakan ni Thunder ang kanyang kamay para pakalmahin.

"Halina kayo at kakain na tayo," aya ng ina ni Jewel

Habang kumakain sila ay nagpaalam muna si Storm na maglalaro lang sa garden. 

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon