Chapter 77

566 8 0
                                    

Thunder POV

Kanina ko pa tinatawagan si Jhazzy pero ang tagal sagutin, nakakainis na talaga ang babaeng 'yon. Mabuti na lang at kasama ko ngayon si Dark dahil hinatid niya lang naman si Calli at bumalik na din siya sa kanyang opisina kaya nakiusap ako sa kanya na ihatid muna pauwi ang dalawa dahil susunduin ko pa ang asawa ko.

Mayamaya pa ay bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang babaeng kanina ko pa hinihintay. "Bakit ang tagal mo? Alam mong may pupuntahan pa ako." anas ko sa kanya.

"May binili lang ako at nagkita kami ng kaibigan ko, nahihiya naman akong iwan siya aga." paliwanag niya.

"Aaalis na ako, okay na naman siya sabi ng doctor at kumain na din siya. Pwede na kayong makauwi kapa nagising siya. Si Dark na ang maghahatid sa inyo." kako at tumayo na.

"No need na, may dala naman akong kotse kaya hindi na kailangan na ihatid pa ako ng kaibigan mo."

"It's up to you. Aalis na ako dahil naghihintay pa ang asawa ko. Let's go bro." pag aya ko kay Dark.

"Sige na umalis kana at baka hinihintay kana ni Jewel." sagot naman ni Dark kaya tumango na lang ako at saka tuluyang lumabas ng kwarto.

Dali dali akong lumabas ng hospital at sumakay na sa kotse ko. Saktong malapit lang dito ang mall kung nasaan ang asawa ko kaya do'n ko na lang siya susunduin. At dahil wala namang traffic ay mabilis akong nakarating at nakita ko si Jewel na nakatayo sa may entrance ng mall.

Agad akong bumaba ng kotse ko at pumunta sa pwesto kung nasaan siya, mukhang hindi niya pa ako nakikita. Nang makalapit na ako sa kanya ay hinalikan ko siya sa pisngi na ikinagulat niya.

Mabilis niya naman akong hinampas na ikinatawa ko. "Ikaw talaga kahit kailan. Hindi ka man lang nagsabi na nandito kana." nakangusong turan niya.

"Mukhang wala ka sa ayos at hindi mo napansin na nandito na ako. Nasaan pala ang pinamili mo?" tanong ko sa kanya.

"Ito lang naman oh, hindi naman ako namili ng marami." natatawang saad nito.

"Akala ko ba nag grocery ka?" tanong ko sa kanya.

"Oo nga, pinadala ko na sa driver kanina at pinauna ko na siyang umuwi. Magcocommute na lang sana ako, ayaw ko naman na maghintay ng matagal ang driver natin."

"Kaya nga may driver ka para hindi kana mag commute." wika ko.

"Eh hayaan mo na, hindi ko kasi alam kung magtatagl ako o hindi."

Kinuha ko naman ang mga pinamili niya at inilagay na sa loob ng kotse, habang siya ay nauna ng sumakay sa loob.

Nang maayos ko na lahat ng mga nabili niya ay sumakay na din ako at nagdrive. Actually nagbago ang isip ko kanina himbis na lumabas kami ay sa bahay ko na lang siya isusurprise ng date.

"How's your day?" tanong ko sa kanya habang nagdadrive.

"Okay lang naman at isa pa pala hon may nakilala akong bagong kaibigan." kwento niya.

Kumunot naman ako noo ko. "Kaibigan? Sino? Nakilala mo lang?" tanong ko na ikinatango niya naman.

"Huwag ka nga basta basta nakikipag usap kung kani-kanino. Baka mamaya masamang tao 'yan." ani ko sa kanya.

"Mabait naman siya eh." pagpupumilit niya.

Minsan talaga nasosobrahan ng kabaitan ang asawa ko, ang bilis niya magtiwala sa mga tao kahit kakakilala niya pa lang.

"Just be careful always." bilin ko sa kanya at nagpatuloy na sa pagdadrive.

Dark POV

Sinadya ko talagang magpaiwan dito sa hospital, wala talaga akong tiwala sa babaeng ito. Kahit pa hindi pa lumalabas ang report ng inutusan ni Thunder ay alam kung hindi naman talaga anak ng kaibigan ko ang batang ito.

Ano kaya ang motibo ng babae na 'to? Bakit kailangan niyang magpanggap at ipaako sa kaibigan ko ang anak niya.

"Bakit ganyan ka makatingin." tanong niya sa akin.

"Masama ba? Tinitingnan ko lang ng mabuti ina ng batang 'to na anak ni Thunder. Baka kasi maalala kita dahil simula noon ay magkaibigan na kami kaya alam ko o natatandaan ko ang mga babae na dumadaan sa kanya." diretso kung saad.

"Matagal na kasi 'yon at sigurado ako na no'ng nagkakilala kami ni Thunder ay hindi niya kasama ang mga kaibigan niya."

"I see, bakit ngayon ka lang nagpakita? Ilang taon na ang anak mo." anas ko.

"Matagal kaming nasa ibang bansa at ayaw ko makasira ng pamilya dahil alam kung kasal na ang kaibigan mo."

"So bakit ngayon lumabas na kayo? Para ano? Sabihin mo nga sa akin ano ang totoong intensyon mo? Malinaw ang sinabi mong ayaw mong makasira ng pamilya." saad ko, gusto ko talagang tingnan kung hanggang saan ang babae na ito.

"Dahil malaki na ang anak ko at naghahanap na siya ng ama, ayaw ko naman ipagkait sa kanya 'yon. Wala naman siyang kasalanan. Kung inaalala mo na maghahabol ako ay hindi. Gusto ko lang na makilala ng anak ko ang ama niya."

"I hope so, kasi masaya at maayos na ang pamilya nila. Marami na silang napagdaanan kaya sana wala ng sumira do'n." ani ko.

"Like what I said hindi ako maninira ng pamilya. Hindi ko ugali ang bagay na 'yan. Hindi din naman ako makikigulo sa buhay nila ng asawa niya, ginawa ko lang ito para sa anak ko na naghahanap ng ama."

"Mabuti ng malinaw. Alam ko naman kung gaano ka mahal ng kaibigan ko ang asawa niya na kahit may sumira dito ay naniniwala pa din ako na magkakaayos sila." saad ko at tumayo na.

"I have to go now, tutal hindi na naman kailangan na ihatid oa kayo dahil ang sabi mo ay may dala ka naman na sasakyan." dagdag ko pa.

Nakita ko naman siyang tumango kaya tuluyan na akong lumabas ng pinto. Alam kung may masamang binabalak ang babaeng 'yon sa mga kaibigan ko at kailangan kung malaman kung ano 'yon. Kailangan kung malaman kung sino ang totoong ama ng anak niya.

Tuluyan na akong lumabas ng hospital at sumakay sa kotse ko at dahil malapit na din naman mag gabi ay uuwi na ako.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon