Chapter 30

2.3K 31 3
                                    

Isang linggo na ang nakalilipas, pero sa bawat araw na iyon ay palaging nasisira ang araw niya dahil sa taong ayaw na ayaw niyang makita.

Madalas niyang dalawin ang matalik na kaibigan na si Calleigh pero hindi siya makatagal sa bahay nila Dark dahil nandoon din si Thunder na labis niyang ikinaiinis. Hindi niya alam kung natataon lang ba o nananadya talaga ang binata.

At kapag naman nagkikita sila kasama si Celine para pag usapan ang tungkol sa catering ng kasal nila ay hindi sila matapos tapos dahil walang ginawa ang dalawa kung hindi maglambingan sa harap niya, sa totoo lang gusto niya ng icancel ang pagcacater ng restaurant niya sa kasal ng dalawa pero ayaw niya naman na maging unprofessional na tao dahil makakaapekto ito sa kanyang restaurant.

At ngayong araw na ito ay kasama niya ang kanyang mga magulang sa kanilang kompanya, may importante kasi silang pag uusapan. Samantalang ang kanyang anak naman ay kasama ng kanyang nanny sa mall kung saan malapit lang din sa kompanya nila.

Habang nag uusap sila ng kanyang magulang ay biglang tumunog ang kanyang telepono, kaya nag excuse mo na siya para sagutin ito.

Eliza Calling .....

Kumunot ang kanyang noo ng makita na ang nanny ng kanyang anak ang tumatawag.

"Hello Eliza, bakit napatawag ka?" tanong niya pagkasagot

Hindi siya nakarinig ng sagot mula rito, kaya inulit niya ang tanong baka hindi lang narinig ng kausap.

"M-ma'am, k-kasi a-ano eh," nauutal na turan nito

Bigla siyang binalit ng kaba ng marinig ang sinasabi ni Eliza.

"Pwede ba Eliza ayusin mo naman iyang sinasabi mo, hindi ko maintindihan eh. Ano bang nangyayari?" naiiritang tanong niya.

"M-maam si Storm kasi,"

"What? Anong nangyari? Nasaan si Storm?" mabilis na tanong nito

"N-nawawala po kasi siya."

"P-paanong nawawala? Nasaan ba kayo? Pupunta ako diyan." mabilis niyang ibinaba ang tawag at nagmadaling lumabas ng opisina

Tinatawag siya ng kanyang mga magulang pero para siyang bingi at hindi man lang ito pinansin, nasa isip niya lang ng mga oras na iyon ay ang anak niya, anak niyang nawawala.

Alam niya rin na nakasunod ang kanyang mga magulang sa kanya.

Mabilis siyang nakarating sa mall dahil hindi naman ito kalayuan sa kung nasaan sila. Pagkarating niya sa mall ay natanaw niya si Eliza na namumutla na sa sobrang kaba, agad siyang lumapit dito. "Eliza what happen? Where is my son?" tanong nito

"Kasi ma'am nandito lang naman siya eh, saglit lang ako nalingat pag tingin ko wala na po siya,"

"Ano kaba naman Eliza! I hired you to take care my son and now you are telling me that my son is missing? Anong pagbabantay ba ang ginawa mo, ha?" yugyog niya dito

Nagsimula ng umiyak si Eliza dahil hindi niya alam ang gagawin, sa ilang taon na pagiging nanny niya kay Storm ay tinuring niya na rin itong anak, mahalaga sa kanya ang mag ina kaya labis ang pag aalala niya.

Halos maiyak na si Jewel dahil sa nangyari, samantalang ang kanyang mga magulang ay kinausap ang costumer service at iba pang staff ng mall para tulungan silang mahanap si Storm.

Halos inabot na sila ng ilang oras ay hindi pa rin nila makita ang bata, umikot na din ang ivang staff at security ng guard sa mall pero hindi talaga makita si Storm.

Labis na pag aaalala ang narararamdaman ngayon ni Jewel para sa anak.

Kahit na may mga pagkukulang siya rito ay hindi maipagkakailang mahal niya ang anak.

Hindi man nito maipakita at maiparamdam ng buo ay mahal na mahal niya ito.

Kahit madalas siyang nagiging busy at hindi makabonding ang anak ay alam niya sa kanyang sarili na lahat ng ginagawa niya ay para dito at sa future nito.

Alam niyang matalino ang kanyang anak at hindi ito basta basta lang mawawala kung walang kumuha.

Bumalik na naman ang kaba na nararamdaman niya kanina, iniisip niya na kung paano pag may kumidnap sa anak niya? Paano pag mapahamak ito?

Nandito pa rin sila hanggang ngayon sa mall at naghihintay ng balita, maya maya pa ay may lumapit na staff ng mall sa kung saan sila nakaupo.

"Ms. Jewel we just want to inform you that until now we don't have any updates about your son, hindi pa rin siya nakita ng mga staffs namin dito sa loob ng mall." hinging paumanhin ng isang manager

"Damn it! You need to find my son! Hindi ako uuwi hanggat hindi ko kasama ang anak ko. Dito siya nawala kaya alam kung nandito lang siya." naiiyak na saad ko.

Kanina pa anv pagpigil niyang pumatak ang kanyang mga luha. Ayaw niyang maging mahina sa harap ng ibang tao lalo na sa harap ng kanyang mga magulang.

"Calm down Jewel, we will do our best to find Storm, okay?" wika ng isang police na kaibigan ng kanyang ama.

Saglit na kinausap pa ng police ang kanyang mga magulang.

Maya maya pa ay lumapit ang mga ito sa kanya. "We need to go home now, sila na ang bahala sa paghahanap kay Storm. Kailangan natin maghintay ng 24 hours." anas ng kanyang ama

Noong una ay ayaw niya pa sanang pumayag pero wala rin siyang nagawa pa.

Napaupo na lang siya sa sofa pagkarating nila sa kanilang bahay.

"This is you fault Jewel, kung naging hands on ka lang sana sa anak mo hindi ito mangyayari, hindi siya mawawala." biglang salita ng kanyang ina

"What? Bakit parang ako pa ang sinisisi niyo sa nangyari mom? Ako ba ang nagwala sa anak ko?" inis na turan niya

"Diba gusto mo siyang iwan dito at babalik ka ng Canada? Tingnan mo ngayon nawawala ang anak mo  This is what you want right? Ang mawala sa landas mo ang anak mo." diin na saad ng ina

"Say whatever you want to say mom, pagod na akong makipag argumento sa inyo. Si storm lang ang inaalala ko sa ngayon. Kung inaakala niyo na gusto ko ang pagkawala ng anak ko, hindi ganoon yun may puso pa din naman ako at ni minsan hindi ko pinagdasal na mawala ang anak ko. Masama man akong ina sa paningin niyo pero hindi ko gugustuhin na may mangyaring masama sa sarili kung anak." aniya sabay tayo at akyat sa taas.

Hindi niya nagustuhan ang sinabi ng sariling ina. Pakiramdam niya ay siya ang sinisisi nito sa pagkawala ng kanyang anak.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon