Chapter 59

872 13 1
                                    

Cain POV

Mag aalas diyes na ng gabi at nandito pa rin kami sa bar ni Thunder, pinag usapan lang naman namin ang mga nangyari sa buhay naming magkakibigan. Maya maya pa ay tumayo na ako. "Hindi kapa ba uuwi? May meeting pa ako bukas kaya mauuna na ako sayo," kako.

"Mauna kana, uuwi din ako maya maya."

"Sigurado ka? Kaya mo bang umuwi mag isa? Lasing kana eh sa dami ng ininom mo," nag aalalang tanong ko dito.

"Yeah, I can manage."

Wala naman akong magawa dahil alam ko naman na kahit magpumilit pa ako ay wala din akong magagawa. Kaya umalis na ako dahil kahit gustuhin ko man na manatili ay hindi pwede, may meeting ako kinabukasan.

Nang makasakay na ako sa kotse ay naisipan kung tawagan si Jewel, ilang ring lang ay sinagot din naman nito.

"Bakit ka napatawag Cain?" boses sa kabilang linya

"Kasi nagbar kami ng asawa mo, eh nauna na akong umuwi. Sunduin mo na lang siya dito kasi lasing na."

Saglit lang ang naging pag uusap namin dahil papunta na naman si Jewel sa bar, kaya pinaandar ko na ang makita ng sasakyan ang nagdrive na pauwi.

Sa kabilang banda naman ay katatapos lang maligo ni Jewel, habang nagsusuklay siya ng biglang tumunog ang kanyang telepono at nakita niyang tumatawag si Cain. Sinagot niya naman agad ito at nalaman niya na magkasama pala sila ng asawa niya.

At kagaya ng sinabi ng binata ay nagsuot lang ni Jewel ng jacket dahil malamig nasa labas, mabilis niyang kinuha ang susi ng kanyang kotse at mabilis na nagdrive papunta sa bar na sinabi ng kaibigan.

Pagkababa niya pa lang sa lugar ay rinig na rinig niya na ang ingay na nanggagaling sa loob. Ipinark niya muna na maayos ang kanyang sasakyan, alam niyang walang dalang kotse ang kanyang asawa dahil ang sabi ni Cain ay iniwan ito ni Thunder sa kompanya.

'Paano na lang pala kung hindi ako tinawagan ni Cain, paano uuwi ang isang 'to'- isip ng dalaga.

Agad na pumasok ang dalaga sa loob ng bar at hinanap ng kanyang mata ang asawa. Lakad lang siya ng lakad hanggang sa makita niya ang asawa sa isang lamesa, lalapitan niya na sana ito ngunit napatigil siya sa paglalakad dahil sa nakitang may kahalikan itong iba.

Thunder POV

Nang makaalis si Cain ay umorder pa ako ng alak, uuwi din naman ako maya maya. Naalala ko na hindi ko pala dala ang kotse ko kaya wala akong choice kung hindi mag commute, habang iniinom ko ang huling alak na inorder ko ng biglang may lumapit sa akin.

"Hi handsome, mag isa ka lang ba? Anong kailangan mo?", tanong nito

"Isn't it obvious that I'm alone?"

Natawa naman ito. "Ito ang nga gusto ko sa lalaki eh 'yong masunget. You know mag isa lang din ako, baka gusto mo ng kasama I'm free tonight." malanding saad nito

Hindi ko na lang ito binigyan ng atensyon dahil wala naman anong balak na kausapin niya pero sadyang makulet ito at daldal ng daldal kahit hindi ko naman siya sinasagot. Nagpatuloy lang ako sa pag inom ng hindi inaalala na may kasama ako.

Maya maya pa ay nagulat ako ng bigla itong kumandong sa akin. "What are you doing? Get off me!" madiin na saad ko at itinulak ito.

Ngunit nagulat ako ng bigla niya akong siniil ng halik, mabilis ko naman agad itong itinulak ng marahas. Bigla kung napansin na parang may matang nakatingin sa amin at ng tingnan ko ay nakita ko ang asawa kung mataman na nakatingin sa amin habang tulala.

Maya maya pa ay nakita ko siyang nagmadaling umalis kaya agad akong tumayo para sundan ito, narinig ko pa ang pagtawag sa akin ng babae ngunit wala na akong pakialam, ang importante sa akin ngayon ay mahabol ang asawa ko.

Mas binilisan ko pa ang lakad para maabutan ko ito at paglabas ko ng bar ay nakita ko siyang mabilis na naglalakad papunta sa kotse, kaya tumakbo na ako para maabutan ito.

"Hon," tawag ko dito ngunit para itong walang naririnig dahil diretso pa rin ang lakad nito

Nang naabutan ko siya ay hinagit ko ang kanyang braso, nakita ko ang mga luha sa kanyang mga magagandang mata. "Hon, let me explain. It's not what you think," natatarantang turan ko at niyakap siya ng mahigpit

"Y-you don't need to explain. I have seen enough."

"Let's go home and talk please," pakiusap ko

Pero umiling lang ito kaya wala na akong ibang choice kung hindi ang buhatin siya papasok ng sasakyan.

"Let me go, Thunder!" sigaw nito habang patuloy sa pagpupumiglas

"Huwag kang magalaw malalaglag ka."

"Put me down! Damn you!" patuloy pa rin ito sa paghampas sa akin pero hindi ko na 'yon ininda. Hindi pwedeng hindi ko siya mauwi ngayon.

Ipinasok ko siya sa kotse at nilock ito bago umikot sa kabila. Mabuti na lang at naagaw ko sa kanya ang susi.

Habang nagdidrive ako ay tahimik lang ito per rinig ko pa rin ang kanyang paghikbi, ilang beses ko siyang sinubuksan na kausapin pero hindi niya ako sinasagot.

"Stop this car Thunder, I don't want to go home with you." biglang bulalas nito sa kalagitnaan ng byahe.

"No I won't! Uuwi tayo Jewel at mag uusap," anas ko

"Ayaw kitang makausap! Gusto kung umuwi sa bahay namin."

"Sa bahay natin ikaw uuwi at hindi sa kung saan na bahay!"

"I told you to stop the car!" sigaw nito

"Kahit anong pagpupumilit mo hindi ko ihihinto ito. Mag uusap tayo sa ayaw at sa gusto mo," seryoso at madiin na na wika ko

Alam kung matigas ang ulo ng asawa ko at higit sa lahat alam ko ang tumatakbo sa kanyang isip, kaya gusto ko siyang makausap para malinawan sa nakita niya. Ayaw kung isipin niya na nambababae pa ako habang gumagawa ako ng paraan para mabawi ang tiwala nilang mag ina ko.

Mabuti na lang at hindi na ito nagpumilit pa at nanahimik na lang pero umiiyak pa rin ito. Ayaw kung ganito kami, ayaw kung nakikitang umiiyak at nasasaktan ang asawa ko.

Nang makarating kami sa bahay ay mabilis itong lumabas at malakas na isinara ang pinto ng kotse. Bumuntong hininga na lang ako at inayos ang pagpapark nito sa garahe bago siya sinundan sa loob.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon