Chapter 82

606 9 0
                                    

Dark POV

Napadaan ako sa starbucks dahil bumili muna ako ng kape, pupunta kasi ako ngayon sa opisina ni Thunder dahil may pag uusapan kami at nabanggit niya sa akin na baka bukas ay malaman niya na ang totoo.

Pagkakuha ko ng order ko ay agad akong lumabas at sumakay sa kotse ko, pero bago pa ako makaalis ay nakita ko si Jewel na pasakay ng isang taxi at kasunod nito ay si Jhazzy na nakangiti, hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko ngayon.

Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Thunder pero hindi nito sinasagot kaya inistart ko na lang ang kotse ko at nagdrive papunta sa kanyang kompanya. At dahil hindi naman kalayuan ito sa lugar kung nasaan ako ay mabilis akong nakarating. Nagpark lang ako at dumiretso na sa pagpasok.

Hindi na ako nag abala pang magtanong sa kanyang sekretarya at dumiretso na ako sa opisina ng kaibigan ko, pagpasok ko ay nakita ko siyang seryosong nakatingin sa kanyang laptop at mukhang hindi napansin ang pagpasok ko.

"Ang busy natin ah." anas ko at saka lang ito tumingin sa akin.

"May binabasa lang ako, bakit ang aga mo yata?" tanong niya sa akin.

"Tinapos ko na kasi ang kailangan kung pirmahan sa opisina kaya nakaalis ako agad ng maaga. Maiba nga ako bro, nasaan si Jewel?" tanong ko.

Napatingin naman ito sa akin. "Kanina ng umalis ako ay nasa bahay siya, hindi ko lang alam ngayon kung lumabas siya."

"I saw her kanina ng dumaan ako sa coffee shop mukhang pauwi na, pero mukhang magkasama sila ni Jhazzy." pagkwento ko.

"What? Nakausap ko kanina si Jhazzy ang sabi niya ay nag iikot ikot lang siya, imposible na kasama niya ang asawa ko dahil hindi niya naman 'yon nabanggit sa akin."

"Trust me bro, nakita mismo ng dalawa kung mata. Mukhang kailangan mong kausapin si Jewel, iba talaga ang pakiramdam ko ngayon." saad ko.

Nakita ko na kinuha niya ang kanyang phone at mukhang tinatawagan si Jewel pero halata sa mukha nito na hindi sumasagot ang kanyang asawa.

"Why?" tanong ko.

"Hindi siya sumasagot. Shit!" sambit niya.

Napahilamos siya sa kanyang mukha, mayamaya pa ay isinara niya ang kanyang laptop. "I need to go home now, hindi ako mapakali hangga't hindi ko alam kung may sinasabi ba ang babaeng 'yon sa asawa ko." ani niya.

"I'll come with you." saad ko at tumango naman siya.

Mabilis ang pagdadrive ni Thunder kaya minsan ay halos hindi ko na siya maabutan, sana lang ay mali ako hinala ko sana ay wala pang sinasabi sa kanya si Jhazzy dahil malaking gulo ito pag nagkataon.

Pagdating namin sa bahay nila ay mabilis na bumaba si Thunder sa kanyang sasakyan kaya sinundan ko na lang ito at pumasok na din sa loob. Ilang beses niya tinawag ang pangalan ni Jewel pero walang sumasagot kaya kahit ako ay tinulungan na din siya hanapin ito. Umakyat siya sa taas para tingnan kung nando'n ang asawa niya sa kanilang kwarto.

Kitang kita ko ang pagkadismaya sa kanyang mukha ng makababa ito.

"Nasa kwarto ba siya?" tanong ko.

Umiling naman ito na naupo na lang sa sofa habang nakayuko.

"Bro what happen?" kinakabahang tanong ko ulit.

"She's gone, she left me." halos paos na sambit nito.

"W-what?" halos hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

"Wala akong Jewel na nakita sa kwarto tanging itong singsing lang at sulat ang nando'n. Alam niya na ang lahat Dark."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, sana pala ay sinundan ko na lang si Jewel kanina ng makita ko siya baka sakaling napigilan ko pa siya sa pag alis.

Thunder POV

Nang sinabi sa akin ni Dark na nakita niya si Jewel at Jhazzy ay kinabahan na ako lalo pa no'ng hindi sinasagot ng asawa ko ang mga tawag ko, kaya nagmadali akong umuwi sa bahay. Mas gusto kung makasigurado pero nanlumo lang ako ng wala akong madatnan sa bahay.

Tanging isang sulat at singsing ang nakita ko na nakatapong sa mini table ng kwarto namin.

Thunder,

Marahil kapag nabasa mo ito ay nakaalis na ako. Alam ko na ang lahat alam ko ng may anak ka sa ibang babae, hindi ko lang lubos maisip na kaya mong ilihim sa akin ang bagay na ito. Masakit malaman na ay ibang naanakan ang asawa ko pero mas masakit ang hindi mo pagsabi sa akin ng totoo at sa iba ko pa nalaman.

Gusto kung ipaglaban ang pamilya meron tayo pero sa ngayon ay hindi ko alam kung papaano gagawin 'yon dahil sobran akong nasasaktan. Mahal kita, mahal na mahal kita kaya ako nasasaktan ng ganito. Sana sinasabi mo na lang sa akin para hindi ako nagmukhang tanga, pakiramdam ko ay pinaglaruan niyo ako ni Jhazzy, hindi ko alam na ang dalawang nakakasama ko ay may ugnayan sa nakaraan, hindi ako selfish na tao at hindi ko ipagkakait na maging ama ka sa ibang anak mo.

Ang dami na nating napagdaanan simula pa noon at akala ko ay magkakaroon na tayo na normal at masayang pamilya, pero mukhang masisira pa ito ng isang kasinungalingan. Sabi mo walng lihiman pero ano itong ginawa mo? Ilang beses kitang tinanong kung may problema o may gusto kang sabihin dahil matagal ko ng nahahalata na balisa ka. Asawa mo ako kaya nararamdaman ko 'yon.

Noong una ay hindi ko maisip kung ano ang dahilan kung bakit mainit ang dugo ko kay Jhazzy at kung bakit ayaw mong nakikipaglapit siya sa akin at ngayon ay alam ko na ang kasagutan na hindi ko nakuha sa'yo.

Umalis ako hindi dahil sa sinukuan ko ang pamilya na meron tayo, umalis ako dahil nasasaktan ako. Hindi ko kayang humarap sa'yo at mas lalong hindi ko kayang lokohin ang anak ko na okay ako, okay tayo sa harap niya. I need space, I need peace of mind. Hindi ko alam kung kailan ako magiging okay, kung kailan maghihilum ang sakit. Sana ay alagaan mo si Storm at huwag mo siyang pababayaan. Kahit na may anak ka sa iba sana ay hindi ka magbago sa anak natin at panindigan mo ang anak mo sa iba, wala siyang kasalanan dito.

Ingatan mo ang sarili mo. Mahal na mahal kita pero hanggang dito na lang siguro ako. Paalam!

- Jewel

Tumayo na ako at inilagay sa bulsa ko ang sulat at singsing, kailangan kung pagbayarin ang babae na sumira sa amin.

"Where are you going?" tanong ni Dark.

"Pupuntahan ko lang ang babaeng 'yon! Malilintikan talaga siya sakin. Hayop siya!" ani ko.

"Bro calm down first, I suggest huwag mo na ngayon dahil siguradong kasama niya ang anak niya. Hindi pwedeng makita ng bata na nag aaway kayo." awat sa akin ni Dark.

"At ano ang gusto mong gawin ko, ha? Hayaan na lang ang babae na 'yon sa pagsira sa pamilya ko?" madiin na wika ko.

"Ang sinasabi ko lang kumalma ka muna, huwag mong hahayaan na makagawa ka ng hindi magandang bagay. Maghintay ka muna at malay mo umuwi din si Jewel."

Napasabunok na lang ako ng buhok ko sa sobrang frustration na nararamdaman. I need Jewel in my life!

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon