Chapter 31

2K 33 3
                                    

Nang makaakyat na si Jewel ay dumiretso siya sa silid ng kanyang anak. Umupo siya sa kama nito at kinuha ang isa sa mga unan ni Storm. Inilibot niya ang kanyang paningin sa buong silid, puro mga libro at drawing ang nakikita niya.

Maya maya pa ay nahagip ng kanyang mga mata ang isang photo album na nakalapag sa bedside table. Kinuha niya ito at binuksan, agad na tumulo ang kanyang luha ng makita ang laman nito. Puro mga picture niya na may iba't ibang anggulo, may nakasulat sa baba na 'My super hero and the best mom in the world'. May nakita din siyang iilang picture na magkasama o magkatabi silang dalawa, nakangiti ang kanyang anak ngunit siya ay hindi o kaya pilit ang mga ngiti.

Kahit na bata pa ang anak niya at proud siya dito. Lumaki ito na matalino at nakakapagsalita na ng maayos, mahilig din itong makipagdebate na kagaya ng kanyang ama.

Ngayon niya lang napagtanto ang mga pagkukulang niya, alam niya sa sarili niya na malaki ang pagkukulang niya sa anak, hindi niya na nga ito nabigyan ng buong pamilya ay pinaramdam niya pa dito nag iisa lang ang anak.

Labis ang pagsisisi na nararamdaman ni Jewel noong mga oras na iyon, marahil ay tama nga ang kanyang ina na siya ang may kasalanan ng lahat ng ito, na walang dapat ibang sisihin kung hindi siya na ina ni Storm.

Kinabukasan ay maagang nagising si Jewel dahil pupunta ang mga pulis sa kanilang bahay para mag update dahil 24 oras na ang nakalilipas simula ng mawala ang kanyang anak.

Naligo muna siya at nag ayos bago tuluyang lumabas ng kwarto, pagkababa niya pa lang ay naabutan niya ang kanyang mga magulang na nakikipag usap sa pulis. Mabilis siyang lumapit sa mga ito.

"Sir may balita naba sa anak ko? Nakita niyo naba siya?" tanong nito

Gustong gusto niya ng makita at makasama ang kanyang anak, gusto niyang makabawi dito sa lahat ng mga pagkukulang niya bilang isang ina. Nakakatawa lang isipin na kung hindi nawala ang kanyang anak ay hindi niya makikita ang halaga nito.

"Calm down Ms. Jewel, may lead na kami kung nasaan ang anak niyo." sagot sa kanya nito

"Nasaan siya?"

"May nakapagsabi na may nakita sila na kasama ng anak mo kahapon. Hindi lang nila malaman kung kakilala ba ito ng anak mo o hindi, pero kanina nakarecieve kami ng confirmation na nasa maayos na lagay ang anak mo at mabubuting mga tao ang kasama niya. "

"Ano pa ang hinihintay natin? Kailangan na natin pumunta doon sa sinasabi niyong lugar, I need to get my son," nasasabik niyang wika

Agad naman na tumango ang pulis at nauna ng lumabas ng kanilang bahay, nagpaalam naman siya sa kanyang mga magulang na magpaiwan na lang ang mga ito at siya na lang ang sasama.

Mabilis na nakarating sila sa lugar kung saan nandoon ang anak. Halos hindi makagalaw si Jewel ng marating nila ang isang condominium, pamilya sa kanya ang building na ito kaya labis na lang ang laba niya ng malaman na nandito ang address na sinasabi ng mga pulis.

'Ano kaba Jewel huwag kang negative thinker, ang laki ng building na ito kaya siguradong marami ang nakatira dito.' - kontra ng kanyang isip

"Are you okay Ms.? Nandito sa loob ng building na ito ang anak mo." saad sa kanya ni Kevin na isang abogado at pinsan niya rin

"Oo naman Kev,"

Magkasabay na pumasok sila sa building kasama pa ang dalawa pang pulis.

Habang nasa elevator sila ay labis ang kaba na nararamdaman ni Jewel, halos pigil hininga ang ginagawa niya. Maya maya pa ay bumukas na ito senyales na nandito na sila sa floor kung nasaan ang kanyang anak.

Noong nasa harap na sila ng isang unit ay tagaktak ang kanyang pawis at halos manginig na ito. Ayaw niya mag isip ng iba pero sinasampal na siya ng katotohanan kung sino ang kasama ng anak sa loob ng unit na 'yon.

"Hey are you sure your okay? Namumutla ka." puna sa kanya ng pinsan

Agad naman siyang tumango rito bilang sagot, kahit ang totoo ay gusto niyang sampalin ang pinsan dahil hindi man lang nito sinabi na alam niya kung sino ang kasama ng kanyang anak,

Nakita niya pang kumatok ang kanyang pinsan sa pintuan, pagkatapos ng ilang segundo ay nagbukas ito at bumungad sa kanya ang taong ayaw niyang makita.

"What's the matter?" tanong nito

Bago pa makasagot ang pinsan ni Jewel o mga pulis ay biglang amy dumating na babae.

"Anong nangyayari dito? Anong problema Thunder? Bakit may mga pulis?" takang tanong nito at biglang nanlaki ang mga mata ng mapatingin ito sa kanyang pinsan.

"K-kevin?" nauutal na wila nito

"Nice to see you again Celine," wika naman ng pinsan niyang si Kevin

Kumunot naman ang noo ni Jewel dahil sa inasta ng dalawa. "Magkakilala kayo?" hindi niya mapigilan ang magtanong

"Yes," sabay na sagot ng dalawa

Mas lalong kumunot ang noo ni Jewel.

Maya maya pa ay sumilip sa pintuan ang isang maliit na bata.

"Storm!" bulalas ni Jewel sabay lapit sa bata at nigakap ito ng mahigpit.

Halos lumuwa ang mata nina Thunder at Celine dahil sa gulat.

"Kilala mo pala siya Jewel?" tanong ni Celine

"Yes, he is my s-son." nauutal utal niyang sagot

"He is your son?" pag uulit ni Thunder ng makabawi nasa gulat.

Halos manghina si Jewel dahil dito, nawala sa isip niya na kaharap nila si Thunder.

"Y-yes, I want you all to meet my son. Storm Kyzer Parras." pinilit niyang huwag ipakita na kinakabahan siya.

Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ng kanyang anak para kumuha ng lakas. "We badly need to go, thank you for taking care of my son." mabilis na saad niya at tumalikod na, pero bago pa siya makapaglakad ay may humawak sa kanyang braso.

"What are you doing? Let her go." anas ni Kevin

"Who are you?" baling dito ni Thunder

Nagsukatan pa ng tingin ang dalawang binata kaya pumagitna na dito si Jewel habang si Celine naman y nilapitan si Thunder. "Stop it you two, huwag kayong gumawa ng eskandalo dito. He is Kevin my boyfriend." pagpapakilala ni Jewel dito

Agad na hinila ni Jewel ang binata papaalis kasama si Storm, nakasunod din sa kanila ang dalawang kasama nilang pulis.

Nang makasakay na sila sa sasakyan ay humagalpak na ng tawa si Kevin.

"Why are you laughing tito?" Storm suddenly asked

"Nakakatawa lang kasi itong mom mo, buddy."

Mabilis naman na hinampas ni Jewel ang braso ng kanyang pinsan. Nahihiya na siya sa sinabi niya kanina tapos pinapaalala pa nito.

"Seriously cuz, you didn't inform me na ipapakilala mo akong boyfriend mo. Sana nakapaghanda ako." pang aasr nito

"Just shut up kuya! Huwag mo ng nga ipaalala, nakakainis."

Napasandal naman si Jewel sa upuan ng sasakyan. Mabuti na lang at tumahimik na ang kanyang pinsan sa pang aasar. Napahilot siya sa kanyang sentido dahil sa sobrang stress.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon