Chapter 11

2.3K 47 11
                                    

Nang makarating abg dalagang si Jewel sa kanilang bahay ay agad itong umakyat sa kwarto para makapagpalit, habang nagbibihis siya ay napadpad ang tingin niya sa isang litrato na nakasabit sa kanyang dingding, kuha ito no'ng kinasal sila ng kanyang asawa. Kitang kita sa mukha niya ang labis na saya no'ng mga araw na 'yon samantalang makikita mo naman ang pagkadisgusto sa mukha ng lalaking kanyang pinakasalan.

Napangiti siya ng mapait ng maalala ang isa sa pinakamasayang araw na iyon sa kanyang buhay. Labis ang saya niya no'ng mga panahon na iyon dahil sa wakas ay naikasal na siya sa lalaking pinakamamahal niya. She was once dreamt to have a loving husband and a happy family, ngunit sadyang malupit sa kanya ang tadhana at kabaliktaran nito ang ibinigay.

Bago pa siya tuluyang maiyak ay lumabas na siya ng kanyang kwarto para tingnan kung nakauwi na ang kanyang asawa at ng makapasok siya sa silid nito ay wala siyang nadatnan na Thunder senyales na hindi pa ito nakauwi kaya lumabas na lang ito at bumaba para doon hintayin ang asawa.

Habang nasa hagdan siya pababa ng marinig niya ang marahas at malakas na pagbukas ng kanilang pintuan kaya dali dali siyang bumaba.

"Jewel!" galit na sigaw ni Thunder

Napapitlag naman siya ng marinig ang boses ng asawa na halatang galit na galit ito.

Naabutan niya sa baba na pagewang gewang ito kung maglakad.

"Kanina pa kita tinatawag! Bakit hindi ka sumasagot, ha?" galit na wika nito ng makita siya

Nakaramdam siya ng kaba lalo na ngayon na alam niyang lasing na lasing ang asawa.

"Umakyat kana sa kwarto Thunder, magpahinga kana at lasing ka." mahinahon na saad nito

Akmang tatalikuran niya na sana ito ng biglang hilain siya ng asawa sa braso. Kitang kita niya ang nanlilisik na mga mata nito na nakatingin sa kanya.

"Ang sabi ko magpahinga kana, halika at ihahatid na kita sa kwarto mo." aniya pa ni Jewel na hindi pinapahalata ang takot

Ngunit hindi man lang siya pinakinggan nito at mabilis na hinila ang kanyang buhok at kinaladkad siya paakyat. Bakas sa mukha ni Jewel ang sakit sa pagkakasabunot nito sa kanya, hindi niya alam kung saan siya hahawak sa kanyang ulo ba o sa braso nito.

"A-ano ba Thunder! Na-nasasaktan ako, bi-bitawan mo ako!" sigaw nito habang namimilipit sa sakit

Nang makarating sila sa kwarto ay walang pakundangan itinapon ng malakas ng asawa sa kama dahilan para mapahiga siya.

Hindi niya maintindihan kung anong nangyayari sa kanyang asawa at kung saan nagmumula ang galit nito, kitang kita niya ang mga mata nitong nag aapoy sa galit na animo'y gigil na gigil ito.

Nakaramdam siya ng labis na takot dahil doon. Kaya mabilis siyang bumangon ngunit pinigilan siya ng asawa sa pamamagitan ng mahigpit na paghawak nito sa kanyang braso. "T-thunder a-ano ba, palabasin mo na a-ako." nauutal na usal niya

Ngunit ngumisi lang ang kanyang asawa na wari'y walang naririnig."Huwag kana pumalag pa! Alam kung gusto mo rin naman ang bagay na ito eh. Tutal malandi ka din naman at halatang madaming lalaki na ang nakapasok diyan siguro pwede ko naman subukan, asawa naman kita at obligasyon mo ito sa akin."

Halos nanginginig na si Jewel dahil sa inasta ng asawa, mas lalo siyang kinabahan ng makitang nagsimula ng hubarin ng nito ang kanyang mga suot.

Umatras siya ng umatras hanggang sa makaabot na siya sa dulo ng kama at wala ng maatrasan ng lumapit sa kanya ang asawa.

"Don't d-do this T-thunder, please. Don't do this to me." pagsusumamo nito

Oh God please help me.

Halos maiyak na siya dahil sa nangyayari ngayon sa kanya, bumalik din sa kanyang alaala ang nangyari sa kanya noon na pilit niya ng kinakalimutan.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon