Chapter 80

708 6 0
                                    

Jewel POV

Dalawang linggo na ang nakakalipas simula ng mas maging close pa kami ni Jhazzy dahilan para madalas din kaming magbangayan ni Thunder, hindi ko maintindihan kung bakit mainit ang dugo niya kay Jhaz gayo'ng mabait naman ito.

Katulad na lang kahapon na niyaya ako ni Jhazzy para mag mall at no'ng makauwi ako at nalaman ng asawa ko kung sino ang kasama ko ay nagkasagutan na naman kami, madalas ko din itanong sa kanya kung bakit ayaw niya na maging kaibigan ko 'yon pero ang sinasagot niya lang ay wala siyang tiwala.

Minsan ko na din silang nahuli na parang may pinag uusapan o kaya nagtatalo, hindi ko naman malaman kung ano ang dahilan dahil kapag nagtatanong naman ako ay pareho silang iiwas.

Minsan iniisip ko na nagiging unreasonable na ang asawa ko pero ayaw ko naman na balewalain ang mga sinasabi at nararamdaman niya. Kaya minsan mas pinipili ko na lang na manahimik para hindi na kami magbangayan.

Kasalukuyan akong nasa banyo dahil nagising ako na parang bumabaliktad ang sikmura ko, simula no'ng isang linggo ay madalas akong nasusuka at nakakaramdam ng pagkahilo. Hindi ko na lang ito sinasabi sa asawa ko dahil ayaw ko naman na mag alala siya.

Nang medyo umayos na ang pakiramdam ko ay naligo na ako, pupunta ako kasi sa doctor para magpacheck up. Gusto ko malaman kung bakit ganito ang nararamdaman ko, baka may sakit na ako tapos hindi ko pa alam. Wala dito ngayon si Thunder dahil may pinuntahan sila ni Cain, kakabalik lang din kasi ng lalaking 'yon no'ng isang araw.

Matapos akong maligo ay nagbihis na ako ng simpleng dress at naglagay ng konting make up. Kinuha ko ang maliit kung bag na nasa mesa at nilagay ko sa loob ang wallet at phone ko. Wala naman na akong ibang dadalhin.

Nang makaayos na ako ay lumabas na ako ng kwarto at tinawag ang driver, magpapahatid lang ako restaurant at do'n na lang ako maghahanap ng taxi paraa sakyan papunta sa hospital. Ayaw kung ihatid ako ng driver dahil baka magsumbong pa ito sa asawa ko.

Pagkalaan ng sampung minuto ay nakarating din ako ng restaurant, hindi ako pumupunta dito madalas dahil malaki ang tiwala ko sa mga empleyado ko kaya kahit na wala ako ay alam kung nasa maayos na lagay ang business ko. Bumaba na ako at hinintay ko na makaalis na ang driver namin. Pagkatapos ay pumara na ako ng taxi at nagpahatid sa hospital.

"Ma'am I laready have your result." anas sa akin ng doctor na tumingin sa akin.

"What i it doc.? May sakit ba ako?" kinakabahang tanong ko.

Ngumiti naman ito sa akin. "You don't need to worry Mrs. Alcantara dahil wala kang sakit." sagot niya kaya nawala ang kaba na kanina ko pa nararamdaman.

"Ang totoo niyan kaya ka nakakaramdamn ng ganyan lalo na kapag umaga ay dahil sa buntis ka kaya natural lang 'yan." dagdag pa nito na ikinalaglag ng panga ko.

"W-what doc.? Ako?" pag uulit ko.

Tumango naman ito. "Yes, you are pregnant Mrs. Alcantara." pagkumpirma niya.

Halo halo ang naramdaman ko ng mga oras na 'yon. Hindi ko man lang alam na may dinadala na pala ako, nawala sa isip ko na delayed na pala ako.

Kinausap pa ako ng doctor ng ilang minuto at saka binigyan ako ng listahan ng mga gamot na kailangan inumin lalo na mga vitamins, sinabi niya din sa akin ang mga dapat kung kainin.

Mayamaya pa ay nagpaalam na ako, habang naglalakad ako palabas ng hospital ay parang wala ako sa sarili ko. Masaya ako dahil magkakaroon na ng kapatid si Storm at madadagdagan na ang pamilya namin, siguradong matutuwa si Thunder kapag nalaman niya ito.

Habang naghihintay ako ng taxi para makauwi ay tumunog ang phone ko, kinuha ko naman ito at binasa ang mensahe na galing kay Jhazzy.

Hey, Jew meet me at starbucks.

Nagreply lang ako sa kanya at saka pumara ng taxi at nagpahatid sa starbucks kung nasaan si Jhazzy.

Nang makarating ako do'n ay pumasok na ako agad at naabutan ko si Jhazzy na nakaupo sa di kalayuan kung saan ako nakatayo. Nang mapansin niya ako ay kumaway ito sa akin kaya naglakad na ako palapit sa kanya.

Sabay na kaming umorder at pagkatapos ay nag excuse muna ito sa akin na nagbabanyo muna. Habang hinihintay ko ang order namin ay tumunog ang phone ni Jhazzy na naiwan sa mesa, tiningnan ko ito at nanlaki ang mata ko ng makitang ang asawa ko ang tumatawag sa kanya.

Bakit tatawag sa kanya si Thunder? Ano naman ang dahilan?

Hindi ko maiwasan ang hindi mapaisip kaya kinuha ko ang phone ni Jhazzy at tiningnan ito, dahil naman nakalock o wala namang password at malaya ko itong nabuksan. Mas nagulat ako ng makita na ang wallpaper niya ay ang kanyang anak na kasama ang asawa ko.

Tiningnan ko ang nasa call logs niya at nakita ko na halos asawa ko ang nando'n. Hindi ko mapigilan ang hindi mag isip ng kakaiba pero hindi maiwasan ng utak ko dahil sa mga nakita ko.

Posible kayang may namamagitan sa kanila ng asawa ko? Kaya ba ayaw ni Thunder na maging malapit ako kay Jhazzy dahil may tinatago sila? Pero imposibleng lolokohin ako ng asawa ko dahil alam kung hindi niya 'yon magagawa at mahal na mahal niya kami ng anak ko, pero paano niya mapapaliwanag ang mga nakita ko?

Nang mapansin ko na pabalik na si Jhazzy ay mabilis kung ibinalik ang kanyang phone sa mesa at nagkunware na walang may nakita. Sakto naman na pagbalik niya ay pagdating ng order namin.

"Ahm, Jhaz?" panimula ko.

"Yes?" sagot naman niya.

"Nasaan pala ang tatay ng anak mo? Naikwento mo sa akin na may anak ka." anas ko.

Uminom muna siya ng kape at saka tumingin sa akin. "Ah 'yon? Masyado kasing busy sa trabaho ang ama ng anak ko, hayaan mo ipapakilala ko siya sa'yo." nakangiting sagot niya.

"Oo nga naman huwag kang madaya, ikaw nga kilala mo na ang asawa ko kaya dapat ipakilala mo din 'yong sayo." wika ko kahit ang totoo niyan ay kating kati na ako malaman kung sino ang tatay ng anak niya.

Hindi din nagtagal ay natapos na kaming kumain kaya lumabas na kami at naglakad lakad sa park na malapit sa bench at dahil sa maaga pa kaya walang masyadong tao pa ang nakatambay dito.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon